MBD 25

51 2 0
                                    

Kinakabahan si Jason. Feeling niya, sasabog siya sa sobrang kaba. Nahihibang na yata siya.

Hindi naman kasi dapat pag-usapan ang mga ganitong bagay eh. He expected a cozy night with Tricia. Eh itong magaling niya na girlfriend, magaling talaga. Pati sa pag-isip ng topic.

Pagpapakasal ba naman kasi ang pag-usapan.

"You're too chicken." Tinawanan ni Tricia si Jason. Nanlamig kasi ito bigla.

"Relax ka lang. Joke lang naman yun eh."

"It doesn't sound like a joke." Tinignan nito ng masama si Tricia.

"Galit ka na niyan?" Hinawakan ni Tricia yung mukha ni Jason. Nag-eenjoy siya na makita si Jason na kabado at parang bata.

"H-Hindi." Kaba. Hindi alam ni Jason ang gagawin. Sa lahat ba naman kasi ng gabi na pwede, hindi ba? Magaling talaga pumili si Tricia.

Kinakapa kapa ni Jason ang bulsa niya. Natatakot siya baka bigla na lang kasi mawala 'yon. Hindi kasi siya makahanap ng magandang timing.

"Joke lang talaga 'yon."

"What if totohanin ko?" Napatigil si Tricia sa pagpigil ng tawa.

"Are you.."

"I'm not joking." Nagkneel si Jason sa harap ni Tricia. Eto ba ang tinatawag na karma? Napakagandang karma naman nito.

Sa wakas, kinuha na ni Jason ang lalagyan na kanina pa niya kinakapa. Ngayon naman, hindi niya ito mabuksan. Natawa na naman silang dalawa.

"Easy ka lang."

"Teka.. Oh.." Biglang pakita ng singsing. Nanlaki ang mata ni Tricia. Napakaganda nung singsing, natetempt siya na hawakan ito..

"Will you marry me?" Silence. Parehong nagprocess sa mga utak nila ang tanong. Pareho nilang inisip ang maaaring maging resulta ng sagot sa tanong na ito. Hanggang sa..

"Yes." Nagnod ng mahina si Tricia at nagpakita ng abot tenga na ngiti. Dahan-danan, sinuot ni Jason ang singsing sa kamay ni Tricia.

"YE--!" Tinakpan ni Tricia ang bibig ni Jason at hinila siya papaupo. Parang bata si Jason na nanginginig sa tuwa.

"Secret muna 'to." Kiniss siya ni Tricia at hinila siya papasok sa bahay. Laking gulat nila sa kanilang naabutan.

Sa tapat ng fireplace, nakabalot ng parang coccoon si Yana at Justine. Nakayakap sila sa bawa't isa, at napakapayapa ng dating ng kanilang mga itsura. Parehong nakaramdam ng tuwa at lungkot ang magfiancee.

Mukhang mahihirapan si Josh na pasagutin din si Yana.

XXXXXXXXXXXXXXXX

Yana's POV

"Sigurado ka ayos lang sa Mama mo na samahan ako ngayon?"

"Oo naman. Kilala ka naman niya eh. Ayos lang daw. Basta umuwi ako ng buhay." Pinasok namin ni Hazel ang gamit sa loob ng unit. Hindi naman ganoon kadami yung dala naming gamit, pero lulugo lugo na kami eh. Masakit kaya yung halos kalahating araw kayong nakaupo sa sasakyan.

Sa wakas, nakarating na kami. Five na ng umaga.

"Ano bang agenda natin?"

"Sabi nila, may pasok na kami ngayon. So, iiwan muna kita mamaya. Ikaw na bahala magbantay, basta huwag kang magdadala ng lalaki dito." Pabiro kong sinabi. Napataas ng kilay si Hazel.

"Ano kala mo sa akin?" Tinawanan ko siya.

"Mamaya kasi sugurin ka na lang dito ni Louie."

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now