Chapter 21

7.8K 196 8
  • इन्हें समर्पित: mhaiimhai
                                    

Kimeeko's POV

Saturday ngayon. Kakatapos lang ng shooting namin, yung sa movie na pinagpapraktisan namin last time. Nasa mall kami ngayon, kasama sila Kenchan, Yulie, Micah at Kevin. Paikot ikot lang kami ng mall. Tumigil kami sa starbucks at pumasok. Si Yulie ang umorder para samin.

Humanap kami ng table na mauupuan, nung nakahanap na kami, umupo na kami.

"NASH!? NASHY?" nagulat kami sa sumigaw. Kaya napaangat kami ng ulo.

"Ke--Kendra?" napatayo naman si Nash at niyakap si Kendra, so nagyakapan nga sila sa harapan namin.

Hindi pala ako nagkakamali sa nakita ko kahapon. So andito na nga siya talaga. Bakit siya andito? Bakit naman bumalik pa siya?

Tiningnan ko sila Micah, Kevin at Kenchan, nakatingin din sila sakin. Parang nagtataka din sila. Dumating na si Yulie sa table namin.

"Oh guys-- Ow? A--ah si--sino siya?" tanong ni Yulie

"Maupo ka nga." sabi ni Kenchan kay Yulie at hinila si Yulie paupo.

"Kevin, Kenchan, hihiramin ko muna si Nashy ah. Babalik ko siya. Oy Kenchan namiss kita. Okay, see ya later guys" sabi pa ni Kendra tapos nagwave

Nakatingin lang silang apat sakin.

"A--ah Kim, san mo gustong pumunta?" tanong pa ni Kevin sakin

"Ah o--oo nga. San ba mas maganda? Sa boutique na lang kaya? Or sa--" Micah na nag iisip.

"Ah pwde bang ihatid niyo ako sa bahay nila Nash? Kukunin ko lang si Meeson." sabi ko sakanila. Lahat naman sila tumango.

Nakasakay na kami ngayon sa kotse ni Kevin.

"Ah Kim gusto mo bang dun na lang muna kami sa condo? Para naman may kasama ka, magmovie marathon kaya tayo?" Micah

Nginitian ko siya. "Ah wag na Micah, next time na lang."

"Sure ka ba? Okay ka lang ba Kim?" Yulie

"Oo okay lang ako. Bakit mo naman naitanong yan?" 

"Ah wa--wala naman."

Tahimik kaming nakarating sa condo namin. Pagkatapos nila akong ihatid, umalis na sila. Sumakay na kami ng elevator.

Elevator

Hinalikan ko si Meeson sa cheeks. Namiss ko talaga siya ng sobra. "Hi baby namiss ka talaga ni mommy." sabi ko sakanya habang buhat ko siya

"So is he your son?" nagulat naman ako sa nagtanong sakin.

O--oh? Si Earth? Bakit andito to?

"Oh Earth, bakit andito ka?"

"Bakit di ba ako pwde dito?" tanong naman niya sakin.

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें