Chapter 30.5-31

8.4K 186 9
                                    

Yulie's POV

Andami naming pinag usapan ni Megan. Andami ko tuloy alam tungkol sakanya. Madaldal kasi siya eh. Napsarap ang kwentuhan namin, naputol na lang yon nung tinawag na kami ni Kenchan para kumain.

Ang saya nung feeling na kilala ka ng buong pamilya nung lalakeng mahal mo. At feeling ko welcome na welcome ako sa pamilya ni Kenchan.

Nakita ko yung daddy kong nasa isang sulok lang. Nilapitan ko siya.

"Hmm, Merry christmas." sabi ko sakanya

Napatingin naman siya sakin tapos napangiti. "Pwde ba kitang yakapin?" tanong niya sakin

Wala akong sinabi. Nilapitan ko lang siya tapos niyakap siya, niyakap niya rin ako. "Salamat sa regalo mo anak."

"Hindi ko pa nga binibigay, nagpapasalamat kana agad dyan."

"Eh etong yakap palang na matagal ko nang di naramdaman, isang malaking regalo na to. Natutuwa talaga ako sa regalo mo." sabi niya

Leche! Andrama nitong matandang to =_= Pasko na, nagdadrama pa rin.

Inabot ko na sakanya ang regalo ko

"Oh ayan." 

Kinuha naman niya sakin ang inabot kong regalo sakanya. Ngumiti lang siya. I'll take that smile as a thank you. Sheez. Di man lang nagpasalamat.

"Hmm, good evening everyone. May ishe-share lang ako sainyo ngayong pasko" napatingin naman ako sa harap ko. Nakita ko agad ang pagmumukha ni Kenchan na nasa mini stage nila at may hawak na mic.

So? Anong trip neto? Ano naman kaya ang gagawin niya dyan? Kakanta? Nako! Wag naman niya sanang ipapahiya ang sarili niya.

"Dati lagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano ang pakiramdam ng taong inlove? Ilang beses kong hinanap ang sagot. Sinubukan kong mainlove pero hindi ako naiinlove. Kaya sinubukan kong idate ang kung sino sino lang hanggang sa maramdaman ko yung feeling na inlove. Pero hindi ko nararamdaman yun sa mga nakakadate ko.  Tinanong ko sa mama ko, ma paano ba ang mainlove? Ang sagot niya? Anak, ang pagiging inlove ay hindi pinipilit, etong pakiramdam na ito ay bigla mo na lang nararamdaman. Kaya itigil mo yang pakikipagdate mo sa mga babae, nauubos na ang pera ko." nagtawanan naman ang mga tao. Pati nga ako natawa eh.

"Kaya itinigil ko muna ang pakikipagdate sakanila, pero syempre hindi ako tumigil sa pakikipaglandian. Nung napansin ni mama na masyado na akong pasaway, naghire siya ng PA ko. Nung una, ayaw na ayaw ko sakanya, sinusubukan ko siyang takasan. Kung bakit? Syempre, dahil napakahigpit niya. Amazona siya, pramis." again, nagtawanan nanaman ang mga tao, amazona?! AKO?! >_< Hindi ah! Patay kang Kenchan ka!

"Ilang araw ang lumipas, lagi ko siyang kasama. Nawawala ang focus ko sa mga babaeng magaganda't sexy, hindi ko namalayang nakafocus na lang pala ako sa babaeng mainitin ang ulo, lagi ko siyang inaasar, gustong gusto ko siyang asarin dahil nagagalit siya. Hanggang sa umabot na kami sa puntong nagbabatuhan at nagkakasakitan na kami."

"Paglipas ng mga araw, lalo ko pa siyang nakilala. Nalaman ko ang totoong ugali niya. Naisip ko, pano ko kaya natatagalan tong babaeng to? Ayaw niya sakin, ayaw ko rin sakanya. Pero isang araw she confessed her feelings to me, kaya pumayag akong ligawan niya ako. Pero bago pa man niyang aminin sakin ang nararamdaman niya, may nararamdaman na talaga ako sakanya. Nung una, sinusubukan kong balewalain lang yun. Pero ngayon, gusto kong sabihin sakanya na mahal na mahal ko siya."

Now Playing: Baby I love you

~There are three words, that I've been dying to say to you

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Where stories live. Discover now