Chapter 33

7.4K 196 18
                                    

Kimeeko's POV

Mabilis tumakbo ang oras. Mas mabilis pa sa kabayo. Kakatapos ko lang kumuha ng exams, bukas kelangan ko nang umalis, kelangan na naming umalis ni Meeson. And sad to say, kasama si Kathy sa pag uwi namin sa Japan.

Tapos mamaya, magpaparty kami. Ewan ko ba kay Micah at kelangan pa ng party party na yan. Hindi ko naman gustong magpaparty eh, kasi kung magpaparty pa kami, edi mas mamimiss ko yung kasiyahan namin. :(

Nasa bahay ako ngayon nila Nash. Wala siya dito, nasa school siya. Hindi pa niya alam na aalis ako, sabi ko kasi sakanila wag na lang nilang sabihin, kasi baka isipin ni Nash na nagdadrama ako o gumagawa ako ng effort para mapansin niya ako. DUH! Definitely, NOT! Hindi ako nagpapapansin sakanya nohh, dati lang nung 1st year highschool. Jeje days eh! :)

"Kim sorry ah, gago talaga yang kapatid ko eh." sabi ni ate Aphro, namomoblema talaga siya. masyado yata siyang apektado? Ewan ko, parang siya naman ang mas nasasaktan saming dalawa eh. Haha.

"Ate bakit ka naman nagsosorry? Wala ka namang kasalanan eh. Tsaka wala namang may kasalanan. Ano naman ang magagawa natin kung si Kendra talaga diba?"

"May magagawa tayo."

Nakangiting malapad si ate Aprho.

"Oh ano naman ang naisip mo dyan ate? Baka naman masama yang binabalak mo ha-"

"Tumpak! Masama nga ang binabalak ko Kim, bakit di na lang natin siya ipapatay? MWAHAHAHA!" nag-evil laugh pa.

"Ate naman eh!"

"Hahaha, joke lang Kim. Gusto lang kitang pasayahin. Nga pala Kim, kapag andun kana bibilhan mo ko ng bag ha? Tapos ipadala mo na lang."

"Tss, haha. Parang andali naman ate Aphro. Susubukan ko na lang."

"Sige, pagbalik mo na lang dito.."

"Ah sige tingnan natin. Ate, wag mong sasabihin kay Nash na aalis ako ah? Pag hinanap niya na lang ako, dun mo na lang sabihin sakanya na umalis ako." sabi ko sakanya

Tumango tango naman siya. Nagpatuloy ang kwento namin, hanggang sa nagdesisyon na akong umuwi. Dahil gumagabi na.

Pag-uwi ko sa bahay, bumungad sakin kaagad ang pagmumukha ni Micah, Kevin, Kenchan, Yulie at Earth kasama si Meeson. Naglalaro lang sila. Nagmumukha na ngang baliw yung lima eh. Nag-ala Barney and friends kasi. Tuwang tuwa naman si Meeson sakanila.

"Whoo Kim buti naman at umuwi kana. Syet! Nakakapagod talagang patawanin tong anak mo.." Kenchan

"Eh sino ba naman ang may sabing patawanin nyo?"

"Si Kathy. Kasi umiiyak ang anak mo, ayaw naman magpakarga samin. Sabi ni Kathy may bright idea daw siya, mag-ala barney and friends daw kami kasi favorite ni Meeson si Barney. Eh ayun, natuwa naman." Micah

"Ah oo nga pala. Sinanay ko kasi siyang manood ng Barney eh. Haha-- oh teka, gutom na ba kayo?"

"Aw Kim, sa lahat ng tanong mo yan lang ang nagustuhan ko. Sobrang nakakatouch. Gutom na gutom na nga kami eh!" Yulie

"Sige tara, kumain na nga tayo." sabi ko sakanila.

Sa dining room, ayun, kwentuhan lang sila ng kwentuhan, tawanan ng tawanan. Nakikisali naman ako pero paminsan natutulala ako at nalulutang kasi may naaalala ako.

"Kim okay ka lang ba? Hindi ka ba natutuwa sa pagpaparty namin?"

"Huh? Hindi ah. Natutuwa naman ako."

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt