3. Bad company

25.5K 640 8
                                    

Lee's POV

     Hindi ko na tinapos ang wedding nila Tita Pat.  Nagpaalam na rin ako sa mga kasama ko na kailangan ko ng umalis at bumalik ng Manila.  Walang tigil ng kakatawag sa akin si Lei.  At sigurado akong hindi talaga ako tatantanan nito hangga't hindi ko sasagutin ang tawag niya. 

     I took my earphones and dialled my sister's number.  Ano na naman kaya ang drama nito ngayon at ako naman ang naisipang kulitin.

    "Why do you keep on calling me, Lei?  You even called Vlad?  How many times did I tell you not to call my friends?  Tatawagan naman kita," iyon agad ang bungad ko sa kanya.

    But instead of her usual high pitched tone of voice, biglang bumulalas ng iyak ang kapatid ko.

    "Hey.  Hey, Leila.  What's wrong?" Mabilis kong itinabi sa gilid ng kalsada ang kotse ko para mas makausap ko siya ng maayos.

     "Lee, si Daddy.  Nasa hospital siya ngayon.  He had a heart attack," sa pagitan ng mga hikbi ay sabi niya sa akin.

     Parang bigla akong kinabahan na hindi ko maintindihan.  Kahit na matagal na kaming hindi nag - uusap ni daddy, he is still my father and I care for him.  I care for all of them because they are my family.  Kahit na nga parang itinakwil na nila ako. 

     "How is he?" Tanong ko.

     "Fine for now.  But the doctors advised that he needs to undergo a double bypass surgery and inaayos na ni Les ang documents niya and doctor's approval para makabiyahe sila ni mommy sa US.  Lee, daddy wants to talk to you," sabi ni Lei sa akin.

     Hindi ako nakasagot.  Ang tagal na naming hindi nagkikita or nag - uusap man lang ni daddy.  After he found out that I am in a band and I secretly got married with Louraine.  Galit na galit si daddy noon sa akin.  Ano daw ba ang ginagawa ko sa buhay ko?  Adik daw ako, walang kuwenta ang ginagawa ko.  Bad company daw ang mga taong sinamahan ko.  Wala daw akong pangarap sa buhay.  He even cut my allowance and stopped sending checks for my tuition fees.  Ako lang mag - isa noon.  Only my friends helped me during those times.  And Tito Jaime, Lars' father helped me financially hanggang sa makatapos ako. 

     "Lee, please.  Kung anuman ang nangyari sa inyo ni daddy, kalimutan mo na muna iyon ngayon.  Hindi natin alam kung anong puwedeng mangyari sa kanya sa operation niya," damang - dama ko ang pag - aalala ni Lei.

     Napahinga ako ng malalim.  "Saan siya naka - confine?"

     "Sa Cardinal Santos.  Please, Lee.  I am begging you.  Saka si mommy hindi ko na makausap.  Iyak lang siya ng iyak," Sabi pa ni Lei.  Umiiyak na naman siya.

     "Fine. Doon na ako didirecho bukas," sabi ko.

     "Hindi ka ba puwedeng dumirecho na dito ngayon?  Ipagpapabukas mo pa ba?"

     "Bahala na, Lei.  Sige na.  Tawagan na lang kita," at pinatayan ko na ng telepono ang kapatid ko kahit pa nga alam kong marami pa siyang sasabihin.

     I rested my head on my seat.  Parang bigla yatang bumigat ang ulo ko.  Hindi ko alam kung kaya ko na bang humarap kina daddy.  Sobrang tagal na kasi.  Parang nasanay na ako na wala akong pamilya.  My family is my band.  Lars, Vlad and Kyle.  They are my family.  Through thick and thin, wala kaming iwanan.

     I wanted to call my friends pero pinigil ko din ang sarili ko.  They are celebrating and I don't want to ruin that special moment because of my problem with my family.  Napahinga ako ng malalim at kinuha ko ang phone ko. 

     "Tito Jaime?  Are you busy?" It's Lars dad.  Everytime I have a problem like this or everytime I need an advice, tito Jaime is the one who always rescues me.  He became the father figure that I need when my own father abandoned me.

The Rebel's Heart (BLACK SLAYERS Vol. 3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now