Chapter 29

8.2K 176 4
                                    

Micah's POV

December 24. Ngayon, magcecelebrate kami ng Christmas party naming magbabarkada. Kanina pa nga kami andito eh. Antagal ni Kim, sabi naman niya kanina sa text papunta na talaga siya.

Well, kasama namin si Kendra, ewan ko nga kung pano nangyari yun, ehh hindi naman namin siya inimbita. Bigla na lang namin siya nakitang kasama si Nash. Ang awkward nga eh. Sobrang sweet nila ni Nash. Hindi ko na lang sinabi kay Kim na andito tong babaeng to kasi baka di na tumuloy eh.

"Ang tagal naman ni Kim. Excited na akong magexchange gifts." sigaw ko para mabasag yung katahimikan sa venue

"Oo nga eh. Textan mo--" Yulie

"Uy guys sorry late talaga ako." sabi pa ni Kim kasama si--

"Uy Earth pare, buti naman sumama ka." sabi pa ni Kenchan. Well hindi sila close, sinabi na lang ni Kenchan yan kasi nakita ni Kim si Kendra. At parang umiba ang aura niya

"Ahh oo eh, Pinilit ako ni Kim" sabi pa ni Earth

"Uy anong pinilit? Hindi kita pinilit noh. Ikaw kaya ang may gusto. Tss." sabi pa ni Kim

Tapos umupo na sila. So yung arrangement ng seat nmin ngayon is--

Ako | Yulie | Kim | Earth

Kevin | Kenchan | Nash | Kendra

Ang awkward talaga. Kami nila Yulie, Kevin at Kenchan, nagkakatingin lang kami. Si Kendra at Nash kasi eh, uhm-- NO COMMENT?

"Nashy eto try mo." sabi ni Kendra tapos sinubuan niya si Nash

Napalunok na lang kaming apat sa nakikita namin. Ang sweet naman ata? Sa sobrang sweet nila, mukhang sasabog na yata si Kim eh.

Inapakan ni Kenchan ang paa ni Earth, at parang automatic na naintindihan ni Earth ang signal na yun.

"Ah Kim oh, tikman mo to. Masarap siya" sabi ni Earth

Napatingin naman kaming lahat kila Earth at Kim. Ayun, sinubuan din ni Earth si Kim.

"A--ah, bi--bilisan na nating kumain. Para makapag-exchange na tayo ng gifts." sabi ko  pa. Kasi nakita kong di nagustuhan ni Nash ang nakikita niya. Magkaharap kasi sila ni Kim eh.

Natapos na rin kaming kumain, so naisipan na naming mag-exchange gifts.

Si Kevin binigyan niya ako ng guitar na gustong gusto ko, kahit hindi naman ako marunong tumugtog, binili pa rin niya sakin yun. Sabi niya tuturuan niya na lang daw ako.

Ako naman ang binigay ko kay Kevin ay scrapbook. Okay, alam kong ang cheap ng binigay ko sakanya at super common na, pero kasi andun yung memories namin simula nung bata pa kami. 8 years old kami nung nagkakilala kami, magkaibigan ang mga magulang namin, at naging kalaro ko na siya simula nun.

Si Yulie ang binigay kay Kenchan ay isang CD, nirecord niya ang BABY I LOVE YOU na kinanta niya noon kay Kenchan, nung niligawan niya. Nirecord niya ang whole song. Ang sweet na nga eh, kaso--

"Bakit naman eto ang binigay mo sakin? Bastos ka talaga! Leche" yan, si Yulie ang nagmumura.

Kung bakit?

Malamang, sino ba naman ang hindi magagalit kapag NIGHTIES at SUPER SHORT SHORTS ang natanggap mo, worst, galing pa sa manliligaw niya.

"Eh ayaw mo ba nyan Yulie? Ang sexy sexy niyan. Kaya dapat isuot mo yan." sabi pa ni Kenchan.

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Where stories live. Discover now