Other tales

16.6K 497 19
                                    

Kating's POV

      Parang hindi ko matagalan ang tingin sa akin ni Lee.  Maliit lang naman itong venue kaya alam
kong nakatingin siya sa akin.  Inis na inirapan ko siya at ibinaling ko sa iba ang tingin ko.  Buwisit na lalaking ito.  Titingin pa.  Hinanap ko si Mona pero hindi ko makita ang bruha kong kaibigan.

     Ang ingay dito sa loob.  Lahat masayang - masaya kasi ang galing naman talaga ng banda nila Lee.  Karamihan sa mga babaeng empleyado ay nandoon sa harap ng stage at nagsisigawan.  At hindi ko kayang magtagal dito.  Talagang nagsisisi ako at sumama pa ako dito kay Lester. 

     Nasaan na ba 'yun?  Sino kaya ang babaeng kausap niya?  Parang merong something sa kanilang dalawa.  Saka 'yung itsura nung babae.  Parang naawa naman ako kasi para siyang humahabol kay Les.

     Lumabas ako.  Hinahanap ko si Lester at magpapaalam na lang ako na uuwi na ako.  Siguro nasa parking kaya doon ako pumunta.  Nakita ko nga doon si Lester at kausap pa rin niya 'yung babae.

     "Please Lester.  Kausapin mo naman ako," umiiyak na 'yung babae.  Sino nga kaya talaga 'to?

     Pero matigas ang itsura ni Lester.  Parang hindi man lang siya natitinag na umiiyak 'yung babae sa harap niya.  Nakatingin lang siya dito.

     "Just sign the annulment papers then we will talk," matigas na sabi ni Les.

     Nanlaki ang mata ko.  Annulment papers?  May - asawa si Lester?  Asawa ito ni Lester?

     Umiiling ang babae at lalong lumakas ang pag - iyak.

     "Lester, please.  Let's give our marriage another shot.  I promise I'll do anything you want." Sabi pa ng babae.

     "You know our marriage is over the moment you slept with that fucking asshole.  With my fucking bestfriend?!" Doon ko nakitang parang nag - iba ang itsura ni Lester.  Parang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.  'Yung tipong parang nasaktan ng sobra. 

      "I didn't know it was Travis!  I was drugged and I thought he was you."

      "The video doesn't lie," mahinang sabi ni Les. 

      Napayuko ang babae na umiiyak pa rin.

      "I tried to make our marriage work, Ellie.  I fucking tried kahit na nga this whole god damn marriage is a fucking shotgun to my head.  You know I don't want to get married to you.  I don't want you!"

      Naawa naman ako dun sa babae.  Sobra naman si Lester.  Maganda naman 'yung babae.  Mukhang maayos at may pinag - aralan.  Saka kung asawa man niya ito dapat hindi niya tina - trato ng ganito.

     "Lester, please.  I am pregnant," sabi ng babae.

    Pero parang hindi man lang natinag si Lester sa sinabi ng babae. 

    "You think you can fool me again?  You already did that to me.  You pretended that you are that innocent girl.  That timid woman who cannot do anything wrong.  You even used your dad's power para lang makuha mo ako.  But you are an idiot, Ellie.  Fucking idiot!  I was beginning to give our marriage a shot.  But you slept with that fucking asshole!"

     "Listen to me, please.  Please -"

     "Stop this drama.  Go back to that son of a bitch.  If you are really pregnant, then maybe that fucking asshole is the father of your child.  Sign the god damn papers para pare - pareho na tayong makawala sa impyernong buhay na 'to!" Malakas na ang boses ni Les.

     Awang - awa na ako dun sa babae kaya lumapit na ako.

    "Les," tawag ko sa kanya.  Alam kong nagulat siya ng makita ako doon kaya mabilis na lumapit sa akin si Les.  Naramdaman kong ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko.  Parang sadyang ipinapakita iyon 'dun sa babae.

The Rebel's Heart (BLACK SLAYERS Vol. 3) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon