Chapter 32

7.6K 186 8
                                    

I'd rather

"Anong ginagawa mo sa akin, Calvin?" Tanong ko sa kanya ng humiwalay siya sa halik. Tumitig siya saglit bago umiwas ng tingin.

"Bakit mo 'ko hinalikan?" Pagod na tanong ko. Ayokong ng tumakbo. Pagod na akong tumakbo sa nararandaman ko.

Gusto ko ng harapin kung ano man ang nararamdaman kong ito.

"Calvin, gagawin mo ba akong kabit?" Tanong ko sa kanya. Napaayos siya ng tayo. Bumuka ang bibig niya pero parang pinigilan niya ang sarili niyang magsalita. Kinagat niya ang ibabang labi niya at tumingala.

"No." Sagot niya bago muling bumaba ang tingin sa akin.

"Then why? Why did... you kissed me?" Tanong ko. Muli niyang iniwas ang kanyang mga mata.

"Can you stop crying!" Agad kong pinunasan ang basang pisngi ko at suminghot ako.

"I told you, Calvin. I will never be a mistress." Mahinang saad ko pero hindi ako makatingin sa kanyang mga mata.

"I-i am not a slut." Pagpapatuloy ko pero nagulat ako ng hawakan niyang muli ang magkabila kong braso at tinitigan ako sa aking mga mata.

"Don't say something like that! You're not what you think you are!" Napailing ako at pilit na tinatanggal ang kanyang kamay.

"You're married, Calvin. To my.... sister." Sagot ko. Huminga siya ng malalim at tumalikod sa akin.

"Ariella. You do know... how... how much I love you." Nanlaki ang mga mata ko ng muli siyang humarap sa akin. I saw his eyes full of sorrow.

"Pero hind natin dapat gawin ito. Nagpakasal ka at sa kapatid ko pa." Sagot ko. Kinagat niyang muli ang kanyang ibabang labi.

"Bakit siya pa?" Tanong ko sa kanya. Pekeng tumawa siya at tumingala. Ilang sandali siyang tumingala bago siya muling tumingin sa akin.

"I had no other choice, Ariella! Hihintayin naman kita kung ano man ang gusto mong gawin at mangyari! I will always wait for you! Iyon nalang ang tanging paraan para hindi ka maikasal sa iba!" Ginulo niya ang kanyang buhok. Napahawak ako sa aking labi.

"H-hindi ko alam--."

"How could you know that?! You don't even care about my feelings." Sagot niya.

"And here I am. Still running after you." Kung sa ibang sitwasyon lang ito ay kanina ko pa siya niyakap at sabihin na huwag na siyang mag-alala. Pero wala akong magawa. Hindi ko magawang pagaanin ang loob niya dahil alam kong may gumagawa na noon sa kanya.

Hindi ko masabing mahal ko siya dahil may nagsasabi na noon sa kanya.

"Pumunta kana at bumalik na doon. Baka hinahanap ka na niya." Sagot ko. Hahakbang na sana ako para lagpasan siya ng magsalita siyang muli.

"Still her, huh? You will always choose her before me. And I.. will never be your first priority." Tawa niya bago umiling.

"Fuck. I really am jealous." Aniya bago siya humakbang palayo sa akin. Lumingon ako sakanya. Hindi na siya muling lumingon pa pero pinagmasdan ko lang ang pag-alis niya.

Sa huling pagkakataon ay binigyan na naman niya ako ng dahilan para mas mahalin siya.

Hindi ko na alam kung papaano ko siya malalayuan.

"Uuwi na tayo? Akala ko ba ay sa makalawa pa?" Tanong ni Drey ng makitang nag-aayos na ako ng aking mga gamit. Kunot ang noo niyang pinagmasdan ako.

"Dahil hindi ko nakayang manatili pa dito, Drey. Ayokong sa tuwing nakikita silang sweet ay parang masusuka nalang ako bigla." Sagot ko bago inisa isa ang damit ko sa maleta ko.

His MistressWhere stories live. Discover now