Chapter 10

10.5K 236 0
                                    

I'm Glad you came

Ramdam ko ang lamig ng gabi at ang init ng mga titig ni Calvin sa akin mula sa aking likuran. Naglalakad na kami papunta sa elevator habang buhat niya ang walang malay kong kapatid. Nang makatapat kami doon ay agad kong pinindot para magbukas ito.

Una akong pumasok ng magbukas ang elevator. Walang imik na sumunod siya sa akin. Mula sa parking lot ay buhat niya ang kapatid ko kaya diko mapigilang hindi siya lingonin. "Okay ka lang ba? Hindi ba siya mabigat?"

"Nothing I can handle." Kindat niya kaya umirap ako at muling itinuon ang sarili sa pinto. Huminto ito at tumunog hudyat na nasa floor na kami ng unit. Nilingon ko ulit siya ng lumabas ako doon. Bumuntong hininga ako ng makita ang kapatid kong tulog na tulog.

Binuksan ko ang pinto ni Ann at niluwangan iyon para makapasok si Calvin. Nilingon niya ako ng papasok siya sa kwarto. Bago pa man siya makapasok ay huminto siya.

"Wait for me." Utos niya bago dumiretso sa kwarto. Kumunot ang noo ko sa utos niya.

Hindi ko mapigilang hindi mainis sa ugali niyang iyon. Hindi niya ako tauhan para utusan lang. Agad akong umalis doon at pumasok sa unit ko. Nilock ko agad ang main door bago ako pumasok sa kwarto ko. Hindi ko na siya kailangang sundin ngayon. Kung ayaw niyang pakasalan ang kapatid ko ay okay lang, mas mabuti na iyon para narin sa kapakanan ng kapatid ko.

Agad kong tinanggal ang damit ko para makapagsuot ng PJ's. Habang nagpapalit ako ay kumalabog ang pinto sa labas kaya sumilip ako sa may pinto ng kwarto ko. Rinig ko ang mura ni Calvin mula sa labas ng unit ko habang kumakatok.

Hindi ko iyon pinansin at ipinagpatuloy ang pagbibihis. Wala akong pakealam kahit magdamag pa siya kakatok doon.

"Open up, Ariella." Buo at mapanganib na sabi niya pero hindi ko iyon pinansin.

"Open the door in peace or I will force it!" Napapikit ako at padarag na nagmartsa papunta sa pinto. Kung pupwede lang na hayaan nalang siya sa kahit na anong gawin niya pero naisip ko na baka nga sirain niya ang pintuan ko.

"What?!" Utas ko ng mabuksan ang pinto. Kita ko ang mabangis na mukha niya na parang handa ng makipagsuntukan.

"I told you to wait for me!" Galit na sabi niya kaya humalukipkip ako sa harap niya at hindi pa umaalis sa hamba ng pintuan.

"Who do you think you are?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nakalimutan mo na ba na kailangan mo ako?" Tanong niya kaya tumawa ako. Isang tawang kahit kailan ay hindi ko lubos maisip na magagawa.

"You are too funny." Pinunasan ko ang gilid ng aking mata bago ko tinignan ang naguguluhan niyang mukha.

"But you know what? I don't really need you. Your deal is all yours. Kung ayaw mong pakasalan ang kapatid ko then it's all up to you." Ngiti ko sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Because.." hinaplos ko ang kanyang dibdib bago mahigpit na hinablot ang damit niya. "I don't care.. anymore." Buo ang pagkabigkas ko habang nakangiti, bago ko siya tinalikuran at sinarahan ng pinto. Doon palang napawi ang ngiti ko.

I will never regret this. Kung ganyan kasamang tao ang mapapangasawa ng aking kapatid ay wag nalang. Huminga ako ng malalim at dumiretso na sa aking kwarto.

"I don't know." Ngiwi ni Lexie ng sinabi ko sa kanyang siya ang pumunta sa isang event na ako ang inimbita. I really don't feel like going.

"You need to be there, A. Hindi pwedeng puro ka nalang representative." Umirap siya at ibinalik sa akin ang card na pinakita ko.

His MistressWhere stories live. Discover now