Minsan kpop, spanish lahat ata ng mga music sa mundo nagplaplay dito.

"Girl dito tayo" dumiretso kami sa isang couch na may dalawang lalaki ang isa busy sa phone at ang isa busy sa pakikipaghalikan. Pero syempre walang party drugs dito dahil hindi matatago dito kung anung dala mo. Isa pa may mga pulis dito nasa cctv area sila.

Iniwan ko muna si Chia at pumunta ako sa bar counter. Umorder ako ng isang shot ng tequila. Hanggang sa magsunod sunod akong nag order. Siguro nasa six shot na ako kaya pumunta na ako sa gitna para magsayaw. Gusto ko mawala ang sakit nararamdaman ko. Akala ko okay na ang lahat yun pala hindi. Pagkatapos nito aalis na ako at kahit kailan hindi na ako babalik dito. Sayaw lang ako ng sayaw.

Mas pinagiling ko ng husto ang katawan ko kaya narinig kung nagsigawan ang ibang tao dito. Mas ginawa ko pa ang daring na pagsayaw ng may humawak sa beywang ko. Pinabayaan ko lang ang paghawak niya. Ngunit napahinto ako ng muntik na ako natumba at napunta ako sa dibdib niya. Parang familiar ang amoy niya.

Pag angat ko ng tingin. Napatigil ako sa pagsayaw ng makita ko kung sino. Imposible hindi yun pupunta dito? Tsaka anung gawin niya dito diba ayaw na niya sakin?. Ginusot gusot ko ang mga mata ko baka namalikmata lang ako. Hindi ko namalayan wala na yung kamay nakahawak sa beywang ko. Agad ako bumalik sa bar counter at nag order ulit ako ng isang shot. Pagkatapos ng binigay sakin ng bartender ng may kumuha nito at nilagok niya. Dahil rinig na rinig ko.

"Uwi na tayo tara na" sabay hila sa kamay ko.

"No ayoko umuwi" sagut ko sa kanya. Kaya napatigil siya. Kinarga niya ako bigla at dumiretso kami sa kotse ko.

Ng maipasok niya ako sumunod siya. "Hindi pa ako uuwi" sabay bukas ko ng pinto sa kotse ng bigla niya pinaharorot ito.

Kaya hindi ako nakababa. "Anu ba problema mo? Nakita mo naman nag eenjoy ako kaya itigil mo ang kotse!"

Pinahinto niya ang kotse sa may kadiliman kaunti. "Nag eenjoy? Ng anu? Hindi mo ba alam huh na ikaw lang tinitingnan ng mga lalaki doon at parang hinubaran ka habang nakatingin sila sayo? Yan ba ang gusto mo?" Hinarap ko siya at sinampal.

"Yan ba ang pagtingin mo rin sakin? Kaya hindi moko magawang mahalin Vincent? Ganun ba? Alam mo ang dahilan kung bakit ako pumunta doon dahil subra na akong nasaktan sa ginawa mo. Hindi naman ako tanga para hindi malaman ang dahilan sa kinikilos mo?. Kaya nga binigay ko sayo. Di bali maraming salamat na minahal kita kahit papaano" saka lumabas ako sa kotse ko at pumara ng taxi. Hindi ko na kaya. Hanggang kailan ba ako magpadala sa feelings ko sa kanya?.

Bigla may humawak na mahigpit sa braso ko at hinila papasok sa loob ng kotse alam ko kung sino. Kaya nagpupumiglas ako.

"Anu ba bitiwan mo ako!" Sigaw ko sa kanya kasabay ang pagpupumiglas ko sa pagkahawak niya ng mahigpit sa braso ko.

Binuksan niya ang kotse at pasalampak niya akong pinasok ulit sa loob. "No ayoko, ayoko sumama sayo!" Sigaw ko ulit sa kanya. Kaso parang wala lang sa kanya. Pagkatapos pumasok siya ulit at binuhay niya ang makina sa kotse at pinaharorot niya ito.

Habang nagdadrive siya pinagpalo ko ang braso niya na kinaseryoso ng hitsura niya. Pinagpatuloy lang niya ang pagdrive ng mabilis. Siguro seconds lang dahil sa subrang bilis niya sa pagdrive agad kami nakarating sa parking lot sa unit ko. Ng makapagpark na ang kotse lumabas siya at inikot ang sa kabilang pinto ko. At binuksan niya.

"Ayoko lumabas" sabi ko sa kanya. Hindi pwede na sumama ako kahit mahal ko pa siya. Walang sabi sabi bigla niya akong hinila palabas sa kotse at pasalampak na sinara niya ang pinto sa kotse.

"Saan moko dadalhin huh?" Hindi niya ako sinagut. Dumiretso kami sa elevator at ng bumukas pumasok kami at pinindot niya para sumara ang pinto habang hawak hawak ang braso ko ng mahigpit.

"Bitiwan mo ako Vincent please!" Wala na akong nagawa para bitiwan niya ang braso ko ngunit parang wala lang sa kanya. Ng makarating kami sa unit ko agad niya binuksan ang pinto pagkatapos pabagsak niya akong hinila papasok sa loob ng unit ko kasabay pagsara niya ng pinto ng mabilis.

Saka niya ako binitiwan. Nakita ko sa hitsura niya ng seryoso at galit na walang emosiyon. Ang galing niya talaga magtago ng feelings niya no?.

Humarap siya ulit sakin. Pagkatapos niya hinubad ang coat niya.

Saka hinila niya ako papunta sa kanyang harapan habang nakatingin sa mata ko habang ang dalawang kamay niya nakahawak sa magkabilang balikat ko. "A-anung gagawin mo sakin?" Tanung ko sa kanya na kinangisi niya.

"Sa tingin mo anung gagawin ko sayo?" Bumaba ang tingin niya sa labi ko.

"Hindi pwede, hindi mo ako mahal.. kaya pwede ba lumayas ka na dito sa unit ko!" Tinulak ko siya palabas dito sa unit ko dahil ayoko na. Subra na akong umasa.

Napaigtad ako ng bigla niya hinawakan ang dalawang kamay ko gamit ang isang kamay niya at sinandal sa pader. "Anung problema mo?" Tanung niya ng sasagut pa sana ako ng bigla niya akong hinalikan sa labi.





A//N: SORRY MALI YUNG NAUPDATE KO KAGABI.. thanks













I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedWhere stories live. Discover now