Chapter 13: Magsing-Irog

Mulai dari awal
                                    

“Hindi mo lang talaga naa-appreciate ang sarili mo kaya bolero ako sa paniniwala mo.”

“Oo na nga oo na.” Habang palapit ng palapit ay palaki ng palaki ang ngiti sa mga labi ni Amia. “Oh pikit ka muna ha! Malapit na malapit na tayo.  Tiyak na magugustuhan mo rito.”

 “Ang dami talagang alam ng Misis ko,” pumikit na ito at inalalayan niya.

“Isa..dalawa...tatlo....bukas mo na mga mata mo,” sabi niya.

Tulad ng inaasahan ni Amia ang naging reaksyon nito. Tila natutuwa si Samuel sa nakikita nito. Puno ang paligid ng mga bulaklak at puno. Sa gitna niyon ay may malinis na batis at tila sila kinakantahan ng agos nito.

“This is heaven, Misis...I love it..Bakit ngayon mo lang ako dinala rito?”

Hindi pa rin naaalis ang mangha sa mukha nito. “Kapag malungkot ako, dito lang ako pumupunta. Pakiramdam ko dito ako nakakahinga ng maluwag. Pakiramdam ko walang kaya humusga at manakit sa akin dito. Pakiramdam ko hindi ako mag-isa,”

Naramdaman niya ang pagtingin sa kanya ni Samuel. Tuloy pa rin siya sa pagsasalita. Pumikit pa siya upang damhin ang sariwang hanging humahampas sa kanyang mukha. “Kapag ang dami dami kong gustong iiyak, dito ko binubuhos lahat iyon. Itong lugar na ito ang sandalan ko.”

“Ako Amia, pwede mo akong sandalan...” tumingin siya sa mata ng asawa. Nag-init ang kanyang mga mata. Kung alam lang nito ang ginagawa niyang panloloko. Baka hindi na awa ang makita niya sa mga mata nito.

“Samuel....”

“Kapag pakiramdam mo mag-isa ka, lagi ka lang lumingon sa likod mo at nandoon lang ako nakaalalay sayo. Kapag malungkot ka, pasayawin at pakantahin mo lang ako para may mapagtawanan ka. Kapag may problema ka, sabihin mo sa akin. Kasi nga ‘di ba ako ang asawa mo? Problema mo ay problema ko rin.”

Yumakap siya rito. Nilapat niya ang mukha niya sa dibdib nito at pinakinggan ang tibok ng puso nito. “Samuel, mahal na mahal kita...” hinaplos haplos nito ang buhok niya.

“At kapag nararamdaman mo na, hindi mo na kaya, nandito ako. Ako ang lalaban para sa’yo, Amia.”

Bulong nito sa kanya. “Huwag na huwag mo akong iiwan, Samuel...Parang awa mo na. Kahit anong mangyari...”

“Shhhtt..I will never ever...”

Tinaas nito ang baba niya. Nilapat nito ang bibig nito sa kanya. Una ay parang tinitikman-tikman lamang nito ang kanyang mga labi. Nanlalambot na naman ang tuhod niya sa bawat pagsamba nito sa kanyang labi.

“Hmnnn...” ungol niya.

Naramdaman niya ang pagpasok ng dila nito sa kanyang bibig. Kaagad niya itong binigyan ng daan dahil gusto niya. Gustong gusto niya ang mga halik nito. Lagi niyang hinahanap hanap ang init ng katawan ng asawa.

Hinawakan niya ito sa batok. Mas idiniin niya ang mukha nila sa isa’t isa. Ginawa niya ang ginawa nito sa kanya. Masyado siyang nadadala sa sarap ng halik nito.

“Shit, Amia...How far can you go?...hmnnn..Kiss me, Baby...”

Ginawa niya ang sinabi nito. Nakipaglaro ang dila niya sa dila nito. Mas uminit ang pakiramdam niya ng kagatin nito ang ibabang labi niya.

“Hmnnn...”

“Hmnn.. Ah, Baby...may bukas pa..”

“Huh?!”sabi niya,

Isang tawa lamang ang sinagot ng asawa. “Sabi ko may bukas pa. Kung makapaghalikan naman tayo akala mo wala ng bukas..”

Nahampas niya ito. “Ikaw naman kasi, eh!”

“Anong ako! Ikaw itong nauna, eh!”

“At ako pa ngayon!”

“Bakit ba nagagalit ka? Nabitin ka ano?”

“Tse!”

“We’ll continue later, Baby...in bed.”

Imbes na tanggihan ni Amia ang ideyang iyon ay mas naging excited pa siya. Wala namang ngang masama kung may mangyari man sa kanila. Malamang sa susunod ay wala na siyang pag-alinlangang ibigay ang sarili sa estranherong nagmamay-ari ng puso niya.

“Ewan ko sa’yo. Pero pwera biro, ang ganda rito noh?”

“Yes. Sobra. Pwede bang maligo sa batis?”

“Oo naman! Naliligo ako diyan ano!”

Biglang kumislap na naman ang mata nito. Hudyat na naman ng kapilyuhan nito. “Let’s swim then!”

“Hep! Hep! Mamayang hapon nalang. Para makapaghanda rin tayo. Picnic tayo mamaya.”

“Wow! Picnic? Sounds great.Sige na nga...Tara na muna sa bahay para makapaghanda na tayo. Nagmamantika ka na oh!” pinisil nito ang oily nose niya. Oo nga at oily siya. Nagkaka-pimples din siya minsan. Sanay na siya noon kaso kapag si Samuel ang nagsabi parang na-conscious siya.

“Tse!Tara na nga!”

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang