Chapter 7

11.1K 245 2
                                    

Bad Day


Sa huli ay pumayag din ako sa gusto ni Calvin. Wala naman akong magagawa dahil hawak niya ako sa leeg. Ilang araw din ang lumipas na hindi ko siya nakikita at gusto ko iyon. Ayokong lagi niya akong inuutusan na parang isang katulong niya. Na lahat ng pinapagawa niya ay sinusunod ko at ganon naman talaga ang laging nangyayari.

At ngayon ay masaya ako dahil alam kong wala siya. Sinabi ni An sa akin kanina na pumunta siya ng Europe for his hotel.

"Hey." Napatigil ako sa pagmumuni ng magsalita si Jhawred.

"You're spacing out." Tumikhim ako at ngumiti. How can that one hell of a guy disturb my mind too? Wala na nga siya, nagagawa parin niyang manatili sa utak ko.

"Sorry, may naalala lang." Ngiti ko. Tumango siya at tumikhim.

"Well, what I'm saying is.. can you be my date tomorrow night?" Napakunot ang noo ko.

"To what party?" Tanong ko. Ngumiti siya at binitawan ang kubyertos. Nagpunas siya ng bibig gamit ang napkin bago kinuha ang wine glass.

"Your company's party. I'm surprised you didn't know." Nanlaki ang mata ko sa gulat at kahihiyan. Sa totoo lang ay hindi ko iyon alam at hindi naman iyon pinapaalam ni dad sa akin. Ni hindi ko na alam kung anong nangyayari doon. Tumawa nalang ako para mawala ang naguumapaw na kahihiyan.

"Sorry, nawala na sa isip ko iyon." Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Anong sasabihin ko? Magtatanong siya kung tatanggi ako.

"Well?" Tanong niya bago tumimtim ng wine na hawak niya. Wala akong ibang masagot kundi. "Okay." Ayokong magtanong siya at malaman niyang may hidwaan kami ng aking sariling ama.

"Great! Thank you, then." Ngumiti ako at tumango. Kinuha ko ang napkin at nagpunas ng bibig.

"Balita ko ay hindi ka laging nagpupunta ng company party niyo. Why?" Tanong niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero nagkibit balikat nalang ako.

"Hindi lang talaga ako nagpupunta sa mga party. Dad knows that, kaya minsan ay hindi nalang niya ako pinipilit." Tumango siya.

"Buti kapa at hinahayaan lang ng magulang. Not like me. Gusto nila akong maging lawyer just like my dad, I'm like their personal puppet." Iling niya kaya napatawa ako.

"Ganyan din naman ako dati. They want me to marry their son's business partners. Kung kanikanino nila ako pinakikilala."

"And you refused?" Tumango ako at uminom ng tubig.

"I just don't like the idea of getting married to a stranger."

"True. How can they do that? After all, it's twentieth century. May ganyan pa ba?" Mahinang napatawa ako at tumango.

"Pero kahit na ganoon ay marami parin ang nangyayaring ganyan." Nagkibit balikat siya at tinuon muli ang sarili sa pagkain niya.

"You know, it's because of the business. But my parents happy for whom I'm with. Buti nalang at hinahayaan nila ako sa gusto ko kahit papaano. Maliban nga lang sa propesyon ko." Ngumiwi siya sa huling sinabi niya kaya napahagikgik ako.

"Alam mo kasi, para sa isang magulang masaya na nakikita nila ang kanilang mga anak na sumusunod sa yapak nila." Tumango siya at sumandal sa upuan niya.

"Yes, you have a point there. Pero hindi ba nila alam na nakakasakal din minsan?" Ngumiti ako ng tipid. Naalala ko ang mga nangyari dati noong pinilit ako ni mom na maging katulad niyang dentist. Napansin ni Jhawred ang pagiging tahimik ko kaya tinapik niya ang kamay ko na nasa mesa.

"What's wrong?" Umiling ako at tumikhim.

"N-nothing. May naalala lang ako." Kinamot ko ang leeg ko bago uminom ng tubig.

His MistressWhere stories live. Discover now