Date

17.3K 475 19
                                    

Kating's POV

     Parang wala naman akong gana kumain.  Saan ba 'tong restaurant na pinuntahan namin ni Lester?  Steakhouse lang ang nabasa ko.

     "Come on.  Eat something.  Kung anuman 'yang iniisip mo, mamaya mo na isipin 'yan.  Let's just eat," sabi ni Lester sa akin.  Nilagyan niya ako ng piraso ng karne sa plato ko.

     Napahinga ako ng malalim.  Sabagay.  Gutom na rin naman ako.  Hindi naman mabubusog kung magmumukmok ako dahil binasted ako ni Lee.  Sumubo ako ng pagkain.  Masarap.  Tumingin ako kay Les at parang enjoy na enjoy siya sa pagkain niya.

     "I like thr dress that you were wearing earlier.  Bakit mo pinalitan?" Tanong pa niya.

     Gustong kong maiyak.  Dahil nga sa damit na iyon kulang na lang isumpa ako ng gago mong kapatid.  Gusto kong sabihin iyon.

     "Wala lang.  'Di ko na feel isuot," sagot ko.

    "Sayang.  It looks good on you." Sabi pa niya habang patuloy na kumakain.

     "Bakit mo ito ginagawa?" Tanong ko sa kanya.

     Kumunot ang noo niya sa akin.  "What?" Taka niya.

     "Ito.  'Yung ganito.  Bigla mo akong binigyan ng posisyon sa kumpanya mo.  Hindi mo nga alam kung qualified ako.  From encoder, ilang linggo lang biglang Marketing Director na ako.  Hindi mo ba iisipin na magtatanong ang mga empleyado mo," diretsong sabi ko.

     Napatawa si Les.  "Katrina, do you think you are not qualified in that position?" Napailing siya.  "Alright, the truth is your dad wanted it.  Since ayaw mo daw magtrabaho sa company niya and you chose to work with me, he asked me to give you a better position.  In time, matutunan mo din ang pasikot - sikot diyan.  Nandiyan naman si Mich to help you," sagot niya.

     "Iyon lang ba?  May iba pa ba?"

    "Katrina, I don't understand what you're talking about."

    "Hindi ba ginagamit mo lang ako para hindi masira ang partnership 'nyo ni Mr. Alba," sabi ko.

     Sumeryoso ang mukha ni Les. 

     "I am not using you.  I am doing this because I like you.  Hindi dahil sa gusto kitang gamitin.  Your dad is my partner then, even when you're not around.  So why would I need you just to get close to him?

     "Gusto mo ko?  Hindi ka ba naaasiwa noon?  Kamukha ko ang dating asawa ng kapatid mo?"

    Napatawa si Les.  "She's dead.  And magkaiba naman kayo ni Louraine 'di ba?  And I think, my idiot brother is so much inlove with his dead wife."

     Parang gusto ko na namang umiyak.  Totoo naman iyon.  Pinamukha nga sa akin iyon ng demonyong si Lee kanina.

     Nakita kong nakatingin lang sa akin si Les.  Tapos ay napailing siya at napapangiwi pa.  Parang ba siyang may nalaman na kung ano.

     "You have got to be kidding me," sabi niya at binitiwan ang hawak na kubyertos tapos ay sumandal sa upuan niya tapos ay tumingin sa akin.

     "Ha?  Bakit?" Taka ko.

     "Shit," natatawa at naiiling na sabi niya.

     "Bakit nga?" Ano ba ang sinasabi nito.

     "You like my brother?" Diretsong tanong niya.  Parang sigurado siya sa sinasabi niya.

      Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.  Like?  Hindi ko gusto ang lalaking iyon.  Mahal ko iyon.

      Pero umiling lang ako.  "Hindi.  Ikaw na nga ang nagsabi na hindi siya maka - move on sa namatay niyang asawa."

The Rebel's Heart (BLACK SLAYERS Vol. 3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now