MBD 2

324 3 0
                                    

Weekends pala ngayon, nakalimutan kong banggitin. So, namasyal lang kami ni Josh sa park.

Mamimiss ko 'tong place na 'to. Mamaya kasi, babalik na kami sa Manila. It's been a home for us all this time. Lots of memories happened here, and iba yung happiness na naibigay sa akin nun.

Pag kasama ko si Josh, feeling ko, walang nangyari before I came here. He completed me. Iba talaga ang first love, it never dies. Hahaha. Mga banat ko naman. Then, picture picture kami. Fall kasi, kaya ang ganda ng view. Ang daming nalalagas na dahon. Kung nagiging gloomy ang karamihan, ang positive ng epekto sa akin ng fall. Nandito kasi si Josh.

"Yana, smile!" Tumingin ako sa kanya. Stolen shot nga eh, nasa may likod ko kasi siya hawak yung SLR. Then, naglaro ako sa may leaves. Picture lang siya ng picture. Hiniram ko naman yung SLR, tapos nagtake ng pictures niya.

Ang mysterious ng dating ng aura niya. Naalala ko pa nung first time niya akong sinundo sa last class ko. Late na rin yun. Last night, nung nagreunite kami, nabanggit niya na same floor lang kami ng room. Ang saya.

**** Flashback

Pagkakuha ko ng coat ko, ang daming nagbubulungan sa labas ng room. Di ako sanay eh. So, inayos ko yung buhok ko at sumunod sa labas.

"Gosh, he looks dashing."

"Dear, I think I'm gonna faint."

"Who's he? Is he new?"

"Bet he's waiting for someone in our class."

"Lucky bitch." Sagot nung maarte kong classmate. Pag tingin ko sa tinitignan nila, napasmirk ako. Sa side nila ako dumaan. Nakita ako agad ni Josh at hinila, then kiniss ako sa forehead. Super blush naman ako. Hindi kasi ako fan ng PDA eh.

"Come on, Yana. Dinner's waiting." He looked at me, lovingly? I weaved my hands in his and walked down the hallway. Iba talaga pag 'lucky bitch'.xD

**** Flashback Ends

Mga 2 na ng hapon kami nakabalik sa unit. Yes, we've been living in a unit together for a while. Alam naman ni Mama and Papa eh. Since lagi silang nabisita sa akin, pinagmeet ko sila. Naalala pa nga siya nila Mama eh. Sabi, bagay kami and all that stuff. Pati mama at papa ko, nadala niya. Kahit sila Dominic. Speaking of them, nagvisit sila ng iba ko pang mga kabarkada 3 months ago dito. Surprise gift nila Mama.

---

Maliban kay Dominic, may mga iba pa akong kaibigan na naiwan si 'Pinas. Ilan sa kanila si Hazel, Chai, at Marielle. Si Hazel ang bago kong kaclose bago ako umalis. Naging kabarkada namin siya, e close naman siya kay Chai at Marielle. Si Chai naman, kapatid siya ni Dominic. Si Marielle, classmate ni Chai dati. Connect connect kaming apat.

Nung nagkita kami, grabe. Dumanak ang luha. Dominic, Chai, at Marielle. Sayang wala si Hazel, may inaasikaso kasi. Grabe. Miss na miss ko sila. Nagshare kami ng mga balita. Chikahan to the max. Thankful ako kasi iniwasan nila yung topic na talagang gusto kong pag-usapan. Interesting naman lahat ng shinare nila sa akin. Ang saya ko para sa kanila. Si Dominic, intern na. Si Chai at Marielle, editors ng magazine. Ang tagal ng lumipas na time, at successful na kaming lahat sa mga career namin. Pero siyempre, hindi maiiwasan yung hinanakit na naramdaman nila nang umalis ako ng walang paalam. Paano nila nakilala si Josh? Well, chikadora ata Mama ko.

So, nagtatawanan kami sa may couch. Medyo maliit yung space, pero kasya naman. Bigla na lang bumukas yung door. Hindi ko naman pinansin kasi nawala sa isip ko na darating agad si Josh.

"So Yana, gumaganyan ka na ha." Sabi ni Chai, sabay smirk.

"In fairness, Yii!" Sabay squeal ni Marielle.

"Tsk. Tsk. Hindi ka nagsasabi." Tinaasan ako ng kilay ni Dominic.

"Para namang hindi ko kayo kilala." May naghug sa akin from the back at kiniss yung cheek ko.

"Hi babe." Nagblush ako.

"Wag ka na mag-explain. Though. Alam namin ang totoo. Tita kasi." Sabay tawa nilang 3.

---

"Yana?" Nasa room na kami. Naghahanap ng susuotin na damit. Yung karamihan sa mga damit namin, next week pa maisesend sa Manila. Tig-isang baggage lang dala namin.

"Hm?"

"Handa ka na ba?" Napatigil ako sa pagscan ng gamit ko. Parang tumigil yung time. Naalala ko tuloy yung secondary reason kung bakit ako babalik sa Manila.

Dahil sa batch reunion..

Naramdaman ko na may humila sa akin. Binury ni Josh yung mukha ko sa chest niya, kasi alam niyang naluluha ako. Naririnig ko yung pagbilis ng heartbeat niya kasi may nasabi siya.

"Hindi mo kasalanan yun. Kalma." Tinignan ko siya.

"It's just that.." And I silenced him with a kiss.

"Kaya ko 'to. Big girl na ako."

"At lagi akong nandito para sayo."

"Oo, palagi." And for a while we stood there, captivated by the each other's presence. Siguro ganun talaga, mahirap makaget-over. Damn. Isang dekada na rin ang nakalipas. I just thank God for bringing Josh back in my life.

---

Ilang oras din kami nakaupo sa eroplano. Fail ang iPod sa pagpapakalma sa akin, so nagbasa na lang ako. Si Josh, natutulog. Masama akong girlfriend, nangangawawa. Eh siya naman kasi, pinilit akong pinagpahinga. Siya na daw bahala magbuhat ng mga gamit at magligpit. Sunod naman daw ako. Nagjogging ako habang pilit niyang inayos ang aming unit.

"Ma'am. Do you want something to drink?" Nilapitan ako nung stewardess. Ngiti ngiti siya habang tinitignan ako at si Josh. Ano ba. Ang hirap magkaroon ng gwapong boyfriend. I smiled sweetly before answering.

"No. Thank you for offering." Ta's umalis na siya.

"Attention passengers. Lights will be off in 5 minutes" May nagsalita sa intercom. I sank deeper to my seat, adjusting my position. Tulog na tulog pa rin si Josh. Nilapag ko yung book at kiniss yung cheek niya.

"If I know what love is, it is because of you." Binulong ko kay Josh bago pumikit. Pag lapag ng eroplano na ito, babalik na ako sa buhay na tinakasan ko. Ganun paman, hindi mag-iiba ang pagmamahal para sa akin. Dahil pa rin kay Josh yun.

Pero bakit ganito. Feeling ko, niloloko ko ang sarili ko?

———————————

To be continued ..

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now