Last Chapter

9.8K 201 15
                                    


Thank you all for loving my book. This is a bonus chapter so I hope you guys like it. :)

"Okay. Just e-mail me, Lexie. Bye." Sagot ko bago pinatay ang linya. Nilingon ko si Ann na ngayon ay nakangiting kumakaway sa akin karga si Winona habang papasok sila sa resto kung saan kami nagpasyang magkita.

Bumalik at naging maayos muli ang pagsasama namin ni Ann. Alam kong kahit na gaano ako nasaktan noon at gaano ko siya nasaktan ay hindi nasusukat doon ang relasyon naming magkapatid. Hindi ko man siya buong kapatid ay hindi iyon nagbago.

I still love her. I'm still her Big sister and I will always protect her.


Ngumiti ako at kumaway. Agad kong kinarga si Winona ng makalapit sila.

"How's my Winona today?" Lumabas ang maliliit niyang ngipin ng ngumiti siya.


"I'm good at drawing, tita." Humagikgik siya kaya natawa ako. Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako umupong karga siya.


"How's your flight back?" Tanong ko kay Ann nang makaupo siya sa harap ko. Ibinaba niya ang kanyang bag sa tabi niya bago siya bumuntong hininga.


"Fine, ate. But I feel frustrated."


"Mommy!" Tawag ni Winona sa kanyang ina nang makita niya itong lumungkot ang mukha at parang naiiyak na. I feel sorry for my sister.


She's still searching for Winona's father. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang hanapin ito gayong wala naman itong balak magpakita. Palagay nga namin ni Calvin na nagtatago ang lalaking iyon at ayaw magpahanap.


"Don't you think it's already time to stop?" Hinaplos ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa. Dumungaw siya sa akin at umiling.


"I think he's in danger, ate. And he needs my help." Kumunot ang noo ko. Pareho kaming napalingon sa waitress na lumapit sa amin.


"Can I take your orders, ma'am?" Tumango ako bago ibinaba si Winona. Lumipat siya sa gitna namin ni Ann na silya.

"I want nuggets, mommy!" Kinuyakoy niya ang kanyang dalawang paa.

"Do you have nuggets?" Tanong ni Ann sa waitress. Nag-alinlangan pa itong sumagot pero agad namang tumango.

"Yes." Nagpalakpak si Winona nang marinig ang sagot ng waitress kaya hindi ko napigilang tumawa.


"One order And also this Fettuccine Alfredo." Agad ko ring ibinigay ang aking order ng matapos si Ann.


"What do you mean by he's in danger?" Tanong ko ng makaalis na ang waitress. Binuksan niya ang kanyang bag at may hinalughog siya doon. Agad niyang ibinigay ang Ipod kay Winona. Tinanggap naman ng bata at nagsimulang maglaro mula doon.

"I got strange call overseas last week ate. I think it's from him again." Bulong niya bago sumulyap kay Winona na ngayon ay abala sa kanyang Ipod. Mas lalo namang kumunot ang noo ko.

"What did he say?"

"Wala. But I hear someone else. Like they're shouting. I don't know!" Mahina niyang sigaw na parang hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Bumuntong hininga ako.


"Why don't you guys go on vacation and stop searching for awhile. Baka guni-guni mo lang iyon." Umiling siya ng marahas. Hindi ko mapigilang maawa sa kanya. Ilang beses na siyang nakatanggap ng tawag mula sa ibang bansa. Hindi ko alam kung may nagloloko ba sa kanya. Sinabi ko rin na dapat na siyang magpalit ng numero pero ayaw niya.


His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon