2. Clash

30.4K 732 35
                                    

Lee's POV

I can't take off my gaze at her. That woman looks exactly like Louraine. She is just wearing a black pants and white long sleeves maybe their uniform is different compared to her almost naked body when I first saw her photo in a magazine but still her beauty really stands out.

"Siraulo ka kasi. Hindi mo naman sinabi na kailangan kong maghubad doon. Kung hindi ko lang kailangan ang pera hindi ako papayag doon," she is really pissed. She is throwing the garbage that spilled from the bag.

"Huwag ka ng magreklamo. Kumita ka na naman doon. May naipangbayad ka na sa renta ng bahay 'nyo at naipagamot mo pa si Mang Gildo," sagot ng kasama niya.

"Nakuha ko ba na buo ang bayad na 'yun? Lintek! Ang dami - daming kailangan bigyan. Si Nilo kumuha ng three thousand, tapos meron pa daw manager kuno na kailangan bigyan. Magkano na lang ang nakuha ko doon? Twelve thousand! Binuyangyang ko ang katawan ko sa madla at twelve thousand lang ang nakuha ko?!" Inapak - apakan pa niya ang kaharap na basura para masiksik sa drum.

"Kating, mas malaki ang bigay ngayon. Forty thousand daw," sabi ng babaeng kausap niya. Parang gusto kong paalisin ang babaeng ito dahil parang siya ang may gustong mag - pose sa magazine ang babaeng kamukha ni Louraine.

"Mona, kahit one hundred thousand pa, hindi na ako papayag doon. Teka, ano naman ang ipapagawa nila ngayon kapag pumayag ako?" Nakapamewang na ang Babaeng Kating ang pangalan.

"Ipapakita mo lang daw ang boobs mo," parang nahihiyang sabi ng kaharap nito.

"Putang ina! Boobs ko?! Leche! Hindi na!" Malakas na sabi niya.

Natawa ako sa katabilan ng bibig ng babae. Louraine would never said those words. Napaka - soft spoken niya. This woman, napaka - bargas. Grabe ang pananalita pati pagkilos. Walang ka - finesse - finesse.

Pinitik ko ang sigarilyo malapit sa kanila kasi naroon ang basurahan. Nakita kong pareho silang napatingin sa akin. Nakasimangot ang mukha ni Kating.

"May problema ka ba?" Mataray niyang tanong sa akin.

"Kating, ano ba? Bisita 'yan. Baka isumbong ka." Mahinang sabi ng kasama niya. Parang unaawat siya.

"Napakagago, eh. May basurahan naman malapit sa kanya dito pa pipitikin ang upos niya," sabi niya at muling tumingin sa akin ng masama.

"The trash can is beside you. I don't think this one beside me is a trash can," at tiningnan ko ulit ang garden pot malapit sa akin.

Inirapan 'nya lang ako at itinuloy ang ginagawa niyang pag - aayos ng mga basurang dala niya.

"English - english pa 'to. Mukha namang durugista. 'Lika na nga, Mona. Gusto ko ng matapos ito at gusto ko ng umuwi," at parang nagma - martsang pumasok ito sa loob kasunod ang kasama nito.

Hindi ko mapigil ang hindi mangiti habang sinusundan ko sila ng tingin. She really looks like Louraine but definitely she cannot be Louraine. Sa pagsasalita pa lang sobrang baligtad na sila. Napaka - soft spoken ng asawa ko, this woman? Parang pinakain ng megaphone.  A total turn off.  Sayang.  Parang nawala na ang gana kong kilalanin pa siya.

Pumasok na lang ako sa loob at nakita kong people are starting to eat. The string quartet are performing in - front and Tita Pat and Leni are busy roaming around with the guests. Napatawa ako ng makita kong parang walang pakielam na naglalandian sa harap namin si Ciara at Kyle. Pabayaan na lang namin, alam naman namin na sobrang miss na miss nila ang isa't - isa. Malamang 'to mga dalawang linggo namin na hindi mahahagilap si Kyle.

The Rebel's Heart (BLACK SLAYERS Vol. 3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now