Chapter 52

10K 234 16
                                    


Home

Noon, akala ko ay ako ang labis na nasaktan. Ako ang nasira at ako ang niloko. Pero hindi ko inisip ang lalaking nagmahal sa akin ng walang katumbas na kahit ano sa mundong ito ang siyang nagsakripisyo at nasaktan ng sobra sobra ng dahil sa akin.

Agad akong tumayo at pinalis ko ang mga luhang walang tigil ang pagbuhos. Huminga ako ng malalim bago ako humakbang patungo sa hotel.


I know I made wrong choices back then. Mas pinili ko ang kaligayahan ng iba kaysa sa akin. Mas pinili ko ang masaktan kaysa sa maging masaya. At mas pinili kong masaktan ang taong hindi sumuko sa akin para lang sa kaligayahan at kapakanan ng mga taong inakala kong pamilya.

Nang makapasok ako at umupo ako sa isang silya at pinakiramdaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Para itong sasabog sa sakit. Gusto kong ilabas at gusto kong magwala sa sakit.

Muling tumulo ang luha ko at agad ko iyong pinalis. Tumayo ako at agad na dumiretso sa exit door. Nang makalabas ako ay nagulat ako ng may pumigil sa aking braso. Napalingon ako.

"Ford!" Humihingal siya at napatingala bago siya nagsalita.

"W-we.. Need to go to the hospital." Hingal niya. Napakunot ang noo ko.

"What?" Huminga siya ng malalim at pumikit ng mariin.

"Daddy's in the hospital. He got in a car accident." Nanlaki ang mga mata ko at napailing ako.

"What?! Why!" Kumawala ako sa kanya pero pinigilan niya ako at ihinarap niya ako sa kanya.

"Anong nangyari? Bakit? Paano?!" Tinulak ko siya. Umiling siya at muli akong hinawakan sa magkabilang balikat.


"Kanina pa kita hinahanap pero hindi kita mahanap! He needs to see you. He's looking for you." Mariin siyang pumikit at tumingala.

"I-I don't wanna be selfish. But you need to know this." Kumunot ang noo ko dahil hindi ko na siya maintindihan.

"Y-you.. are my sister." Napatawa ako at napailing.

"Ford, I'm not in the mood for this. Tito is in the hospital and you're saying this... None sense?" Agad siyang umiling at seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Natigilan ako.

"I'm telling the truth." Muling bumuhos ang luha ko. Paano ito nangyari? Paano nila ito nagawa sa akin?


Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko narin alam kung ano ang sasabihin ko. Lahat nalang ng taong pinapahalagahan ko ay pinapaikot ako.

"Bakit ngayon lang?" Mataman kong tanong. Hindi siya agad sumagot. Tumalikod ako sa kanya humakbang.

"Ella! Saan ka pupunta?" Tanong niya. Hindi ko siya pinakinggan at naglakad lang ako na parang wala sa sarili. Na parang hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Pero sa mga oras na iyon ay muli na naman sumagi sa akin ang kaisipang kailan ba ako magiging masaya? Kailan nila iyon ibibigay sa akin ng hindi sinasaktan?

Natigilan ako sa paglalakad ng pigilan ako ni Johnford sa paglalakad.

"I'm so sorry, Ella." Aniya. Tumango ako at hindi nagsalita.

His Mistressحيث تعيش القصص. اكتشف الآن