Chapter 32

7.5K 184 11
                                    

Kimeeko's POV

Kinabukasan. Nasa tapat ako ng pintuan ng condo ni Nash. Nagdadalawang isip ako, kung pipindutin ko ba ang doorbell o uuwi na lang ako. Gusto ko kasing malaman ang kondisyon ni Kendra eh. Kagabi kasi hindi kami tumagal sa ospital.

*ding dong*

In the end, pinindot ko pa din ang doorbell.

Bumukas ang pinto. Bumungad sakin ang haggard na mukha ni Nash. Wala siyang sinabi sakin ni isang salita, iniwan niya lang nakabukas ang pinto. Kaya pumasok na ako. Pagkapasok ko, sinarado ko na ang pinto. Si Nash nakahiga sa sofa. 

"Ah Nash, kamusta na si Kendra?" tanong ko sakanya

Bago siya sumagot. Tiningnan niya muna ako. "Wag ka ngang umasta na parang nag aalala ka talaga sa kondisyon niya. Alam mong may sakit siya, nagawa mo pa rin sakanya yun." sabi niya nang hindi tumitingin sakin.

"Nash hindi ko talaga sinasadya yung pagtulak ko sakanya. Siya naman talaga ang nauna saming dalawa--"

"Yan, yan ang sinabi sakin ni Kendra, na sasabihin mo daw sakin na siya ang nauna. Kimeeko kung anu ano na nga ang sinabi mo sakanya nagawa mo pa siyang itulak." sabi niya

Oh teka? Bakit iba ang kwento ni Nash? Nagsinongaling si Kendra sakanya. Shet Kendra, ano bang nagawa ko sayo at ginaganito mo ako?

"Teka Nash hindi mo alam ang totoo."

"Kimeeko sinabi na sakin ni Kendra ang totoo. Wag ka nang mag maang-mangan pa."

"Nash sasabihin ko sayo ang--"

"Kimeeko mahal ko si Kendra at naniniwala ako sa sinabi niya. Kaya pwde ba, umalis kana nga dito!" sigaw niya sakin

Ilang beses nagpaulit ulit ang sinabi ni Nash sakin. Parang ayokong magsink in sa utak ko ang sinabi ni Nash sakin.

"Umalis kana." ulit niya.

Sana, Sana yan lang ang sinabi niya sakin. Sana yan na lang talaga. Bakit kelangan niya pang sabihin sakin yun? Ang sakit lang. Eto yung sinasabi ko eh, tinatrato niya ako na parang ako ang mahal niya, pero in the end si Kendra pa rin pala ang mahal niya.

Umalis na rin ako sa condo niya.

Pinipilit kong hindi umiyak. Pero patuloy na tumutulo ang luha ko. Nakayuko akong lumalabas ng condo.

Sa kakaiyak ko, napaluhod na lang ako sa daanan. Biglang nanghina ang mga tuhod ko kaya napaluhod na lang ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako umiiyak? Alam ko naman na na si Kendra talaga ang mahal niya eh. Alam ko na, pero nung narinig ko yun galing sakanya, sobrang sakit pa rin.

"Kyaaaah!" napasigaw ako nung naramdaman kong may bumuhat sakin.

"Ah nasugatan lang po ang girlfriend ko." sabi ni-- E--eh? Earth?

"Ah akala naman namin nababaliw na yang syota mo kuya." sabi nung isa.

Inangat ko ang ulo ko. Nakita kong nakatingin sakin ang lahat, lahat ng dumadaan.

Dinala ako ni Earth sa park. Pagdating namin sa may bench, inupo niya ako dun.

"Tch. Bakit mo ba ako binuhat?" tanong ko sakanya

"Tss, syempre kasi nagmumukha ka nang tanga dun. At syempre kasi may pake ako sayo." sabi niya pa

"May pake? Tss, kelan pa? Sana iniwan mo na lang ako dun. Sana iniwan mo na lang akong magmukhang tanga dun. Tanga naman talaga ako eh"

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Where stories live. Discover now