"Are you mad?"

At sinong hindi magagalit? Gusto niya sanang isigaw pero hindi niya nagawa. Ramdam niya na sobrang inaantok na ito at pinipilit lang na magising para kausapin siya.

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Galit talaga ang boses niya kahit mahina iyon.

"My mom wanted me to stay in the Hospital. I can't say No."

"Sana nagtext ka o kaya tumawag man lang para alam ko! Para hindi ako nag-aalala at para hindi na ako naghintay!" Pinigil niya ang paglabas ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Masama ang loob niya sa hindi pagpapaalam sa kanya ni Colton at mas nadagdagan 'yon ng kay Gail niya pa talaga nalaman na hindi ito makakauwi. "Gasino na lang ba na magpaalam ka? Alam mo naman na naghihintay ako. Alam mo naman na hindi ako napapakali kapag wala akong alam sa mga nangyayari sa'yo."

Nanatiling tahimik si Colton at mas lalo lang siyang niyakap na mas lalong ikinangitngit ng damdamin niya. Ang mukha nito ay nasa leeg niya, inaamoy at hinahalikan.

"I made you worried, I'm sorry. I lost my phone."

"What an excuse!" Puno ng sarkasmong sabi niya.

"Totoo. Maniwala ka."

"Sana nakitawag ka. Sigurado namang may cellphone and mommy mo at ang ex-girlfriend mo."

"The problem was I don't memorize your number. I should memorize it."

Siya naman ngayon ang nanahimik. Inaalis niya ang sama ng loob niya. Masyadong maaga para makipag-away pero hindi niya kayang kimkimin ang nararamdaman niya.

"Can I have my sleep now?" Maya-maya ay tanong ni Colton, marahan na hinahaplos ang tiyan niya paangat sa dibdib niya.

"Bahala ka sa buhay mo."

He groaned then rolled over. He's now on her top. His sleepy eyes stare at her. "Nagtatampo ang asawa ko..." Inirapan niya ito. "What can I do para hindi ka na magtampo?"

"Umalis ka sa ibabaw ko. Alis!" Tinulak niya ito sa balikat pero hindi naman natinag. "Colton hindi ako nagbibiro. Umalis ka diyan."

"You know how much I love this position, K..." He erotically whispered. "Or maybe, better if I change position."

"Isa." Banta niya.

Unti-unti ay pinaghiwalay nito ang binti niya pero pilit niyang ikinipot iyon. Bumaba din ang katawan nito hanggang sa makarating ang ulo sa tiyan niya at parang alam niya na ang gagawin nito kaya mabilis niya itong hinampas sa braso.

"Ouch..." Arte lang nito, hawak ang brasong hinampas niya. Nakatingala ito sa kanya, ang ulo ay nasa puson niya. Hindi masyado makagalaw at maisagawa ang plano dahil naiipit ng dalawang binti niya.

"Huwag ka diyan."

"Ayaw mo?" Sinong may ayaw?! Gusto niya! Pero lalabanan niya ang sigaw ng isip niya. Itinaas nito ang night dress na suot niya hanggang sa ilalim ng dibdib niya. He's now facing her black lacy panty. Goodness!

"Matulog ka na. Alam kong puyat ka. Nagbantay kayo magdamag ni Gail, di ba?"

Nahinto ito sa paghalik-halik sa puson niya at muling itinuon ang atensyon sa kanya. His strong arms were hugging her legs firmly as if she will run away from him any moment.

"How'd you know?"

"Na kasama mo si Gail magdamag?"

"Yeah," He's now kissing her thighs. Pinigil niyang huwag mapadaing dahil sa kiliti. His lips were so soft and teasing.

"Well," Hindi niya sasabihin dito na nagpunta si Gail at sinabihan siya na hindi ito makakauwi. Ayaw niya na talaga ng gulo.

"Who told you?" Hinalik-halikan ni Colton and pagkababae niya kahit pa may suot pa siyang panty ay ramdam niya ang init na hatid ng labi nito.

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon