Chapter 48

7.9K 173 3
                                    

Be with you

Napalingon ako kay Lexie na ngayon ay nakaupo sa paanan ng aking kama. Maaga siyang dumaan para kamustahin ako.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya. Umayos naman ako ng upo at tinanggal ang nakabalot sa aking kumot.

"Okay lang ako, Lexie." Sagot ko bago bumaba ng aking kama. Dumiretso ako sa kusina para maghanap ng tubig. Rinig ko ang yapak niya sa likuran ko.

"Ang dami mo kasing nainom kagabi kaya nag-alala ako." Binuksan ko ang ref at kinuha ang bottled water doon. Binuksan ko at linagok.

"I'm fine. Mabuti nalang at wala akong hung over." Sagot ko ng matapos akong uminom. Ibinasura ko ang bote bago bumalik sa aking kama. Sumunod si Lexie at umupo ulit sa paanan ng kama ko.

"Pwede ka ng umalis, Lexie." Umirap siya.

"Wala akong trabaho ngayon. Kaya nga kita niyayang mag-inom kagabi, 'diba?" Bumuntong hininga ako.

"Malay ko! baka may date ka at nakakaabala pa ako." Tumawa ako ng mahina at kinurot naman niya ang paa ko. Napahiyaw ako sa ginawa niya pero natawa ako ng makita ang nakasimangot niyang mukha.

"Aalis na ako. Pero tawagan mo 'ko kung may kailangan ka ha? Hindi ko talaga akalain na okay na okay ka ngayon." Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa na parang isang bata. Napailing ako at tumango.

"I will mom!" Ngiti ko sa kanya. Tumayo siya at muli akong hinarap.

"Magpahinga kana muna. Babalik ako mamayang hapon. May lakad pala ako." Aniya. Ngumiwi ako at kinuha ang kumot ko.

"Suuus! May date ka lang, e!" Sagot ko kaya nagbelat siya bago umalis. Napapailing nalang ako sa kanya minsan. Ayaw niyang sabihin kung sino ang dinedate niya ngayon pero masaya akong nakikita siyang masaya.

Napabuga ako ng malalim ng maka-alis na siya. Biglang bumalik ang ala-ala ko kagabi. Ang dami kong nainum at ni hindi ko na alam kung saan napunta ang sapatos ko. Hindi man lang nakita ni Lexie iyon.

Napapailing nalang ako sa nagawa ko. Masyado kasing mabilis ang mga pangyayari. Lalo na no'ng nagsabunutan kami ng babaeng hindi ko alam kung bakit ako nagalit sa kanya. Ngumuso ako. Ayoko ng uminom ng madaming alak.

Maaga ring nagpunta si Ford dito para tignan kung maayos lang din ako. Mabuti nalang at nandyan siya. Siya palagi ang tagabuhat sa akin kapag sobra na ang kalasingan ko. Kami ni tita Diana.

Umayos ako ng higa para magpahinga. Ilang sandali lang ay agad akong nakatulog.

Napabangon ako at humihingal na parang tumakbo ng napakalayo. Napahawak din ako sa tapat ng aking mabilis na tibok na puso at inalala ang panaginip na parang bangungot.

May lalake at babaeng magkahawak habang nakatalikod sa akin. Naglalakad sila palayo. Ako naman ay tumatakbo at humahabol sa kanila. Nagmamakaawa at sumisigaw ng pangalan ng hindi ko alam kung sino. Hanggang unti unting lumingon ang lalake sa akin at liwanag ang nakita ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nasilaw ako. Hanggang sa magising nalang ako.

Agad akong bumaba ng aking kama at dumiretso sa aking banyo. Gusto kong maligo para mawala sa isip ang panaginip na iyon at para narin malinisan ang katawan ko dahil sa pawisan ako.

Tinanggal ko ang aking damit at panloob bago ako pumasok sa loob at tumapat sa shower.

Ang maligamgam na tubig na bumuhos sa akin ay agad na nagpagaan at nagpahinahon sa akin. Huminga ako ng malalim at nagbabad muna doon.

His MistressWhere stories live. Discover now