Chapter 28

6.7K 173 4
                                    

What Hurts the most

"Anong gagawin mo ngayon kapag nagkita kayo at ganyan ka?" Napalingon ako kay Lexie na ngayon ay nakaupo sa tabi ko. Hindi ko na kailangang tanungin pa kung anong ibig niyang sabihin. Huminga ako ng malalim. Noong isang araw ko pa iyan iniisip at halos ay hindi ako makapaniwala.

I knew it. Alam kong totoong nagpakasal na talaga si Calvin. Nabitawan ko ang hawak kong cellphone at nagulat ako ng bigla nalang tumulo ang mga luha kong matagal ko ng pinipigilan.

"Ano bang gusto mong marinig?" Tinungkod ko ang aking mga siko sa magkabilang hita ko at napunta sa mukha ko ang mga palad ko.

"Na..... salamat kasi hindi ko na kailangang magpakasal sa ibang lalake." Humikbi ako. Bumigat lalo ang loob ko.

"K-kasi mahal parin kita? Ganoon ba, Lexie?! K-kasi 'di ko kaya." Huminga ulit ako ng ilang beses. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"I'm sorry. Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin e. Baka kasi maasiwa ka kapag nagkita kayo. O baka iwasan mo siya. Makakahalata ang kapatid mo." Humiwalay siya sa akin at pinahid niya ang aking mga luha.

"Lexie. Ano ng gagawin ko? Kasi 'diko na talaga kayang makita siya. Ako iyong nangtaboy sa kanya." Kita ko ang simpatya niya sa akin. Pero hindi iyon ang kailangan ko ngayon.

"Magpakatatag ka. Iyon lang naman e. Tatagan mo ang loob mong nakikita siya araw araw. Kasi parte na siya ng pamilya niyo." Mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Mabuti nalang at nandito ako sa unit ko ngayon.

"Can you stop crying already? It's Christmas eve!" Napabuntong hininga ako at napatingin sa wall clock.

"Ala una na ng hapon pero heto ka at sobrang dungis parin!" Tinulak niya ako ng saglit.

"I don't wanna go out." Umiling siya at hinatak ako patayo.

"You need to go! Pupunta nga kaming lahat doon hindi ba? Pati si Mr. Rentino ay nandoon para icelebrate ang pasko. Marami tayo kaya hindi ka malulungkot." Aniya. Bumuntong hininga ako.

"Bakit ba ako nagkakaganito, Lexie? Bakit ba ako nagluluksa? Dapat maging masaya ako hindi ba?" Natigilan siya sa sinabi ko.

"Dahil nagmamahal ka." Humikbi ulit ako dahil tama siya.

"But it hurts." Muli akong umiyak. Muli akong humagolgol.

Sa araw na iyon ay pinilit akong maligo ni Lexie. Kahit sana ayokong lumabas ay pinilit niya ako.

"Kung hindi ka pupunta ay baka makahalata lang si Annah pati si Calvin." Aniya. Tama naman siya. Ayokong malaman ni Calvin na maging hanggang ngayon ay mahal ko parin siya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya ng matapos akong maligo. Umupo ako sa harap ng salamin at siya na mismo ang nag-ayos sa akin.

"Sa mansion. We're celebrating your sister's wedding too. Hindi ka pa ba niya tinawagan?" Tanong niya ng linalagyan niya ng kaunting blush on ang pisngi ko.

"Hindi ko sinasagot ang tawag niya." Sagot ko. Tumango siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Siya narin mismo ang nag-ayos sa aking buhok.

Nang matapos narin ay agad na kaming lumabas.

"Hindi kaya masyado tayong maaga?" Tanong ko sa kanya.

"It's okay. Bahay niyo naman ang tungo natin." Aniya. Tumango nalang ako bago pumasok sa kanyang sasakyan.

Tahimik ang byahe namin tungo sa mansion. Mabuti nalang at hindi ganoong ka traffic. Pagkarating namin doon ay may iilang mga sasakyan naring nandoon.

His MistressWhere stories live. Discover now