Ayun panay kami sa kakatawag kay Nash at Kim. Pero wala kaming natanggap na sagot. Grabe! Hindi ba talaga nila chinecheck ang phone nila? Sana naman pumasok sa isip nila yung phone nila. Baka naman nag eenjoy na silang dalawa. =_=

Kimeeko's POV

Papunta kami ni Nash ngayon sa-- San nga ba kami papunta? Parang hindi ko na alam ang street na to ah? Walang masyadong taong dumadaan, pag nasa Pilipinas pa ako, probinsya na ang tawag dito.

"Nash pasaan ba tayo? Alam mo ba ang dinadaanan natin?" tanong ko sakanya

"Ah-- oo. Wag kang magulo." seryosong sabi niya habang nakatingin pa rin sa daan

Sigurado ba siyang alam niya kung san kami papunta? Mejo kinakabahan na ako. Kasi baka mamaya magkatotoo ang iniisip kong hindi alam ni Nash ang lugar na to eh. Tapos? Pano kami? Pano kami makakabalik nito?

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko.

"Arg! Walang signal? Bakit walang signal dito? Baka tumatawag na si mommy or si daddy eh. Hay! San mo ba ako dadalhin Nash? Sumagot ka nga. Hindi mo na siguro alam ang dinadaanan natin noh? Sabihin mo sakin! Naliligaw tayo diba? Diba? Di--"

"OO MEEKO! NALILIGAW NA TAYO! HINDI KO ALAM ANG LUGAR NA TO!" sigaw

At kasabay ng pagsigaw niya ang pagpatay ng makina ng kotse.

Napapikit na lang ako sa sobrang inis. Si Nash naman napapalo sa noo niya.

"Eto na nga ba ang sinasabi ko eh." sabi ko pa

"Tss." yan lang ang lumabas sa bunganga ni Nash.

Tss TALAGA! Kasalanan niya to.

Bumaba siya ng kotse, tapos may chincek-check pa siya. Ako naman si walang magawa eh bumaba na lang dito. Tapos tinaas ko ang cellphone ko, naghahanap ako ng signal. Pero-- wala talaga!

"Dito na lang muna tayo magpalipas ng gabi." sabi niya

"ANOOOO?!" napasigaw naman ako nun. Eh pano ba naman kasi, dito daw kami magpapalipas ng gabi? Okay lang ba siya? Hindi pwde yun noh!

"Sabi ko, dito muna tayo mag--"

"Teka teka-- hindi pwde noh. Sigurado akong hinahanap na ako ni mommy ngayon, 6 pm na. Tsaka, may shooting pa ako bukas ng 5 am. Ahhhhh!"

"Sorry hindi ko naman alam na makakarating tayo dito at masisira tong battery ng kotse ko eh." sbi niya

Mejo naawa naman ako sa boses niya. Okayfine! Edi hindi na niya kasalanan. Kasalanan nung battery! =_=

Ilang oras na kaming naghihintay ng kotse na dumaan dito sa road na to, pero wala talaga. WALA PA RIN! 

Think Positive! Yan ang sinasabi ko sa sarili ko kanina. Pero sa paglipas ng mga oras, HINDI NA TALAGA AKO NATUTUWA. Wala na yatang pag asa eh.

Napatingala kaming dalawa ni Nash.

BAKIT?! BAKIT?! Ambastos naman eh! Wala na ngang kotseng dumadaan, umulan pa ng snow. Grabeng kamalasan to!

Agad namang lumapit si Nash sakin at dinala ako sa may parang cottage.

"Sorr--"

"Oo okay na nga diba? Walang may kasalanan sating dalawa. Wag ka nang magsorry." sabi ko sakanya.

Kahit siya naman talaga ang may kasalanan, sige, wala na lang para hindi siya guilty.

Tinanggal ni Nash ang suot niyang shirt. At-- ma gawd! Bumungad sa mukha ko ang abs niya. Apat na pandesal lang yon pero shet! MINSANAN TO! Ngayon lang ULIT ako nakakita nito. ULIT?! Haha, oo kasi nakikita ko yun sa condo nung magka-live in. CHOS! Live in daw? Hahaha.

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon