Gig

16.2K 530 42
                                    

Hi guys.  I hope nag - eenjoy kayo sa story ni Lee.  Don't worry mahaba - haba pa ito at dadalasan ko ang pag - UD.  Medyo marami kasing work last past few days.

Salamat sa pag - follow sa Black Slayer Series.  After nito si Vlad naman.  😊

Salamat!!! ❤️❤️❤️

—- Herby M.
>>>>>>>>>>>

Lee's POV

Shit. Is this really Katrina? She is wearing a simple shorts, not the short shorts na suot ng mga babaeng nagpapapansin sa amin. Loose neck shirt. Naka - lugay lang ang mahaba niyang buhok. No make up at all. So simple yet ang sexy pa rin niyang tingnan.

Parang si Louraine noon. Napakasimple lang niya pero napakalakas ng dating niya.

"Hi Sir Lee," nakangiti niyang bati sa akin ng makalapit siya.

"Katrina?" Gusto ko talagang makasigurado na siya nga ang kaharap ko.

"'Di ba? She really looks like Louraine? I helped her bought her new clothes. She is staying with us now. Tuwang - tuwa sila mommy," dama ko na masayang - masaya din si Eunice.

"Mabait naman sila, Sir. Salamat at pinayuhan mo akong kilalanin ko muna sila," sabi pa niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Pati pagsasalita ni Katrina. Ang soft. Malumanay na. Hindi na bargas.

"What happened?" Hindi na ako nakatiis na hindi magtanong.

Nagkatinginan si Eunice at Katrina.

"What do you mean what happened?" Taka ni Eunice.

"She changed," sabi ko at tiningnan ko uli si Katrina.

"Ah," at napangiti si Eunice. "I enrolled her sa Personality Development class ng friend ko. Fast learner 'no? Two hours lang siya kanina pero ang dami na niyang natutunan."

Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang telepono ni Katrina. Nakita kong napakunot ang noo niya ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya tapos ay napatingin pa sa akin bago sagutin iyon.

"Sir?" Sabi niya sa kausap.

Sir? Sinong sir ang kausap niya?

"Love, can we go now? Gusto na kitang masolo," narinig kong sabi ni Katya sa akin. Tiningnan lang ito ni Eunice at inirapan ako.

Pero wala kay Katya ang atensyon ko. Sino ang kausap ni Katrina?

"Yes, Sir. Kasama ko ang kapatid ko saka boyfriend niya," sabi pa niya.

"Lee, come on." Pangungulit pa ni Katya. Pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Pupunta kayo? Dito?" Parang hindi makapaniwala si Katrina sa sinasabi ng kausap niya at muling tumingin sa akin. "Ah, kung 'wag na lang ho kaya? Next time na lang?"

"Sino ba 'yang kausap mo?" Hindi na ako nakatiis na hindi magtanong.

Pero hindi ako inintindi ni Katrina.

"Okay, Sir. Dito lang kami ni Eunice," sabi niya at pinatay na ang telepono.

"Who was that?" Inis na tanong ko.

"Si Sir Lester. Pupuntahan daw niya ako dito. Pinapapuntahan daw ako ni Mr. Alba para may kasama ako," sabi ni Katrina.

Fuck it. So talagang gumagalaw na ang kapatid ko. At talagang si Mr. Alba ang dinikitan niya para mas mapadali siya sa paglapit kay Katrina.

The Rebel's Heart (BLACK SLAYERS Vol. 3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now