Chapter 26

7.2K 166 4
                                    


Don't speak



"Ate, Calvin told me he wants to help you. Kaya ka niya kinausap kanina." Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin iyon ni Ann. Nandito na kami ngayon sa sala at nakauwi narin si Drey dahil may importante siyang pupuntahan.

" Ate, kahit alam kong kaibigan mo si Drey ay alam kong kaibigan mo rin si Calvin. Just please accept his offer. Alam kong iyon din ang gusto ni dad, ate." Aniya bago isinubo ang mansanas na hawak niya.

"S-sinabi niya sayong kausap ko siya kanina?" Tanong ko sa kanya kaya tumango siya. Hindi ko aakalain na sasabihin niya sa kapatid ko ang lahat ng ginagawa niya. Pati ang pagdiin niya sa akin kanina sa pader.

Mabuti nalang ay hindi niya iyon sinabi kay Ann kung hindi ay magdududa ang kapatid ko.

Pero alam kong wala din naman akong choice dahil nakakahiya naman kay Drey kung hihingi pa ako ng tulong sa kanila ngayong nakansela na ang kasal namin.

Monday ngayon at unang araw ko rin sa trabaho bilang isang sekretarya ni Calvin. Kahit na ayokong tanggapin iyon ay wala parin akong nagawa.

"This way, Miss Ariella." Anang kanyang assistant ng makarating ako sa kanyang kompanya. Pinapasok niya ako sa isang kwarto na sa palagay ko ay kanyang opisina.

"Ito po ang magiging desk mo." Aniya at itinuro ang desk mula sa gilid ng pintuan katapat ng desk ni Calvin. Napakunot ang noo ko.

"Hindi ba ay dapat nasa labas lang ako? Bakit dito pa sa loob?" Tanong ko.

"Iyon po kasi ang bilin ni Sir." Aniya kaya umirap ako at umupo sa swivel chair.

Anong klaseng sekretarya ako kung dito ako sa loob mananatili? Agad na ipinaliwanag niya lahat ng kailangan kong gawin at lahat ng schedule ni Calvin sa araw na ito at sa mga susunod pa.

Napabuntong hininga ako. Kaya pala wala siya ngayon dahil may meeting na naman siyang pinuntahan at hapon na siya makakabalik.

Binigyan pa ako ng isa pang cellphone ng kanyang assistant para sa mga contacts ng mga importanteng tao at partners ni Calvin.

"Wala ba siyang mga contacts nito?" Tanong ko ng i-scroll ang dami ng mga contacts niya.

"Wala po, mga importanteng tao lang ang nakasave at nakakaalam ng kanyang cellphone number." Aniya kaya tumango ako at ngumiwi.

Hindi ko alam ang numero ng cellphone niya kaya hindi rin siguro ako importante dahil nakaraan na iyon.

Ilang sandali pa siyang nagbigay ng kung anong mga naiwan ng kanyang sekretarya bago umalis. Hindi ko alam kung bakit sekretarya pa ang ibinigay niya sa aking trabaho dahil okay lang naman kahit maging janitress nalang ako.

Kanina ay tinawagan pa ako ni Drey dahil gusto parin niya akong tulungan pero tinanggihan ko agad dahil ayokong abusuhin ang kabaitan nila. Kahit na hindi na kami nagkatuluyan ay alam kong magiing kaibigan ko naman siya.

Wala naman akong kailangang gawin ngayon kaya humilig ako sa aking swivel chair at pumikit. Hindi naman siguro masamang matulog dahil maaga pa.

Napabalikwas ako ng magbukas ang pinto. Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita ko ang seryosong mukha ni Calvin na papasok at dumiretso sa kanyang desk. Hindi man lang siya lumingon sa gawi ko.

Agad kong dinungaw ang relo ko. Twelve palang ng tanghali pero nakabalik na siya. Ang akala ko ay hapon pa siya makakabalik.

Tumayo na ako at lumapit na sa kanya. Nakatuon parin ang atensyon niya sa mga papeles na nasa harap niya at seryosong nirereview ito.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon