8. My girl

17.8K 603 17
                                    

Lee's POV

'Tang ina. Anong klase bang damit ang suot niya? Super tight white pants? I don't know if she is not wearing underwear or she is wearing a thong or something. Basta I can't find any panty line. Her tight halter top with low neckline almost showed her big breasts. Actually bagay naman sa kanya.  She is so sexy.  Bakat na bakat ang big and round butt niya.  And I hate it. I fucking hate what I am seeing right now. Lalo na nga at nakikita kong ang mga lalaki ay parang mga asong ulol na nakatingin sa kanya. I hate it because she looks like my wife. At hindi ako papayag na makitang nakasuot ng ganoon si Louraine.

I saw on her face that she is pissed. Parang iritang - irita siya sa suot niya at parang inip na inip na sa pakikipag - usap sa handler nila.

I ordered another bottle of beer kasi parang nauhaw ako. I saw two men approached the bar area and sat beside me. They ordered drinks from the bar tender.

"Did you see Katrina?" Narinig kong sabi ng isa.

Uminom muna sa hawak na baso ang lalaking kausap at tumingin sa gawi ng grupo nila Katrina. Is he talking about Katrina Domingo?

"Yeah. I didn't know she's here," sagot nito.

    "Sexy pa rin.  'Tang ina.  Nakita mo ang puwet.  Gusto kong lamutakin," sabi ng isa.

    "Subukan mong lapitan.  Baka pumasa ka," natatawang sagot ng kasama nito.

Natawa din ang lalaking kausap. "That woman was crazy. Crazy in love with you," sabi ng isa.

Pasimple kong tiningnan ang lalaki. Gusto kong makita ang tipo ng lalaki ng Katrina Domingo na ito. 'Tang ina, mukhang fuck boy. Parang walang bayag ang tingin ko dito. Parang puro panglalandi lang ang alam.

"Bakit mo kasi iniwan? Mukhang okay naman siya, ah? Pretty. I think she is smart too," sabi pa ng kausap nito.

Nakita kong muling tumingin ang lalaki sa gawi nila Katrina. "Yeah. She is pretty. And yes, she is smart. Kaya lang, you know. She is poor. She is just a face. Saka hanggang ganyan lang naman siya. Just doing some night gigs para makasilo ng mayaman," sagot ng lalaki.

Gago 'to, ah. Fuck boy na nga mayabang pa ang kupal na 'to. 'Tang ina, hindi naman guwapo. Guwapong - guwapo sa sarili? Sabagay maitsura nga naman.

"Naikama mo ba si Katrina, Clyde?" Tanong pa ng kasama nito.

Umiling ang lalaki. "No. Mautak ang gaga. Hindi nga ako halos nakaisa 'dun.

Natawa ako sa narinig ko at inubos ko ang laman ng beer ko. Buti nga sa'yo gago. Gusto kong sabihin iyon.

"But I think she really loved me at kung nagtagal - tagal ng konti bibigay na din sa akin. Ako na lang ang umayaw kasi talaga namang pangkama ko lang siya kapag nagkataon. Ang dami kayang babaeng nagkakandarapa sa akin," punong - puno ng kayabangan ang Clyde na 'to.

Napailing ako. 'Tang ina. Maraming babae? Wait 'til I get all the women here. Tingnan ko kung may pumansin pa sa kupal na 'to.

Natawa ako sa sarili ko. What's with me? Bakit ko ba pinagaaksayahan ng panahon ang gagong 'to? Ang yabang kasi. And what's with Katrina? Akala ko pa naman mataas ang standards niya. Bakit natisod siya ng gagong 'to?

I saw Katrina's group finished their meeting then one by one, they walked towards the customers and started to give free samples of their products. I stayed at my place and just looking at her smiling at these maniacs. Parang mga siraulo. Kung makatingin kay Katrina ang mga lalaki parang nanghuhubad na.

I saw her walking towards our place. Hindi pa niya ako nakikita kasi nasa bandang dulo ako at medyo madilim na parte doon.

"Free samples -" hindi naituloy ni Katrina ang sasabihin niya at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya ng makilala ang lalaking nakaupo sa bar. Nakita kong bahagya siyang nalito at nataranta ng makita ang lalaki. Napangiwi ako. She really like this guy?

"Hi Katrina," punong - puno ng kayabangan ang pagkakasabi noon ng lalaki. Para bang alam niya ang epekto niya kay Katrina.

"Clyde?" Parang hindi siya makapaniwala.

"I miss you, babe." Sabi pa nito at hinawakan sa bewang si Katrina para lalong mapalapit dito. Bahagya namang umiwas ang babae. Pero alam kong natataranta siya.

Nakita kong may dalawang babae ang lumapit sa gawi ng lalaking Clyde ang pangalan. Agad na umakbay ang isang babae dito at tiningnan si Katrina.

"Kating? You're here? So hindi ka pa pala graduate sa pagiging promo girl. Hindi ka pa nakakatisod ng mayaman?" Nakataas ang kilay na sabi ng babae.

I was waiting for Katrina's fierce attitude. Sa taray ng babaeng ito, I know hindi siya papayag na ganituhin siya ng kahit na sino. Pero sa pagkakataong ito, she is is just quiet. Hindi siya makasagot. Who are these people?

"Nagtatrabaho lang ako, Judith. Ganito rin ang trabaho mo dati. Nagkasyota ka lang ng matandang mayaman tapos syinota mo naman si Clyde at inagaw sa akin," sagot ni Katrina.

Nakita kong natawa ang babaeng Judith ang pangalan. Parang tuwang - tuwa naman si Clyde na parang pinag - aagawan siya ng mga babae.

"Inagaw? Girl, he dumped you. Kasi hindi naman kayo bagay. You are so poor. Ano naman ang pagmamalaki mo? Maganda ka lang pero mahirap ka. Kaya kahit maghubad ka hindi ka makakatisod ng mayaman," sabi pa nito at humalik sa bibig ni Clyde.

"Hindi ko kailangan ng lalaking mayaman. Nagta - trabaho lang ako."

Tingin ko ay parang nagpipigil lang si Katrina at parang gusto ng umiyak. Napahinga ako ng malalim at lumapit ako sa gawi nila. I know these women. Kapag nilandi ko ang mga ito alam kong iiwan nila ang mga lalaking kasama nila dahil sikat ako.

"Beer please," sabi ko sa bartender at ngumiti ako sa bababeng Judith ang pangalan. Napatingin sa akin si Katrina at alam kong nagulat siya na makita ako doon.

"Oh my god! Lee?!" Parang hindi makapaniwala si Judith na ako ang katabi niya.

Ngumiti ako sa kanya at uminom sa hawak kong beer. And as I expected, tinalikuran na niya si Clyde. Tumabi na siya sa akin at nag - umpisa ng magpapansin.

"Your band is playing tonight?" Malandi pa niyang tanong.

Tumango lang ako at muling tumungga sa hawak kong beer. "I am just killing time and waiting for my girl," sagot ko sa kanya.

"Girl? Girlfriend? 'Di ba single ka pa saka si Vlad?" Parang nagmamaktol si Judith.

Ngumiti lang ako at inilapag ang hawak kong beer.

"Sorry girls. I am taken already by this lovely lady," sabi ko at lumapit ako kay Katrina at ipinulupot ko ang braso ko sa bewang niya. Kitang - kita ko ang ang pagkagulat niya sa ginawa ako at nagtatangka siyang humiwalay sa akin pero lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahapit sa bewang niya.

Napakunot ang noo ng mga tao sa paligid namin. Hindi makapaniwala si Judith lalo na ang lalaking Clyde ang pangalan.

"She's your girlfriend?" Gulat na gulat na sabi ni Judith.

"My one and only," sabi ko at walang sabi - sabing hinalikan ko sa labi si Katrina.

My intention is just to show these assholes that it is not right to bully someone. But when I tasted her lips, it is like I was taken back to those times that Louraine was alive. Tasting her soft lips, it just felt right. The way her mouth moves, I can feel that I am kissing Louraine.

Naramdaman kong bahagya akong itinulak ni Katrina at gulat na gulat siya sa ginawa ako. Doon ako parang natauhan at nakita kong nakatingin sa amin ang mga taong naroon.

"You'll thank me for this," iyon na lang ang naibulong ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. "Let's go," sabi ko at pahila ko siyang inalis doon.

The Rebel's Heart (BLACK SLAYERS Vol. 3) (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang