MBD 7

121 3 0
                                    

Dire-diretso akong pumunta ng CR. Hindi ako makatawid ng pilitin ko yung sarili kong tumawid. Kaysa naman ikamatay ko, bumalik na lang ako sa loob ng ospital at sinubukan na kalmahin ang sarili ko.

Pagpasok ko sa CR, himala na walang tao. Lunch time kasi, lahat nasa kainan. Tinignan ko ang orasan ko, 12:10. Ten minutes late na ako. What kind of impression do I want to leave? After one last look to my haggard-like self, lumabas na ako ulit ng ospital.

Sakto, nasa tapat lang ng ospital yung napili na meeting place. Lunch time, at hindi masyado marami ang tao sa Starbucks. Umupo ako sa isang two-seater na table at nagcheck ng messages. Random lang siya, gaya ng mga 'I love you' ni Josh at 'Goodluck' ni Dominic.

"Sorry, nalate ako ng dating. I have been running errands since this morning." Biglang umupo si Tricia sa harap ko na may hawak na plastic ng isang flower girl dress. Kulay green siya, ta's parang net like na paletter 'V' yung strap.

"What's the dress for?"

"A wedding this afternoon. Wedding coordinator na ako ngayon." Nagulat naman daw ako dun.

"Why chose that field?"

"I don't know. Siguro kasi nakikita kong masaya yung mga taong kinakasal. Making them happy makes me feel proud. Kahit naiinggit ako kasi hindi pa ako kinakasal, but then again, the right time will come." She said dreamily. Ibang iba na ang Tricia sa harap ko. Kung yung dating Tricia 'to, hindi ito magsisimula ng topic.

"Oh." Speechless naman daw ako.

"So, lipat tayo? Coffee's not really the best thing for lunch." Inoffer ni Tricia yung kamay niya. Kinuha ko naman yun. Hindi ko alam, pero pagkabitaw niya, nanlamig yung kamay ko. Iba lang talaga siguro yung feeling na makausap mo ulit yung isang taong hindi mo inaasahan na makakausap pa.

---

Lumabas kami ng Starbucks at pumunta sa parking building katabi nun. Buti na lang at nakawedge ako. Nasa second floor ang sasakyan ni Tricia, so no choice ako. Pagkadating dun sa sasakyan niya, nilagay niya yung damit sa likod at pumasok sa driver's side. Naghesitate ako sa pagbukas ng pinto. Saan ako sasakay?

"Oh Yana, bakit hindi ka pa pumapasok? Wag mo sabihing magmamarathon ka kasabay ng sasakyan?" Still the playful Tricia. Nagshrug lang ako bago pumasok sa passenger's side. Nalakihan ako bigla sa sasakyan ni Tricia.

"Bakit ang laki? Eh ikaw lang naman ang nagamit nito. May sasakyan naman si Kuya Jason."

"Work kasi. Minsan, isang dosena na gown ang kailangan ko dalhin. Nakakahilo nga e. Pero pag namamasyal, mas madalas naming gamitin yung sasakyan ni Jason." Inistart niya yung engine.

"Oh. I just thought." Ta's napangiti ako. Nakalabas na kami ng parking building. Mabilis magdrive si Tricia, kaya maya-maya, nasa highway na kami.

"So, saan tayo maglulunch?"

"Medyo malayo siya. I have learned na first day mo at bukas ka pa talaga magsastart so I think this is fine. Siguro naman hindi ako nakabangga ng kahit ano sa mga appointment mo." Nag-explain siya. Sadly, naalala ko yung nangyari dati. Nung nag-usap kami.

Kahit ano pa ang gawin ni Tricia, magkamali man o magkaproblema, may way siya para mag-explain. Walang 'sorry'.

---

Balik pa nung third year, maswerte sa schedule and section ko at section nila Tricia. Last period namin yun. Wala yung teacher. Dahil masama ang pakiramdam ko, nagstay ako sa room. May kausap pa si Hazel. Ta's inoffer ako nung classmate ko kumaen, pero wala akong gana.

Paidlip na ako nun, kaso biglang sumigaw yung kaklase ko. Nakilala ko yung boses niya, syempre, kabarkada ko dati eh.

"Hoy. Yung may mga utang sa akin. Magbayad kayo. May kailangan lang ako bilhin ngayon." Sabi niya. Lahat naman sila lumapit. Ako, tinry ko imassage ang ulo ko para mawala ang sakit. Walang effect.

"Yana. Si Tricia pala nasa labas. Kausapin ka daw" Dinagdag niya. May mga nagbulungan pa. Nakakainis nga e.

"Teka lang." Tinago ko yung phone ko sa bag.

"Dali. Hinihintay ka ni bestfriend mo." Sabay tawa. Hindi ko sila pinansin at lumabas ng room. Nandun si Tricia, kasama yung mga bago niyang kabarkada. Tingin na tingin sila sa akin, habang paikot ikot si Tricia.

"Nice Trish." Sabi nung isa. Napatingin ngayon sa Tricia sa akin.

"Oh. Bakit?" Sabi ko.

"Pwede ba tayo mag-usap?"

"Sure."

"Saan ba pwede?"

"Dun tayo sa kabilang wing." Dumaan kami sa classroom ulit, kasi may lagusan dun papunta sa kabilang wing ng Science Building. Pinagtitinginan kami ng mga kabatch namin. Pagdating sa kabilang wing, umakyat ako sa hagdan hanggang makaabot sa landing sa pagitan ng second at third floor.

"Oh. Game." Nakacross yung arms ko sa may chest ko.

"Sabi kasi nila, nalulungkot ka daw, umiiyak." Start niya. Tumingin ako sa may bintana.

"Mukha bang umiiyak ako?" Tinignan ko siya. Siya naman yung hindi mapakali.

"Pero. Hindi. Ano ba Yana?" Paano ba? Ano ba sasabihin ko? Tricia, nagagalit ako sa mga nangyayari? Tricia, iba yung dating nung betrayal? Tricia, iba yung super sakit na hindi ka makahinga? Naramdaman mo na ba yun?

"Wala naman. Ikaw? Kasi ikaw ang gusto makipag-usap."

"Uh. Eh kasi ano. Sabi nila, yun nga. Kausapin daw kita dahil dun tungkol kay Justine." Alam mo pala eh. Gusto ko siya barahin at sabihan ng 'Duh, comon sense naman!', pero hindi ko magawa.

"Anong tungkol dun?" Ignorante, pare. Wag kang pahalata.

"Kasi. hindi ko naman ineexpect mangyari eh. Basta close lang, then nagkaganun, and then yun na. hindi talaga. Hindi ko rin alam ang sasabihin. Basta yun." Agitated siya. Kita ko naman na nahihirapan siya. Mahihirapan pa siya eh siya na yung nanalo. Kfine, you win. I don't give a damn about your reasons. Nangyari na eh. Kinonsider ko na lahat, I've given up everything. Sige na. Sayong sayo na, kahit sobrang sakit. Ayaw ko sa lahat yung ginagamit sa akin yung bola ng pagkakababa.

"Kaibigan kita eh, syempre others muna before yourself." Yun lang. Gusto ko batukan yung sarili ko dahil sa hindi ko paggamit ng puso sa pagsagot.

"So hindi ka galit sa akin at sa kanya?" Tumango lang ako. Nakatitig ako sa mata niya, at tinignan siya ng maigi. Halatang nagdodoubt siya, so hinug ko siya. Binalik niya naman. Tapos nung hinug ko siya, parang ang saya ng feeling. I have her back. I have my Tricia back.

"Hindi. Basta kung saan kayo masaya, masaya ako para sa inyo." Hinarap ko siya ulit at binigay yung smile na nagpapakitang okay lang ako. Grabe. Overflowing yung happiness.

"Thank you." Tapos hinawakan niya ako at nagsmile ulit. Yung smile ng tagumpay, ng pure happiness. Naglakad kami pabalik sa mga kasama niya.

"Sige Tricia, dun na ko dadaan. Dun mas malapit yung gate eh." Papasok na sana ako sa classroom, kaso biglang may sumabat mula sa mga kaibigan niya.

"Bakit Yana? Bakit ayaw mo dumaan dito?" Mapang-asar nilang sinabi. Nagalit ako nun, pero hindi ako lumaban. Nilunok ko na pride ko. Hindi ko na pinagtanggol sarili ko. Sige na, sa inyo na ang tagumpay. Sige na, kayo na magpakasaya.

Sige na, sa kanya na siya. At doon ko narealize na kung may mangyayari man na ikasasakit ng kalooban ko, ako ang may kasalanan.

Kasi ako yung hindi lumaban.

—————————-———

To be continued ..

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon