Chapter 12: Damn Hard

Start from the beginning
                                    

“Ang aga aga kasi ang ganda ganda at ang sexy sexy mo...” he grinned.

“Naku ikaw ha! Ano kayang nakain mo at puring puri mo ako ngayon?” tanong niya.

“Ikaw,” kinagat muna nito ang kanyang leeg at lumayo sa kanya. “You look cute when you blush, Misis. Nakakagigil ka.” Naglagay na ito ng plato sa lamesa.

“Ikaw naman kasi, eh. Lagi kang nang-aasar at saka nang-aa...Ah, wala wala.”

“Ano? Nang-aasar at?”

“Wala nga.”

“Ano nga eh?”

“Ano yung...nang-asar ka at saka nang-aakit...”

Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito. “So it is working, huh?”

“Kumain ka na nga diyan.” Napalabi siya. Sa pagkain na lamang niya itinuon ang pagkapahiya niya rito. Masarap naman kasi ang sinabawang patola.

“Hindi pa ba tayo nagse-sex?”

Naubo siya bigla. Para siyang nabulunan ng isang malaking siopao sa lalamunan sa tanong nito.

“Hey! Ingat kasi. Ito oh water.”

Tinanggap niya ang tubig at uminom. Naubos niya ang isang punong tubig pero parang nanunuyo pa rin ang lalamunan niya. Wala siyang masabi. “Ah...ano kase...”

“It looks like you’re still a virgin,” sabi nito na nagtataka.

 “Oo naman! Birhen pa ako!”

“Hey, calm down. Easy. I’m just asking. But seriously, why are you still a virgin?”

“Birhen pa talaga ako! Naniniwala kasi ako sa kasabihan na ang pinakamagandang regalo ng isang babae sa araw ng kasal nila ay ang kanyang sarili.”

“Eh, kasal naman tayo diba? Bakit hindi mo pa binigay?”

Napamaang siya. Oo nga pala kasal na sila! Tumungga ulit siya ng isang basong tubig. Baka atakihin na siya sa mga tanong nito. “Oo nga kaso naman kasi hindi natuloy noon kasi nga..ano..hmnn..sabi mo kasi tsaka na tayo mag-pulot gata kapag nakapagipon ka na papuntang Boracay.”

“What’s with Boracay? Anyway, really? I did that? Am I that noble?” parang napu-frustrate a anyo nito.

“Oo. Sabi mo kasi, eh. At saka umuwi na ako agad dito noon hanggang sa ayan nga nasagasaan ka na,” hindi niya talaga inaasan ang ganitong tanong mula dito.

“Parang hindi ako makapaniwala na pumayag ako sa ganoon set-up.”

 Kumunot ang noo niya. “Bakit?”

“Pakiramdam ko kasi magaling ako makipag-sex. ‘Yung magaling ako magpaligaya ng babae. Ewan ko ba. Pero feeling lang naman, ah.”

Namangha siya rito. Mukha ngang ganoon ito. Sino ba naman kasi ang babaeng tatanggi dito? “Talaga? Ano pang feeling mo?”

“Maraming ako nafi-feel pero hindi malinaw lahat. I dunno. Sometimes, I’m not entertaining it. Minsan ang tingin ko sa sarili ko, ang tali-talino ko. Parang kaya kong maggamot na parang doktor. Tapos feeling ko ang yaman yaman ko. How weird. Well, anyway...”

Wow. Mukhang tama nga siya. Mayaman nga ito. “Pero wala kang naaalala?”

Umiling iling ito.

“Paano kung hindi na bumalik ang alaala ko? Edi hindi tayo pwede? Paano tayo gagawa ng baby?”

“Ah...ano..edi...pwede naman. “

 Kumislap ang mga mata nito. “Maybe I’ll try harder in seducing you...”

“Sa gwapo mong ‘yan oh!”

 “I am a lot way handsome in bed, Sweetie. Imagine me naked....”

Isang kindat ang iniwan ni Samuel sa kanya.Para tuloy siyang natulala dito.

[SAMUEL’S POV]

Tatlong araw na ng maging mabuti ang kanilang samahang mag-asawa. Masayang masaya siya. Wala siyang naaalala hanggang ngayon pero may mga imahe sa isip niya. Pero malabo ang mga iyon. Sumasakit lamang ang ulo niya kapag pinipilit pa ang sarili niya.

Nagtitimba siya sa poso. Nag-iigib siya ng tubig panligo ng kanyang asawa. Ang pag-iigib niyang iyon ay sapilitan pa niyang ipinagpaalam kay Amia. Ayaw na ayaw kasi nitong nagpapakapagod siya.

“Okay na ito, ha. Oh magpahinga ka na doon. Maliligo na ako.” Sabi nito. May tuwalya ito sa balikat nito. Ang sexy talaga nito. Hindi man ito ang pinakamaganda sa lahat, para sa kanya naman ay ito ang pinakaimportanteng babae sa buhay niya.

“Kiss mo muna ako.”

“Kaya pala nag-igib ka may kapalit naman pala,” ang ganda ng ngiti nito.

Ngumuso si Samuel. Hinalikan naman siya ni Amia. It was a sweet kiss. “Iyon lang? Grabe naman. Ang damot damot mo talaga.”

“Male-late ako sa talian noh. May luwas ngayon kailangang maaga,” dahilan nito.

Napalunok siya habang nag aalis ito ng tali sa buhok. Seeing her hair like that...Makes him hard already. Vocal naman siya sa pagsasabi niya rito ng nararamdaman niya pero siya rin agad ang tumututol na may mangyari sa kanila. Ayaw niyang mabigla ito.

“Sige na nga maligo ka na nga. Habang napipigilan ko pa. Hindi mo alam kung gaano kita gustong ikulong sa kwarto, Amia...Hindi mo alam..”

She smiled at him playfully. “I love you, Mister.”

Lagi itong ganoon. Laging iyon ang sinasabi nito kapag nagpaparamdam siya. “Ikaw talaga, Misis.  Oh siya maligo ka na. Bilisan mo ha at baka magkasipon ka pa.”

“Kiss.” Napangiti siya sa nguso nito.

“Come here,” utos niya.

Lumapit naman ito. Hinawakan niya ang batok nito at hinalikan. Diniinan niya pa lalo. Lagi siyang nasasabik halikan ang asawa. Naririnig niya ang mga ungol nito. “Very responsive...I like it..I want to lick your mouth, Baby..” pinasok niya ang dila sa bibig nito. Their tongues are playing with each other. Kinagat kagat niya ito pati ang mga labi ni Amia. “Let me undress you..”

Alam na niya ang sagot nito ng mas diinan nito ang kamay sa batok sa batok niya. He smiled. Habang hindi tumitigil ang kanilang mga labi sa paghalik sa isa’t isa ay sinimulan na niyang tanggalin ang damit nito.

Unti-unti na niyang natatanggal ang mga butones ng damit nito nang pigilan niya ang sariling haplusin ang mayayamang dibdib nito. Pinaghiwalay niya muna ang kanilang mga labi. “Stop torturing me, Sweetie. You are making me-“

“Hard na naman?” nangingiting sabat nito.

Napangiti na rin siya.”Damn hard, Sweetheart.”

Hinaplos nito ang pisngi niya. “Salamat, Samuel. Salamat sa pagintindi mo sa akin...”

“Ikaw pa. I respect you as long as I can. Kaya ang ngayon kaunti nalang at hindi ko na mapipigilan ang sarili ko, eh.”

Ikaw naman kasi, eh. Kaya ko naman hubarin itong damit ko hinubad mo pa. Ayan tuloy...”

“Seeing you anytime and anywhere makes me want to make love to you, Sweetheart...”

“Ikaw talaga!”

He pinched her nose. “Ligo na bago ako maging rapist.”

“Gwapo mo namang rapist! Sige na. Love you. Ligo na ako."

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Where stories live. Discover now