Chapter 28

8.2K 188 6
                                    

Kimeeko's POV

DATE: DECEMBER 8

Nasa mall kami ngayon. Si Nash ang nag-aya samin dito sa mall tapos mamaya daw pupunta kami sa bahay nila. Kanina nung dumating si Nash sa bahay namin, agad namang nagpakarga si Meeson kay Nash, at hanggang ngayon na nasa mall kami karga pa rin ni Nash si Meeson.

"Meeko sa tingin mo bagay ba to kay Meeson?" sabay pakita sakin nung polo shirt

"Ah oo bagay sakanya. Pero Nash, madami na siyang damit. Wag ka nang mag-abala, pwde pang pangdate yan." sabi ko sakanya

Pero kinuha niya yung polo shirt at binalewala ang sinabi ko. Tapos marami pa siyang kinuhang damit at pants para kay Meeson.

Pagkatapos niyang bilhan si Meeson ng mga damit, pumasok naman kasi sa toy kingdom. Binaba niya si Meeson, at kung ano ang itutro ni Meeson bibilhin nya, kung ano ang hahawakan ni Meeson, bibilhin niya rin. Nagseselos tuloy ako, gusto ko din kasi ng rilakkuma stuffed toy eh. Kaso wag na nga, baka sabihin niyang FC ako =_=

Paglabas namin sa toy kingdom, dumirets naman kami sa condo niya.

Namiss ko ang lugar na to. Kahit papano naman, marami kaming magandang ala-ala dito, which is ala-ala na lang talaga. Pft.

May nakita akong box sa sofa, lumapit si Meeson sa box tapos pinalo palo yun.

"Gusto mo bang makita ang laman ng box na yan Meeson, ha?" Nash na kausap si Meeson

Tapos tumango tango si Meeson, tuwang tuwa siya. Ako din gusto kong makita ang laman nung box. :) Binuksan nilang dalawa yung box. Nakatingin lang ako sakanilang dalawa, NAKAKAHIYA NAMAN, baka sabihin nilang epal ako =_=

Pagkatapos nilang buksan yung gift, bike ang nakita ko. Bike ang laman ng box. Kaya pala ang laki ng box eh. Bike na pambata pala yung laman.

"Mamaya na tayong maglaro Meeson, kumain muna tayo." sabi niya kay Meeson.

Inaya niya din ako. Pero hindi talaga ako masyadong kumain, dahil wala talaga akong ganang kumain lalo na pagkaharap ko si Nash. Well, dati gustong gusto kong kaharap ko si Nash kapag kumakain ako, dati pa yun. Ngayon? Ewan ko na lang.

Nagbabike si Meeson, sinusubukan niya palang. Pero hindi pa umaandar, dahil hindi pa niya masyadong kaya yung bike.

"Bakit naman bike pa ang binili mo kay Meeson? 1 year old palang sya. Tingnan mo, hirap na hirap siya." sabi ko kay Nash

"Eh lalaki din naman siya, at makakaya niya na rin yang bike. Teka-- Oh." sabi niya sabay abot sakin ng box

"Ano to?"

"Buksan mo kaya para malaman mo."

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Leche! Hindi na lang sumagot ng maayos. =_=

Pagbukas ko nung box, necklace ang laman. Nakakahiya mang aminin, pero parang kinilig ako kahit sandali lang. Ang ganda pa ng design ng necklace. Pero teka-- bakit naman niya binibigay sakin to?

"Ah para sakin ba to?" tanong ko sakanya

"Ah hindi. Titigan mo lang. Hindi para sayo yan." pamimilosopo niya

Napangiti naman ako. Ibang klaseng ngiti. "Talaga? Oh eto--" sabi ko sakanya sabay lapit ng palm ko sa pisngi niya

"Oh ano naman yan?" tanong niya sakin

Pumikit ka. Kagaya ng sinabi ko, pumikit naman siya.

*PAK*

"Ah sht. Para san naman yun?" tanong niya

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ