Chapter 8- I'll be

10.9K 247 5
                                    

I'll be



Naiinis ako.

Sobrang naiinis ako na hinahayaan ko lang na paglaruan ako ni Calvin. Na ginagamit niya ang kapatid ko makuha lang niya ang gusto niya sa akin. Na maghiganti sa nagawa ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero gagawin ko ang lahat pakasalan lang niya ang kapatid ko.

"We're here!" Masayang wika ni Jhawred sa driver's seat. Nandito na kami ngayon sa isang hotel na pagaari ni dad. Kinamot ko ang siko ko dahil kinakabahan ako.

Makikita ko si dad at alam kong magagalit na naman siya sa akin. Nabigla ako ng hawakan ni Jhawred ang balikat ko.

"Are you alright?" Tanong niya kaya pilit akong ngumiti at tumango.

"I'm okay. Let's go." Tumango siya at lumabas na ng sasakyan kaya ganon din ang ginawa ko. Umiiling na lumapit siya sa akin bago ibinigay sa valet ang susi niya.

"Kahit ngayong gabi lang, hayaan mo naman akong pagsilbihan ka." Natawa ako sa sinabi niya kaya muli na naman siyang umiling bago niya nilahad ang kanyang kamay sa harap ko. Tinanggap ko iyon.

"Okay, for tonight." Doon ko lang muling nakita ang mapuputi niyang mga ngipin.

Pumasok na kami at dumiretso sa hall kung saan gaganapin ang pagtitipon. Isang classic music ang bumungad sa amin at ang mga taong nakikihalubilo at naguusap sa kanya kanya nilang grupo ay makikita mo kung gaano kataas at karespetado ang mga hitsura nila.

Luminga linga ako para hanapin ang kapatid ko. Nauna na siyang umalis kanina pa at hindi niya alam na pupunta ako ngayon.

"Mr. Vitalli." Isang may edad nang lalaki ang tumawag kay Jhawred mula sa isang grupo ng businessmen. Ngumiti at tumango si Jhawred.

"Mr. Hanz." Bati niya sa matanda at kinamayan ito ng makalapit kami. Nagbatian sila at nagkamayan ng mga kasama ng matanda. Bumaling si Mr. Hanz sa akin at ngumiti.

"And who's this fine young lady?" Ngiti ng matanda.

"Miss Ariella Guillermo, sir. The daughter of Mr. Rafaelo Guillermo." Nanlaki ang mga mata nila at isa isang nakipagkamayan sa akin.

"I thought he only have one daughter. Hindi kita nakikita dito hija." Ani ng isang matanda sa tabi ni Mr. Hanz. Pilit na ngumiti ako at lumunok.

"Uhm.."

"Alam kong may dalawang babaeng anak si Raf, ikaw ba iyong nabalitaan kong naaksidente four years ago?" Tanong ng isang matanda. Kinabahan ako at nanikip ang dibdib ko. Ayokong maalala ang pangyayaring iyon.

"Gentlemen, if you'd excuse us." Hinila ako ni Jhawred palayo sa mga nakatulalang matatanda. Halos hindi ko maipakita ang mukha ko dahil sa pagkabigla at pagkahiya sa sarili.

"Are you okay? You want to go and see your dad?" Tanong niya sa tabi ko habang inilalayo niya ako sa mga tao at papunta sa gilid kung saan may bakanteng upuan. Umiling ako.

"Maybe later." Ayokong biglain si dad na nandito ako.

"A!" Pareho kaming napalingon ni Jhawred sa likuran namin ng may tumawag sa akin.

Lumapit si Lexie. Buti naman at hindi siya nakagown ngayon. Nakasuit siya at bagay na bagay sa kanya.

Parang nawala ang lahat ng pangamba ko ng makita ko siya. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. "Ang ganda ng bestie ko." Hinalikan niya ako sa pisngi bago niya binati si Jhawred sa tabi ko.

"Jhawred, he's my only friend Lexie." Tumango siya kay Lexie at ngumiti bago inilahad ang kamay nito. Lumaki naman ang ngiti ng isa ng mahawakan niya ang kamay ni Jhawred kaya pasimpleng napatawa ako.

His MistressWhere stories live. Discover now