12. Shoot

16.4K 556 10
                                    

Happy ❤️'s day everyone!
Enjoy this love day peeps ❤️❤️❤️
So para mag - enjoy kayo this V-day, may UD agad. 😊

Love,
HM. 💋
------------------

Kating's POV

     Nagulat ako ng makita kong lumabas sa opisina ni Sir Lester si Sir Lee.  Hala!  Nag - umbagan na naman ba ang dalawang ito?

     "Okay na kayo?" Hindi ko natiis na hindi magtanong tapos ay sumilip ako sa loob ng office ni Sir Lester.  Mukhang ok naman.  Maayos pa ang loob.  Mukhang walang umbagan na nangyari.

     Tiningnan lang ako ni Sir Lee at tinalikuran na ako. Sinimangutan ko siya at inirapan kahit nakatalikod na siya sa akin.  Kahit kailan mayabang ang lalaking iyon.

    "Miss Domingo, get inside." Narinig kong tawag ni Sir Lester.

    Walang imik akong sumunod at isinara ko ang pinto.

    "Sit down," sabi pa ni Sir Lester.  Lumapit ito sa isang sulok at nagsalin ng kung ano sa baso tapos ay dire - diretsong ininom.

    "May kailangan po ba kayo sa akin, Sir?" Tanong ko.

    Humarap siya sa akin at inalis ang suot na kurbata.  Tinanggal niya ang pagkakabutones ng longsleeves na suot hanggang dibdib.

     Guwapo si Sir Lester.  Clean cut ang buhok, malinis ang mukha.  Mukhang laging bagong shave.  Matangkad din siya saka maganda ang katawan.  Ang ganda nga niya magdala ng amerikana.  Parang model.  Kumpara naman kay Sir Lee na parang ginawang drawing board ang katawan. Pero infairness naman sa lalaking iyon, guwapo din naman talaga saka maganda magdala ng damit.  Kaswal na damit o business attire, bagay sa kanya.  Sa totoo lang, mas malakas ang dating ni Sir Lee kesa sa kapatid niya.  Kasi si Sir Lee parang ang mysterious ng dating. 

     "You will go with me tomorrow sa site ng tinatayong condo sa Pasay," sabi niya sa akin.

     Napakunot ang noo ko.  Teka.  Ano ba ang trabaho ko?  Encoder or personal alalay ng lalaking ito?

     "Freda can't come with me dahil naka - leave siya tomorrow.  You'll replace her for the meantime.  Tuturuan ka naman niya ng mga dapat mong gawin bukas.  Its easy," sabi ni Sir Lester.

     Napa - ah lang ako. 

     "We will be leaving at 9 am.  Be here on time," sabi pa niya sa akin.

     Tumango na lang ako.

     "You can go home now.  I don't want late people, Miss Domingo.  My time is important," pagkasabi noon ay tinalikuran na ako ni Sir Lester at nakita kong muling nagsalin ng alak sa baso niya.

     Walang imik akong umalis doon at lumapit kay Miss Freda.

     "Miss Freda, kasama daw ako ni Sir Lester bukas.  Saan ba 'yun?  Saka bakit ako?" Sabi ko agad sa kanya.

     "Wala kasi ako bukas. Saka ikaw talaga ang sinabi ko kay Sir na isama.  Pupunta rin kasi doon si Lee.  Baka magpang - abot na naman 'yung dalawa.  Maige ng nandoon ka at kaya mo naman silang awatin," sagot niya sa akin.

     "Ginawa 'nyo pa akong referree ng dalawang damulag na iyon," nakangusong sagot ko.

     Natawa si Miss Freda sa sagot ko.

     "Sige na.  Umuwi ka na at matulog ng maaga.  Ayaw ni Sir Lester ng late," pagtataboy niya sa akin.

    Hindi na ako kumibo at bumalik ako sa cubicle ko para kunin ang gamit ko.  Mag - isa na lang ako uuwi kasi si Mona ay susunduin pa ni Johnson.  Natutuwa naman ako para sa kaibigan ko.  Tingin ko naman seryoso sa kanya ang lalaking iyon. 

The Rebel's Heart (BLACK SLAYERS Vol. 3) (COMPLETE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant