Chapter 37

7.2K 141 3
                                    

Kiss me

Nilingon ko si dad na ngayon ay nakaupo sa kanyang swivel chair.

"May nakapagsabi sa akin na nagkita kayo ni Rene last Tuesday." Umiwas ako ng tingin nang bigyan niya ako ng mapanganib na tingin. Hindi ako nagsalita.

"Why didn't you tell me?" Nagulat ako sa pagbagsak niya sa hawak niyang papeles sa mesa. Dahan dahan akong lumingon sa kanya.

"H-hindi ko po alam na kailangan kong ipaalam sa inyo dad." Marahas siyang tumayo at inilot ang kanyang sentido.

"Anong sinabi niya sa'yo?" Kumunot ang noo ko dahil parang may bagay na ayaw ipaalam ni dad sa akin.

"Kinamusta niya lang ako, dad. Bakit po?" Tanong ko. Naglakad siya pabalik balik at parang may malalim na iniisip.

"Huwag mo na siyang kakausapin pa. Kapag nagpakita siya ulit sa'yo sabihin mo kaagad sa akin, okay?" Tinitigan ko si dad. Parang may kung ano siyang hindi sinasabi sa akin. Pero kailangan kong malaman kung ano iyon. I need to know.

Dahan dahan akong tumango.

"Yes, dad."

"Hindi pa ba umuuwi si Calvin?" Tanong ni Lexie ng nasa unit niya ako. Uminom ako ng wine at umiling.

"Not yet." Kinuha naman niya ang beer na nakapatong sa mesa at itinungga iyon.

"Why? May problema sa company nila?" Nagkibit ako ng balikat.

"I really don't know." bumuntong hininga ako. Tinitigan ko ang hawak kong wine glass.

I miss him so much.

"Hindi pa kayo nag-usap ni Drey?" Tanong niya ng ilang sandaling katahimikan. Bumuntong hininga ako.

"No." Simpleng sagot ko. Tinitigan niya ako ng ilang sandali bago bumuntong hininga.

"Siguro nabigla lang siya sa mga nasabi niya at nanibago sa pagbabago ng desisyon mo." Aniya. Umiling ako bago ulit sumimsim sa wine na hawak ko.

"Hindi ko naman siya pipiliting intindihin ako." Sagot ko. Tumango si Lexie.

"Mas naiintindihan mo kasi ako. Alam mo 'yong pakiramdam ko." Ngumiwi si Lexie kaya mahinang napatawa ako.

"H'wag mo nalang ipagdiinang hindi ko nakukuha ang lalaking gusto ko pwede?" Agad akong umiling at ngumiti.

"May problema ka ba?" Tanong ni Lexie ng nakatitig lang ako sa wine glass. Kumunot ang noo ko.

"Nothing." Sagot ko. Umilaw ang cellphone ko kaya agad ko iyong dinungaw. Tumatawag si Calvin.

"Hello?" Hindi maiwasan sa boses ko ang pagkasabik. Napakagat ako ng aking ibabang labi ng marinig ko ang mahinang pagtawa ni Calvin sa kabilang linya.

"Hi! How's your day today?" Malambing na tanong niya. Nilingon ko si Lexie na nakataas ang kilay.

"I-it was fine. Ikaw? How are you?" Tanong ko. Tumayo ako. Humagikgik si Lexie kaya pinandilatan ko siya.

"Not okay." Kumunot ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko agad.

"I miss you." Aniya. Napapikit ako ng madiin. Magsasalita na sana ako ng may marinig ako sa kabilang linya.

"Cal? Where's the towel? Pwede mo bang i-abot sa'kin? Nakalimutan ko bago pumasok sa banyo!" Hindi ako nakapagsalita at nakasagot sa sinabi ni Ann.

"Wait a sec." Ani Calvin. Tumango ako agad na parang nakikita niya ako.

"Thank you, hubby!" Rinig kong saad ng kapatid ko. Siguro ay naibigay na ni Calvin ang twalya.

His MistressWhere stories live. Discover now