Tripped

16.3K 493 21
                                    

Kating's POV

Magdamag yata akong hindi nakatulog. Nandito lang ako sa labas ng ICU at nakabantay sa lagay ni tatay. Nag - cardiac arrest siya at hanggang ngayon wala pang malay.

"Kating, magpahinga ka naman. Umuwi ka kaya muna? Ako na ang bahala dito," si Aling Rose iyon.

Umiling lang ako at nanatiling nakaupo sa gilid ng ICU.

"Sige na. Tatawagan kita kung anuman ang mangyayari. Sabi naman ng doktor maayos na ang lagay ng tatay mo," sabi pa niya.

Tumingin ako sa relo at nakita kong pasado ala sais na rin ng umaga. Siguro nga uuwi muna ako. Kailangan kong maligo at magbihis.

"Sige Aling Rose. Uuwi na muna ako. Tawagan 'nyo ako agad kung anong mangyari kay tatay," sabi ko sabay tayo.

Tumango lang siya sa akin. "Sige na. Pahinga ka na muna." Pagtataboy niya sa akin.

Parang hilo pa nga ako habang naglalakad ako palabas ng ospital. Ang hirap talaga ng walang tulog tapos napakarami pang problema.

Walang masyadong tao paglabas ko ng ospital. Mangilan - ilan na mga bantay ng pasyente na mga naghihintay doon. Ilang mga nurses na nagkakape. Naglakad ako papunta sa kanto ng isang kotse ang huminto sa harap ko. Teka. Pamilyar ito, ah.

Bumaba ang bintana at nakilala ko ang nagda - drive noon.

"Sir Lee? Anong ginagawa mo ng ganitong kaaga dito?" Taka ko. Muli akong tumingin sa relo ko para masiguro kong tama ang oras doon. Talagang ala sais pa lang talaga.

"I told you I'll pick you up early. Get in," seryosong sabi niya at tumingin sa kalsada.

Ang aga naman. Oo nga sinabi nga niyang maaga ako susunduin pero hindi naman ganitong kaaga. Hindi pa nga ako naliligo. Feeling ko amoy putok na ako.

Tingin ko naman ay wala akong magagawa kaya sumakay na lang ako doon. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan paalis ng ospital.

Ang bango ng kotse ni Sir Lee. Hindi naman amoy airfreshener. Hindi amoy pinetree na mga nakasabit sa mga bus. Hindi ganoon ang amoy. Pero mabango talaga. Mukhang pabango ni Sir. Grabe naman ang amoy. Parang ang sarap yakapin.

Saka kahit mukhang walang tulog si Sir, guwapo pa rin. Bakit kaya kahit puro tattoo ang lalaking ito, bagay pa rin sa kanya? Hindi siya mukhang madumi. Puwede pa ngang model.

Siguro ay napansin ni Sir Lee na nakatingin ako sa kanya kaya tiningnan din niya ako.

"Bakit?" Tanong niya at itinutok ulit ang tingin sa kalsada.

"Eh, Sir. Tutal inabala na kita 'di ba? Lubos - lubusin ko na." Iyon ang nasabi ko sa kanya.

"Ano iyon?" Parang tonong naiirita siya.

"Puwedeng dumaan muna sa bahay namin? Magpapalit lang ako ng damit," sabi ko.

"Saan ba ang bahay 'nyo?"

"Sa susunod na kanto lang. Mabilis lang ako promise," Sabi ko pa.

Hindi siya sumagot pero iniliko niya sa sumunod na kanto ang kotse niya. Napa - tsk pa siya ng ng makitang ang aga - aga pero marami ng tambay sa kalsada. May mga nagbabasketball sa kalye. Mga mga batang nagtatakbuhan.

"You grew up here?" Narinig kong tanong ni Sir Lee. Parang tonong disappointed siya.

"Oo. Masaya dito. Laging parang may shooting," sagot ko at natawa ako ng maalala ko ang eksena nila Joyce at Al kahapon. 'Yung mag - asawang kapitbahay namin na madalas mag - away at magbatuhan ng gamit sa kalsada.

The Rebel's Heart (BLACK SLAYERS Vol. 3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now