Epilogue

16.6K 324 29
                                    




"Hindi ka pa ba babangon diyan?" Napalingon ako kay Ford ng muling pumasok sa aking kwarto. Umiling ako at huminga ng malalim.


"Masama ang pakiramdam ko." Sagot ko. Bumuntong hininga siya at agad na lumapit sa akin.

"Saan ba kasi kayo nagpunta? Bakit ka nilagnat ng ganyan." Umiling ako at dahan dahan na bumangon ng inabot niya ang gamot ko.

"Wala naman. Naligo lang naman kami sa pool, e." Mahinang sagot ko. Pati lalamunan ko ay makati. Hindi ko mapigilang umubo.

"Sabihin mo diyan sa boyfriend mo na minsan ay huwag ka niyang isasama sa kung saan saan. Pinagbigyan ko lang kayong magkabalikan. Kung hindi dahil kay daddy ay ayoko sa lalaking iyan." Kahit na mahina ang katawan ko ay nagawa ko parin siyang irapan. Hanggang ngayon ay duda parin siya pagdating kay Calvin. Kahit na ginagawa naman niya lahat para lang makita nila ang effort niya.

"Pwede ba, Ford. Ilang buwan na kami pero ganyan ka parin. Nakakainis ka." Siya naman ngayon ang umirap sa akin. Minsan talaga ay parang mas matanda pa siya kung umasta kaysa sa akin.


"Sige na, matulog ka na." Kinuha niya ang kumot at ibinalot sa nanlalamig kong katawan. Pumikit ako at nagulat pa ako ng ipatong niya sa aking noo ang bimpong kasing lamig ng yelo.

Binalot ng dilim ang piligid ko at ni hindi ko na kayang imulat pa ang aking mga mata sa bigat niyon. Ramdam ko parin ang init ng aking hininga at init ng aking mga mata. Para akong nasa loob ng oven.

Hindi ko narin alam kung ilang oras akong nakatulog. Nang magkaroon ako ng huwisyo ay dahan dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Agad na sumalubong sa akin si Calvin na may nag-aalalang mukha. Agad niyang idinikit ang kanyang labi sa aking noo ng makitang nagmulat ako.

"I'm so sorry, baby. Hindi ko alam na magkakasakit ka ng ganito." Mahina niyang saad at agad na hinaplos ang aking noo.


Kahit papaano ay medyo maayos narin naman ang pakiramdam ko. Agad akong umiling at umubo ng saglit bago sumagot.

"It's not your fault. Siguro ay sa pagod lang ito. You don't have to worry, okay? Maayos na ako." Paos na sagot ko. Umamba akong uupo pero nahihilo pa ako kaya napahiga ako ulit. Agad namang umalalay si Calvin sa akin.

"H'wag ka munang umupo. Magpahinga ka muna." Aniya. Inayos niya ang kumot ko at kinuha ang bimpo sa tabi ng kama. Agad niyang inilagay sa akong noo. Naramdaman ko pa ang pagtaas ng aking balahibo ng maramdaman ko ang lamig ng bimpo pero guminhawa ang sakit ng ulo ko.

Rinig ko ang buntong hininga niya. Nagmulat ako at hinagilap siya. Siguro ay dumiretso siya dito ng malaman na may sakit ako galing trabaho dahil naka long sleeve pa siya pero nakatupi na iyon hanggang sa kanyang braso.



"Sleep now. I will be here. I will stay with you, okay?" Malumanay na saad niya na parang isang mahika na nagpagaan ng aking kalooban. Pakiramdam ko ay makakatulog ako ng maayos na nalamang hindi siya aalis. Pilit akong ngumiti at agad na dinalo ng antok.


Nang magising ako kinabukasan ay napalingon ako sa aking kaliwa. Napangiti ako ng makita si Calvin na natulog sa aking tabi at hawak pa ang aking kamay.


Buong gabi akong nakatulog at para akong isang cellphone na fully charged na. Pagbangon ko ay napangiwi ako ng medyo nahilo ako ng saglit pero nawala din iyon agad.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon