Chapter 39

8.3K 191 13
                                    

Kimeeko's POV

Hanggang ngayon, wala pa ring lumalabas ni-isang salita sa bunganga namin ni Nash. Speechless pa rin kaming dalawa. Ano ba ang pwde kong tanungin o sabihin? Para naman mabasag yung katahimikan.

"Nash may sasabihin ka ba? Kasi kung wala, uuwi na ako." sabi ko sakanya

Wala siyang sinabi, hindi niya sinagot ang tanong ko. Instead, niyakap niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

Galit ako sakanya, oo. Pero parang biglan na lang nawala yon nang yakapin niya ako.

Napayakap na din ako sakanya. Sobrang namiss ko siya.

"Bakit ka ba umalis?" tanong niya habang nakayakap pa rin

"Eh diba ikaw naman mismo ang nagsabi na umalis ako? nung nasa condo mo ako." sabi ko sakanya

"Tsk. Ang sabi ko, umalis ka sa condo ko pero hindi ko sinabing umalis ka ng Pilipinas." sabi niya tapos kumalas na sa pagkakayakap sakin ganun din ako.

"Bakit ka ba andito?" tanong ko sakanya.

Yun lang naman ang gusto kong malaman. Kung bakit siya andito.

"Kasi mahal kita." sabi ni Nash sakin

"Mahal mo ako? Tss. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi mo o maiinis eh. Ano ba to? PAG ASA ka ba? Paaasahin mo na naman ba ako? Sinabi mo na sakin yan dati, at sinabi mo rin sakin na mahal mo si Kendra. Nash wag na tayong maglokohan dito." sabi ko sakanya

"Dahil naguguluhan pa ako sa mga araw na yon. Nung bumalik si Kendra, bumalik din ang nararamdaman ko para sakanya. Pero Meeko, ngayon, alam ko na kung sino talaga ang mahal ko. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung pakiramdam mo mas pinili ko pa si Kendra kesa sayo." sabi niya sabay yakap ulit sakin

"Totoo namang mas pinili mo siya sakin eh." sabi ko. 

"Kaya nga andito ako ngayon diba? Itatama ko ang mga pagkakamali ko. Ipapakita ko sayo na totoo ang sinasabi ko... Second chance, please Meeko." sabi niya sakin

"Hmm. Nash hindi ko alam kung tama bang bigyan kita ng second chance, or mas tama kung hindi na. Mahal kita alam mo yan kaya bibigyan kita ng second chance, pero sana naman wag mong aabusuhin, wag mong i-take advantage to, dahil Nash isang pagkakamali na lang ulit-- Ewan ko na lang talaga!" sabi ko sakanya

Yulie's POV

Kasalukuyang naliligaw kaming apat. Tch! Nakakatawa diba? Kami na nga tong nag-walk out, kami pa tong naliligaw ngayon. Kasalanan naman ni Kenchan to eh!

"Kasalanan mo to! Kung di ka sana nag-ayang umalis kanina edi sana hindi tayo naliligaw ngayon. Ang laki kaya ng Japan." sabi ko kay Kenchan

"Humingi na nga ako ng tawad diba? Eh kasi naiirita lang naman ako dun sa dalawa eh. Kunware hindi namimiss ang isa't isa, magsisimula pa ng away eh" sabi ni Kenchan

"Hay! Wag na nga kayong mag-away. Hindi makakatulong satin yan. Eh kung tinatawag kaya natin sila Kim at Nash ngayon diba?" Kevin

"Eh kung kanina mo pa kaya sinabi yan diba? May naisip kana palang idea dyan ngayon ka lang nagsalita" sabi naman ni Micah

"Eh kung--" Kevin

"Eh kung tumigil na kayong dalawa diba? Tsk. Sige tawagan niyo na si Nash o si Kim." sabi ni Kenchan

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Where stories live. Discover now