Chapter 14

10.1K 215 0
                                    

Close to you

"So, you panicked?!" Patawang tanong ni Lexie ng naikwento ko sa kanya ang mga sinabi ni Calvin sa akin at mga pinapakita niyang hindi ko maignora. Inirapan ko siya.

Kakauwi ko palang pero nang nalaman ni Lexie na nakauwi na ako ay dumiretso siya agad dito. Kumuha ako ng chips na hawak niya at isinubo.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko." Ako naman ngayon ang inirapan niya. Sa byahe namin ni Calvin ay hindi na kami halos nag-usap pa. Iniwasan ko siya at kung maaari lang ay ayaw kong may masabi na naman siyang mga bagay na magpapagulo lang sa isipan ko.

"Ano ba ang hindi mo maintindihan doon? Parang binigyan kana niya ng libro at ipinabasa sa iyo ng klaro! He likes you." Napaisip ako. Paano niya ako nagustuhan? Napapikit nalang ako sa pag-iisip at sumandal sa sofa.

"Naguguluhan ako. Paano niya ako nagustuhan? Ang gulo at ang komplikado ng pagkakakilala namin sa isa't isa."

"Minsan kasi masyado kang nag-iisip. Lalo na sa mga bagay na hindi mo naman alam. He likes you and that's enough." Hindi nalang ako kumibo. Am I thinking too much?

"Huwag mong sabihin na dahil na naman ito sa kapatid mo? Dahil may gusto siya kay Calvin?" Umiling ako at umayos ng upo.

"No, marami lang akong iniisip. Ayoko rin magpadalos dalos ng desisyon. Ann will find someone who's worth her love. Hindi dapat siya makikiusap na mahalin siya." Tumango naman si Lexie sa sinabi ko. Pero kahit man ganoon ay naawa parin ako sa kanya. She likes him. No doubt about it.

"She's just too selfish brat." Pinanlisikan ko si Lexie. Alam ko namang ayaw niya sa kapatid ko at hindi ko na iyon mababago pa. Pero syempre kapatid ko iyon.

"Totoo naman. Nagsinungaling pa siya sayong kasal na sila kahit hindi naman. Ni hindi niya sinabi sayo na hindi pala natuloy; wait alam na ba ng dad mo iyon?" Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko na nadatnan si Ann dahil nasa mansion siya ngayon.

"Siguro alam na ni daddy iyon. Magkasama naman sila sa bahay. Hindi ko na natanong kay Calvin noong sinabi niya sa akin."

"Sa tingin ko kaya niya sinabi sayo kasi gusto niyang makita mo talaga na ayaw niya. Pero siguro kapag ikaw ang papakasalan niya ay oo siya." Lumabi ako. Hindi ko alam. I don't know why but I'm doubting him.

"I can't just entertain him after what happened to us. Ayokong magkamali ulit, Lexie." Tumango siya at alam kong dito ay naiintindihan na niya ako.

Kinabukasan ay agad akong  pumasok sa trabaho. I miss my little office. Nakangiti ako ng makita ang iilang nagtatrabaho sa akin at binati ako ng magandang umaga.

Mabilis ding lumipas ang oras. Maraming naging trabaho at hindi ko na halos napansin na lunch time na pala.

"Kain tayo sa labas." Ani Lexie ng nagaayos ako ng mga papeles.

"Sige." Sagot ko at daling kinuha ang bag ko. Pagkalabas namin sa office ay nagulat ako ng makita si Calvin na naglalakad palapit sa amin.

"Hi!" Bati niya. Naka three piece suit siya at mukhang galing din sa trabaho.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya kinudkod ang kanang kilay.

"Yayahin sana kitang maglunch." Aniya. Napalingon ako kay Lexie dahil sa pagsiko niya. Pigil ang ngiti niya habang sinesenyasan niya ako na pumayag.

"Kasama ko kasi si Lexie." Siniko ulit ako ni Lexie.

"It's okay! Pwede naman hiramin mo muna siya." Sagot agad ni Lexie at tinulak ako ng kaunti. Pinandilatan ko siya pero hindi niya ako pinansin.

His MistressWhere stories live. Discover now