Partnership

16K 485 23
                                    

Good morning guys! Sipag ko mag - UD, ah. Bumabawi ako kasi next few days busy ulit baka matagal ang next update. Hehehe 😊

Happy weekend everyone!

❤️ Herby M.
————————————->>>>

Kating's POV

Maaga akong gumising kinabukasan dahil gusto ko munang dumaan kay tatay Gildo. Sabi sa akin ni Mr. Alba, nailipat na daw ng ospital si tatay at maayos na ang lagay.

Kinuha ko ang telepono ko at nakita kong merong sampung missed calls si Sir Lester. Napangiwi ako. Siguradong issue ang bigla kong pag - alis kagabi. May mga text at missed calls din si Eunice sa akin. Pagkahatid kasi ni Lee sa akin dito sa bahay ng mga Alba, dumiretcho na ako sa kuwarto at nagpahinga. Nilagay ko sa silent ang telepono ko para wala ng mang - istorbo.

Pero hindi rin naman ako nakatulog agad kagabi. Ang tagal ko pang nakahiga at nag - iisip lang.

Gusto kong mainggit kay Louraine kasi sobrang mahal siya ni Lee. Kahit wala na siya, hanggang ngayon, siya pa rin ang mahal bi Lee. Alam ko mukhang mahihirapan ang sinumang babae na papalit kay Louraine. Kasi tingin ko, mukhang malabong mapalitan si Louraine sa puso ni Lee.

Napangiti ako. Parang ang sarap isipin. Lee. Wala ng Sir. Lee lang talaga. Napasimangot ako ng maisip ko naman si Sir Les. Parang di ko feel na tawagin siyang Les lang. Hindi bagay.

Napabangon ako ng may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Mabilis akong nagsuot ng shorts at t-shirt kasi panty at sando lang ang suot ko. Nakatayo doon si Eunice ng mabuksan ko ang pinto.

"What happened to you last night? Bigla ka na lang nawala dun sa bar. Galit na galit ang boss mo kasi hindi ka matawagan," iyon agad ang bungad niya sa akin at diretsong pumasok sa loob.

"Umuwi na ako. Inantok na kasi ako," pagsisinungaling ko.

"Puwedeng mag-text. Hindi ka man lang nagsabi sa akin. Kulang na lang magwala 'yung boss mo kagabi 'nung dumating ako. Buti na lang tumawag si daddy at sinabing nasa bahay ka na," sabi pa nito.

Naupo ako sa kama. "Yaan mo siya. Hindi naman ako teenager para i-baby sit. Tanda ko na," sagot ko.

Napatawa si Eunice at nahiga sa kama. "Well, I think he likes you. And I think dad is making some arrangements for you and him. Mukhang boto si daddy sa Lester na iyon," sabi niya sa akin.

"Anong arrangements?" Taka ko.

"I don't know. Basta 'yun lang ang napansin ko. Alam mo na, ayaw na ni daddy na maulit ang nangyari noon kay Louraine kaya he is fixing everything," sabi pa ni Eunice.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"But hindi mo ba type si Lester? Good catch. Rich and handsome. Pero alam mo, parang magkahawig sila ni Lee. Malinis lang ang itsura ni Lester," sabi pa nito.

"Magkapatid kasi sila," sagot ko.

Nanlaki ang mata ni Eunice. "For real?!"

Tumango ako.

"Lee never mentioned about a brother. Alam ko lang hindi sila in good terms ng family niya but, really?" Parang hindi pa rin makapaniwala si Eunice. "How did you know all these?"

Tumayo ako sa kama. "Mahabang kuwento. Puwede ba akong maligo muna? Maaga kasi akong papasok sa trabaho," sabi ko sa kanya.

"Oh, yeah. Sure. Kita na lang tayo mamaya." Kumaway pa siya sa akin bago lumabas ng kuwarto.

The Rebel's Heart (BLACK SLAYERS Vol. 3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now