MBD 37

29 2 0
                                    

Hawak ng batang Chai ang isang doll na nakabraid ang buhok. Habang subo ang isa niyang thumb, naglakad siya pababa sa hagdan. Kakagising lang niya.

Sa baba, nakaluto na ang kasama nila sa bahay ng itlog at longganisa. Kumakain na ang kanyang mga magulang.

"Baby!" Bati sa kanya ng kanyang ina. Binuhat siya nito at tinulungan maghilamos at magmumog.

"Good mowning, Mama. Papa." Hinalikan si Chai ng kanyang ama. Habang hinahandaan ng pagkain si Chai, may nagring ng doorbell.

Mabilis na binuksan ng kasama nila sa bahay ang pintuan. Pumasok sa loob ang tita at tito ni Chai na galing sa ibng bansa.

"Nako. Lumalaki na ang baby!"

"Tita!" Humaripas nang takbo ang batang Chai at yumakap sa tita at tito.

"Namiss kow pow kayow." Halos manggigil sa kavutan ang mga kamag-anak ni Chai.

"Ay, Chai. May ipapakilala kami sayo." Mula sa likod ng tita ni Chai, sumilip ang isang payat na bata.

Lalaki siya, may kahabaan ang buhok at medyo maputi. Singkit ang mata nito at siya ay payat. Tinitigan siya ni Chai na halos manlaki ang mata.

Ngayon lang kasi siya naipakilala sa ibang bata. Sanay siyang mag-isa.

"Heyow. Anong pangalan mow?" Nilabas ni Chai ang isa niyang kamay. Kinuha ito nang nasabing lalaki at binalik ang ngiti niya.

"Akow si Dowminiwc."

---

"Was that a clean job?" Tinanong ni Ria pagkapasok niya ng kwarto. Tuliro ang mga tao sa loob, pare-parehong nag-iisip. Ang hirap ng man-set-up ng kaibigan. Hindi pa nila magawang mababa ang mga maskara nila.

"Hey. Speak up!" Kinlap ni Ria yung kamay nia. Unang nakarecover si Tricia.

"Sinabi niya bang sabihin mo?"

"Nagtext kagabi si Jason."

"Hindi man lang niya sinabi sa akin?" Inis na kinuha ni Tricia ang cellphone niya at lumayo. Mukhang makakatanggap ng napakagandang mensahe si Jason.

Si Hazel, tulala. Ninudge siya ni Ria at nginitian. Bigla namang yumakap si Hazel.

"Sorry dun sa sinabi ko kanina."

"Ayos lang yun. Sorry nasampal kita. Hormones." Napagiggle silang dalawa na para bang walang nangyari.

Sa sulok ng kwarto, nakaupo si Chai at Domonic. Si Marielle, lumabas para bumili ng kakainin nila. Hindi umiimik si Chai. Nakatitig siya sa speakers na para bang tutunawin ito. Ang alam niya lang, ang sasabihin ni Ria tungkol kay Dominic ay yung tungkol sa nakaraan nila. Hindi niya alam kung kanino siya magagalit, kay Dominic o kay Ria.

"Chai." Hinarap siya ni Dominic. Feeling niya maiiyak siya. Sa lahat ng tao na pwedeng magtago ng sikreto sa kanya.

To think na si Dominic ang lagi niyang sinasabihan ng mga sikreto niya.

"Chai."

"Pwede wag mo akong kausapin." Tumayo si Chai at lumabas ng kwarto.

Hindi siya makapaniwala. Ganoon pala pag akala mo kilalang kilala mo ang isang tao. Masakit pag nalaman mong nagsisinungaling lang siya sayo. Lahat ng expectations mo. Lahat ng nasabi mo.

"Chai!" Sinundan ni Dominic si Chai papalabas ng kwarto.

Tumakbo si Chai. Papalayo sa lugar kung saan nagsimula lahat ng sikreto. Papalayo sa lugar na nagbago ng kanyang buhay. Papalayo kay Dominic.

"Chai. Kausapin mo nga ako." Hinila siya ni Dominic patalikod. Muntik na siyang mapaupo.

"Chai, ano ba.."

Slap.

"Hindi ako nakikipag-usap sa mga sinungaling."

---

Isang umiiyak na Chai ang nakaupo malapit sa kanilang classroom. Si Chris ay nakahawk sa kanyang balikat. Nilapit niya ang mukha ni Chai sa kanyang dibdib.

"Hindi naman totoo yun e." Bulong ni Chris na lalong nagpaiyak kay Chai.

"E sira ka pala. Bakit si Ria pa kasi." Gustong matawa ni Chai, pero ang sakit e. Nakakasira ng bait.

"Siya ang nauna. Promise. Hindi ko naman magagawang lokohin ka." Lalong hinigpitan ni Chris ang hawak kay Chai.

Sa kabilang dako, galing sa canteen si Dominic at Yana. Pareho silang may hawak na baso na may gulaman. Nagtatawanan sila at naglolokohan kung sino ang mas clumsy.

Hanggang sa makita nila si Chai.

"Ano na namang ginawa mo?" Sumigaw si Dominic. Napabitaw si Chai kay Chris at tumakbo kay Yana.

"Pare. Wa--"

"Ano? Nakipaglandian ka na naman? E sira ulo ka pala e. Akala ko, sinabi mo na hindi mo na pababayaan 'tong si Chai? Ha? Sumagot ka!" Tinulak ni Dominic si Chris sa may pader. Lumayo sa kanila ang dalawang babae.

"Hindi ako ang nauna--"

"Wala akong pakialam!" Sinuntok ni Dominic si Chris.

"Dom!"

"Chai. Kung magpapaloko ka lang sa lalaking 'to, wag ka nang magboyfriend."

Iniwan nilang tatlo ang hindi pa rin tumatayo na si Chris. Lumayo sila mula sa pwesto nito. Pagkasettle nila, pinaupo nila si Chai na naghihiccup dahil sa sobrang pag-iyak. Niyakap ni Yana ang kaibigan.

"Tahan na, Chai. Hindi worth it si Chris."

"Wag mo iyakan yun. Sus, ang daming lalaking nakapila dian."

Natawa na lang silang tatlo. Maya maya, nakatulog si Yana dahil sa puyat. Nakasandal sa kanya si Chai na inaantok. Sa may kanang side ni Chai, nakasandal si Dominic. Tinignan siya ni Chai at huminga ng malalim.

Kung hindi lang niya ito pinsan.

~~

#VOTE PO :)))))

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon