CHAPTER 14: Shocked

Start from the beginning
                                    

"No. I'm just shocked." sagot niya.

"Shocked?" takang tanong ko.

"Yeah. Dati kasi hindi ka nag aayos eh. But now you look different. I can't even recognize you. But you look gorgeous." sagot niya at ngumiti. Kaya napangiti nalang din ako.

"Thanks!" maikling sagot ko naman.

Nagdrive lang siya hanggang makarating kami sa school ay sana walang makapansin na may pinagbago ang mukha ko.

Pero paano nila hindi mapapansin eh ang laki ng pinagbago ko?

Hay nako bahala na nga lang. Naglakad na kami papuntang room ng may sumisigaw?

Sino kaya yun?

"Ethan!!!!" sigaw nung lalaki.

Agad naman itong nilingon ni Ren. Tumingin din ako at nakita ko sila Matt, Mike, Blake, at si Kurt na tumatakbo papunta sa amin.

Nung makarating na sila kung nasaan kami ay nagulat sila.

Anong problema ng mga to?

"Oh sino siya?" tanong ni Kurt na nakatinhin sakin.

Ganon na ba kalaki ang pinagbago ng itsura ko kaya hindi nila ako nakilala?

"Oo nga sino siya?" tanong naman ni Matt.

"Nasaan si Kate?" tanong naman ni Mike

"Oo nga nasaan siya? Bat hindi kayo magkasama?" tanong naman ni Blake. Mga baliw yata tong mga to eh. Tinignan ko si Ren at nakalobo ang pisngi na nagpipigil ng tawa.

"Jerks." sabi ni Ren

"Kate?" gulat na tanong ng apat.

"Hi?" nakangiting sagot ko sa kanila.

"Wow hindi ka namin nakilala ah" sabi ni Mike at lumapit sakin. "Mas lalo kang gumanda. At ang sexy mo ngayon ah" sabi niya at ipinatong ang braso niya sa balikat ko.

"Back off jerk" sabi naman ni Ren na parang naiirita at tinanggal ang kamay ni Mike sa balikat ko.

Anong problema nito. Nababaliw na sila.

"Ethan alis na tayo dito." biglang tugon ni Matt.

"Why?" takang tanong ni Ren.

"Dude may mga babaeng humahabol samin!! Kaya tara na." sagot naman ni Mike.

"Hindi pa ba kayo nasanay?" bored na sagot ni Ren.

"Dude mas marami sila ngayon." kinakabahang sabi ni Kurt.

"Para kayong hindi mga gangsters. Mga babae lang yun. Wag kayong matakot." walang emosyong sabi ni Ren.

Tama nga naman mga gangster tapos babae lang tatakbuhan na nila?

"Oo nga" pag sang ayon ko naman.

"Halina nga kayo bago pa kayo magkalasog lasog pag naabutan kayo ng mga fangirls niyo dito eh madamay pa ko." pabirong sagot ko sa kanila.

Naglakad na ako at sumunod naman sila at para akong may mga body guards. Dahil sa position namin.

Ganito ang position namin

Ren |Ako |Matt
Mike|Blake|Kurt

Hahaha feel na feel ko naman.

Nung makarating na kami sa school ay lahat sila napa tingin samin. At marami akong narinig na nagbubulungan.

"Oh my god sino yung girl"
"Bakit kasama niya ang Clashers? "
"Bago ba yung girl dito"
"Ngayon ko lang ata nakita yung babae"
"Classmate ba natin siya?"
"Infairnes ang ganda niya."
"Ang galing niya magdala ng damit."
"Type ko siya"
"Pre ang ganda niya"
"Tol liligawan ko yan"

Bigla namang may lumapit na lalaki samin at nagpakilala ng sarili.

"Hi I'm Liam." pagpapakilala niya.

"Christlie Kate Montenegro" sabi ko naman. At mukhang nagulat siya.

Dati di niyo ko pinapansin tapos ngayon paganyan ganyan pa kayo.

"Kate?" gulat na tanong niya.

"Back off or else you'll find yourself lying on the clinic bed." sabi ni Ren na parang nagbabanta.

Ano kayang problema nito? Kaninang umaga pa to eh.

"Ren" pagababanta ko at siniko ko siya sa tagiliran.

"Go away and don't show your face to me." walang emosyong sabi niya. At naglakad na kami papunta sa upuan namin. Pero lahat sila tinitititgan parin kami.

May sayad na ata ito eh. Nahawa yata kay Kurt. Baliw lang. Ren yan eh.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now