7.Hired

19.8K 561 6
                                    

Kating's POV

    Alam kong para na akong tanga dahil kanina pa hindi mawala ang ngiti sa bibig ko.  Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na mayroon na akong maayos na trabaho.  Natanggap akong encoder sa LES Construction Company.  At hindi reliever lang.  Three months probationary at kapag nagustuhan ang performance ko, puwede akong ma - regular.

     "Kating, anong nangyari sa interview mo?" Tanong ni Mona habang sabay kaming palabas ng building.

     Ngumiti ako sa kanya.  "Natanggap ako." At bahagya pa akong napatili.  Nakita kong nanlaki ang mata ni Mona sa akin.

     "Ay!  Yehey!  Pareho tayo!  Ako din!  Sino boss mo?" Excited na tanong niya.

     "'Yung Lester Samson." Sagot ko.  "Akala ko nga hindi na ako tanggap kasi na - interview na ako 'nung lalaking maraming tattoo." At napairap pa ako.  "Nagtataka nga ako bakit nandoon siya?  'Di ba nagbabanda 'yun?" Parang hindi pa rin ako maniwala na nagtatrabaho doon ang lalaking iyon.

     "Sino?  Si Mr. Lee Samson?  Ay girl, siya ang boss ko." Sagot ni Mona.

     Napailing ako sa kanya.  "Nako.  Goodluck.  Mukhang mahihirapan ka sa lalaking iyon.  Ang daming problema sa buhay.  Pati ang palda ko pinakealaman," naiinis pa rin ako kapag naaalala ko ang interview niya sa akin kanina.

     "Mukha naman siyang mabait sa akin.  Actually, tatlo kaming sabay - sabay na na - interview.  Lahat kami natanggap.  Wala ngang masyadong tinanong," sabi ni Mona.  "Pero alam mo, guwapo 'yun si Sir Lee.  Kahit parang puro burda ang katawan niya, ay ibang level ang kaguwapuhan.  Mabait pa," parang kinilig pa si Mona ng sabihin iyon.

     Napaikot ang mata ko.  "Mas mabait si Sir Les." Tanging sabi ko.  Kasi naniwala siya sa kakayahan ko.   "Kelan ka mag - start?  Ako sa Wednesday." Sabi ko.

     "Wednesday din.  Sabay na tayong papasok.  Saka kailangan natin ng matitinong damit.  Bumili tayo sa ukay mamaya," sabi niya.

     Oo nga.  Kailangan ko ng mga damit.  Hindi naman ako puwedeng pumasok na ganito kaikli ang mga palda ko.  Hindi ko na nga lang pinapansin ang mga tingin ng mga lalaki sa akin.

     "Kating, tumawag na naman sa akin si Nilo.  Baka gusto mo daw talagang mag pose uli sa magazine," sabi ni Mona.

     "Ayoko na nga.  Ayoko na 'nun.  Ibubuyangyang ko na naman ang katawan ko sa madla." Sagot ko.

    "Fifty thousand na daw ang offer," tumataas - taas pa ang kilay ni Mona.

    Hindi agad ako nakasagot.  Fifty thousand.  Malaki - laking pera iyon.  Kahit kumuha ng porsiyento niya si Nilo, malaki pa rin ang mapupunta sa akin kung sakaling tanggapin ko.

     "Saka hindi ka naman daw totally nakahubad. Artistic shot naman daw ang gagawin," sabi pa ng kaibigan ko.

     "Ano lang?  Nakalabas lang ang boobs ko?  Ganun?"

     "Tanungin mo na lang si Nilo.  Ang kulit talaga kasi, eh.  Ikaw daw kasi talaga ang request ng publisher kasi marami daw ang tumatawag para tanungin kung sino ka," sabi pa niya.

     Malaking pera ang fifty thousand.  Kaya lang, magkakalat na naman sa madla ang hubad kong katawan. 

     "Puwede kaya kung nakatakip ang mukha ko?" Tanong ko.

     "Kausapin mo nga si Nilo.  Saka nga pala, kung wala kang gagawin mamayang gabi, may gig siyang binibigay sa akin.  Kaya lang may lakad na ako.  3k daw ang bigay.  Tagabigay lang ng free sample ng sigarilyo sa Roadside Trip Bar." Sabi ni Mona.

The Rebel's Heart (BLACK SLAYERS Vol. 3) (COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora