Chapter 51

9.2K 233 20
                                    


My friend

"You should come home some time. Matagal ka ng hindi nagpaparamdam." Tumawa ako ng marinig ko ang boses ng kaibigan ko sa kabilang linya.

"I will! You should wait for me and tell me an interesting story of your life." Tumawa ako. Rinig ko rin ang mahina niyang halakhak.

Ilang taon kaming hindi nagkita ng kaibigan ko bago ako nagpasyang umuwi ng Pilipinas para makipagkita sa kanya. Nang makita ko siya ay maayos naman ang kalagayan niya.

He's definitely happy. He even told me he's in love. And I'm intrigued by who's the lucky girl.

"When can I finally meet this lady? Matagal ko ng tinatanong." Pumangalumbaba ako sa kanyang mesa habang siya ay nasa kanyang laptop ang mga mata.

"Wala ka bang trabaho at dito ka nag-aaksaya ng panahon? And I told you! When the time comes--

"You will meet her. It's just complicated right now!" Pagpapatuloy ko sa kanyang linya.

"It's been months! Hindi ko parin siya nakikilala. Sino ba iyang babaeng iyan at itinatago mo sa akin. If that girl is my sister! I will kill you!" Humalakhak siya at umiling.

"Of course not! My love is more mature than your brat sister." Tawa niya umismid ako.

"What's her name? Hindi ba pwedeng malaman kahit pangalan man lang? Initials or something." Umiling siya.

"Kapag sinabi ko ang pangalan niya. E, 'di parang sinabi ko narin sa'yo kung sino siya." Sagot niya bago siya magpatuloy sa kanyang ginagawa.

"You always call her my love. Lovely siguro ang totoong pangalan niya." Saad ko. Hindi siya sumagot at napailing na ipinagpatuloy ang trabaho. Napakunot ako.

Hindi siya naging malihim sa akin. Lalo na pagdating sa babae. He always tell me everything! Kaya mas lalong nanaig ang koryosidad kong malaman kung sino ang babaeng ito.

But I respect him and his private life. Kaya kahit na kaya ko namang malaman kung sino iyon ay hinayaan ko nalang muna siya.

"What were you thinking?!" Pasigaw kong sermon sa kanya. Inamin niya sa akin makalipas ng ilang buwan ay kasal na siya at hindi iyon dahil mahal niya ang asawa niya kundi para mapalapit sa taong mahalaga sa kanya.

"Hindi mo ba naisip na may nasasaktan ka! Hindi lang ang babaeng mahal mo kundi pati ang ibang taong nakapaligid sa'yo!" Napailing ako. Hindi ko inaakalang gagawin niya ito.

"I don't care." Aniya. "I will do anything just to make her mine. Whatever it takes." Napaisip ako kung nahihibang na ba siya. Bakit niya ito ginagawa?

"Ano ang gagawin mo? Aakitin mo siya? Gagawin mo siyang kabit mo? Sisirain mo lang ang buhay niya. Pati ang buhay mo ay sisirain mo rin dahil sa maling pag-ibig na iyan." Tumayo siya at ibinato niya ang laptop sa tabi niya. Sunod sunod ang paghinga niya na parang hindi na alam kung anong gagawin niya. Narinig ko ang mahinang hagolgol niya.

Like he's desperate. And this is the first time of my life that I've seen my friend in his worst.

"I just... Want to be near her and protect her.... That's all... I want." Inisip ko noon kung tama bang hayaan ko siya. Pero sino ba naman ako para pigilan siyang magmahal. Hindi ko nararamdaman kung ano ang nararamdaman niya. Kaya hinayaan ko siya.

His MistressWhere stories live. Discover now