9.Saved

18.4K 508 6
                                    

Kating's POV

Si Clyde. Bakit nandito si Clyde? Shet. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kapag nakakaharap ko ang lalaking ito, talagang tumitiklop ako. Ang daming lalaking nanliligaw sa akin pero sa kanya ako na - inlove ng husto. Hindi ko maintindihan. Iba ang epekto niya sa akin. Nawawala ang katarayan ko kapag kasama ko siya. Pero iniwan niya ako. Kasi hindi ako mayaman at hindi ko kayang ibigay ang bagay na gusto niya.

Huli na para umiwas ako. Nakita na niya ako. Alam naman ni Clyde kung gaano ko siya kagusto kaya siguro mayabang siya na kaya pa rin niya akong makuha ngayon. Pero hindi na ako katulad noon. Oo at gusto ko siya pero hindi naman ako ganun' katanga na magpauto sa kanya. Ipinagpalit nga niya ako sa Judith na ito. Diyosko naman. Bakit naman sama - sama sila? Nandito pa si Judith! Ang bruhang babaeng ito na syota nitong si Clyde ngayon.

Diyos ko po naman. Utang na loob! Kainin na ako lupa. Tamaan na ako ng kidlat. Anurin na ako ng baha makaalis lang ako dito. Lord! Tulong po!

"Beer please."

Napatingin ako sa lalaking lumapit sa amin. Ano naman ang ginagawa ng lalaking ito dito? Bakit nandito ang lalaking puro tattoo na ito? Pero kakaiba ang itsura niya kumpara ng makita ko siya sa opisina. Hindi na siya naka - amerikana. Naka pantalong sira - sira at puting t-shirt lang siya na v-neck. Naka - pony tail ang mahaba niyang buhok. Litaw ang mga tattoos niya sa magkabilang braso at kita kong kahit sa dibdib pataas sa leeg ay meron ding tattoos.

"Oh my god! Lee?!" Napairap ako kasi sobrang arte ni Judith at talagang nagpapansin na siya sa lalaking puro tattoos. Tinalikuran na nga niya si Clyde. Pati ang kasama niyang babae ay ganoon din.

"Your band is playing tonight?" Malandi pang tanong ni Judith. Leche talaga ang babaeng ito. Nandito na si Clyde, nilalandi pa niya ang lalaking puro tattoos! Gusto ko na siyang sabunutan.

"I am just killing time and waiting for my girl," narinig kong sagot ni Mr. Lee Samson at patuloy lang sa pag - inom ng beer. Sino naman kaya dito ang girl na sinasabi niya? Tatatlo lang kaming babae dito. 'Yung kasama kaya ni Judith ang sinasabi niya?

"Girl? Girlfriend? Sino ang girlfriend mo? Single pa kayo ni Vlad 'di ba?" Parang hindi makapaniwala si Judith.

Nakita kong ngumiti si Mr. Samson. Kahit naman maraming burda ang katawan nito, guwapo pa rin kahit ngingiti lang. Pantay - pantay ang puting ngipin. Mapupula ang mga labi kahit alam kong laging naninigarilyo ito.

"Sorry girls. I am taken already by this lovely lady," narinig kong sabi niya at lumapit sa akin.

Teka. Teka nga. Anong nangyayari? Pumulupot ang kamay at braso niya sa bewang ko. Kakalas sana ako pero mahigpit talaga niya akong hinapit palapit sa kanya. Ayaw niya akong bitiwan.

"She's your girlfriend?" Kitang kong gulat na gulat si Judith. Talagang hindi siya makapaniwala sa nalaman niya.

Magpo - protesta na lang ako ng unahan akong magsalita ni Mr. Samson.

"My one and only," at hindi na ako nakagalaw ng bigla niya akong halikan sa labi.

Gusto kong magwala dahil sa kapangahasan ng lalaking ito. Hinahalikan ako ng demonyong ito! Pero grabe ang lambot ng bibig niya. Ang sarap niyang humalik! Parang sanay na sanay siyang paglaruan ang mga labi ko. Pakiramdam ko nga ay nanlambot ang mga tuhod ko kasi para talaga akong nawalan ng lakas sa sarap ng halik niya. Pero naalala ko si Clyde. Hinahalikan niya ako sa harap ni Clyde kaya mabilis ko siyang itinulak.

"You'll thank me for this," narinig kong mahinang sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Let's go," at pahila niya akong inalis doon.

Naririnig kong tinatawag ako ni Clyde pero mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Mr. Samson. Ayaw niya akong bitiwan habang naglalakad kami.

The Rebel's Heart (BLACK SLAYERS Vol. 3) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon