Whistleblower

658 61 4
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

R e e s e

It was dark when I woke up. What time is it already? Oh, alas-otso na pala ng gabi. "Bakit gabi na, may naglilinis pa?" Naririnig kong may nagwawalis sa ibaba. Ah, si Jamie. Pagbangon ko, sunod kong hinanap ang aking mga kaibigan. "Nasa'n naman kaya yung mga 'yun?"

'Di na lang ako umeffort na mag-ikot pa sa lugar. Sanay na'kong kung saan-saan sila nagsususuot sa t'wing darating ang gan'tong araw, dahil bukas, babalik na naman sina Tristan, killing all the fun. "What?" Sigaw ko ng makita kong hinila palabas ng kwarto ng matangkad kong kaibigan si Mackenzie. Inabutan niya ito ng panglampaso at timba. "Centeno, the hell are you doing?! Stop it, you're hurting h-, uh, 21986."

"Well, this girl thinks she can boss around, laying in her bed all afternoon. 'Di ko pa nakikitang naghugas 'to ng pinggan!" Pinanglakihan ako ng mata ni Teegan. Ano ba'ng nangyayari? Oras na ng pahinga, kaya siguro konti lang ang dumungaw sa kanilang mga rehas, upang tignan kung ano ang dahilan ng komosyon. "Reese, halika nga dito! Nakita ko pa 'tong nakatingin sa pwet mo, isa pa 'yon!" Siniko ni Mackenzie ang aking kaibigan. "Manlalaban pa ang gaga. Halika! Maglinis ka sa banyo at kwarto namin! Makalat! Walang tulug-tulog!"

"Bakit ako?! Si Jamie, masipag 'yon!"

"JO Andres, sasagot pa, o!" Hailee crossed her arms, and I'm thinking we're on the same page. Confused. Wait, are we? 'Cause I'm pretty sure may abutang naganap sa kanilang dalawa. Lord, yung McWich ba 'yon? Binabarter na nila?

My jaw dropped when I saw Juju spilling her coffee on purpose to Mackenzie. "De Leon, come here!" I can see how Rivera's nose crinkled and it's damn funny. "About time you wake up from your deep sleep, princess. Now, get your ass in here."

I ran like a maniac because I saw how firmly Teegan gripped Montefalco's arm. "What are you-" Before I can even react, Teegan gave a full swing, hitting Mackenzie's face. "Putang ina! Tama na nga 'yan. Ano ba'ng nangyayari?!" Tumakbo ako palapit sa kanya at tinulungan siyang tumayo. "You better give me a good explanation to this or else..."

"God, you're oblivious." Centeno rubbed her shoulders, wiping the blood on her hands. "Sorry, did I hit too hard?" Teegan leaned in, whispering to me. "Mallory's watching, that's good. Put on a show, Reese. There was a tip to the guards that Mackenzie here is being treated too special. Lalo na ikaw."

I watched as Jamie gives Mackenzie a towel. "Teegan, come on, let's drag her." Lumapit si Juju kay Jamie at tinanong siya ng, "Barado na ba yung banyo?" Tumango naman ito. "Good." Itinulak niyang muli si Mackenzie kaya naman ito dumusdos sa harapan ng selda nina Mallory. "If you don't want this to happen to you, better behave."

"Pakisapak pa nga si Montefalco. Yung dudugo ang nguso. Nasugat lang siya sa singsing mo, eh," Narinig kong sinabi nung Mallory. Nag-init ang tuktok ko sa narinig ko. Sana walang nakakita sa aking tumingin ng masama. Teegan motioned for Juju to do the detainee's bidding, for this stupid show. Mackenzie was once again on the floor, her lips blown. "Ayan, buti nga sa'yo. Centeno, ikaw na ang paborito kong intern sa buong mundo. Isa pa nga!"

"Eh, kung ikaw ang banatan ko para ako ang paborito nitong si Montefalco? Hah?" Ayoko nang masaktan pa siya. This is getting too far. "Hindi talaga kayo titigil?" I lifted her chin up, wiping the blood on her face with my bare hands. "Ikaw, tumigil ka na sa kakasulsol. Baka gusto mong ikaw naman ang isunod ko dito, at mas malala pa ang gagawin ko sa'yo?"

"Oh, kalma, ma'am. 'Kala ko kasi makakalusot, eh."

"Eh, kung ilusot ko kaya 'tong kamay ko sa rehas para masakal kita?"

Felix Culpa (Valmont's Consigliere/CamRen)Where stories live. Discover now