"It will never be you"

18.4K 519 49
                                    

Ito na po ang inaabangang update. 😊

——————————>>>>>>

Kating's POV

     Naipagpasamalat kong hindi na ako kinulit pa nila Mr. Alba ng makauwi ako kagabi.  Tinanong lang nila kung saan ako pumunta.  Nagsinungaling na lang ako.  Sinabi kong si Mona ang kasama ko. 

     Hindi ako halos nakatulog magdamag.  Iniisip ko ang sinabi ko kay Lee.  Hay, dyosko naman.  Bakit naman kasi sa dinami - dami ng lalaki, sa asawa pa ng kapatid ko ako na - inlove?  Parang ang hirap naman nito.  Alam na alam ko naman kung gaano niya kamahal si Louraine.  Ako naman si gaga, na - inlove pa.

     Kahit naman kasi sino maiinlove sa lalaking iyon.  Sobrang bait.  Sobrang gentleman at sobrang guwapo pa!  Ano ba?  Masisiraan na yata ako ng ulo.

     Walang - wala ang nararamdaman kong ito 'nung magkagusto ako kay Clyde.  Siguro nga attracted lang ako sa hinayupak na 'yun kasi guwapo din naman.  Pero walang - wala siya sa kalingkingan ng itsura ni Lee. 

     Bumangon ako at naupo sa kama.  Nilinga ko ang paligid ng kuwarto ni Louraine.  Wala pa naman akong inaayos dito.  Bumaba ako sa kama at kinuha ko ang mga kahon ng gamit niya.   Muli kong tiningnan ang mga litrato nila ni Lee.  Parang kinurot ang puso ko.  Ang saya - saya talaga niya.  Kung puwedeng ako na lang sana ang inaakbayan niya ngayon.  Sana ako na lang ang mahal niya.

     Napahinga ako ng malalim at binuklat ko pa ang mga nasa ilalim ng kahon.  Mga damit.  Mga gamit.  Tiningnan ko isa - isa.  In fairness magaganda ang damit ni Louraine.  Kahit matagal na nakatago at amoy baul, magaganda pa rin.  Mga mukhang mamahalin.  Puwede ko naman sigurong isuot ito.  Nagsusuot nga ako ng mga galing sa ukay, eto pa kaya na kapatid ko naman ang nagsuot.

     Hinugot ko ang isang bestida na hanggang tuhod at itinapat ko sa katawan ko tapos humarap ako sa salamin.  Uy.  Bagay.  Mukhang nasa uso pa din naman ang style.  Sinukat ko at napangiti ako.  Ganda ko.  Bagay na bagay ang damit sa akin.  Inamoy amoy ko.  Puwede ko na itong isuot papasok sa office.  Hindi naman masyadong amoy baul.  Maliligo na lang ako sa pabango.

     Nasa harap na ng mesa sila Mr. Alba ng dumating ako doon.  Kitang - kita ko ang pagkagulat sa mukha ng mag - asawa at ni Eunice ng makita ako.

     "Okay lang ho ba?  Ginalaw ko ang mga gamit ni Louraine.  Nakakita ho ako ng mga damit.  Mga mukhang bago pa.  Sayang naman," sabi ko.  Kasi nakatingin lang sila sa akin.

     "Hindi ho ba, okay?  Sige ho.  Magpapalit na lang ako ng damit," sabi ko at tumalikod na.  Maya maya ay naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran ko kaya napaharap ako.  Si Mrs. Alba.  Umiiyak siya tapos titig na titig siya sa mukha ko.

     "Okay lang.  Okay na okay lang.  Kahit anong gusto mong gamit ni Louraine.  Its yours," umiiyak na sabi ni Mrs. Alba habang hinahaplos niya ang mukha ko.

     Tumingin ako sa gawi ni Eunice at nakangiti lang siya sa akin.  

     "I thought you are Louraine's ghost.  Ang creepy," at napahalakhak siya.  "That was a gift to her.  Once lang niya isinuot 'yan.  Bagay sa 'yo," sabi pa niya.

     Umupo ako at nakatingin lang si Mr. Alba sa akin.  Weird niya, ha?  Usually siya ang laging may comment tungkol sa akin at Louraine.  Pero ngayon wala siyang imik.  Nakatingin lang siya sa akin.

     "Ayaw 'nyo ho ba na ginalaw ko ang gamit ni Lou?" Tanong ko sa kanya.

     Umiling siya at yumuko.  Tapos umiiyak na siya ng mag - angat ng mukha. 

The Rebel's Heart (BLACK SLAYERS Vol. 3) (COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora