MBD 22

46 1 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nakatambay sa may sasakyan si Justine, pinag-iisipan ang mga bagay na narinig niya sa may pintuan.

Oo, nakikinig lang siya sa likod ng pintuan.

Alam niya naman kung saan nagtago si Yana eh, maliban sa may tabi ng ref. Nakita niya lang ito na lumabas ng kitchen. Nakahiga siya noon sa may couch. Tapos, sinundan niya ito.

Tinamaan siya sa sinabi ni Yana. Masaya siya kasi tinuturing siya nitong kaibigan, pero yung huling part. Ang nag-iba lang, hindi ko na siya mahal ng gaya ng dati, pati yung nothing more, nothing less.

He loved her, too.

Hindi niya inaasahan na mahihirapan siya ng ganito. Bumubwelta pa lang siya eh, kaso lahat ng hope niya nayupi. Maybe that time away was enough to make her forget. Nagmarka man ito, hindi na ito ganoong kapansin pansin.

"Mag-isa ka yata." Tumabi si Jana kay Justine. Hindi man niya alam ang nangyari, feel niya ang pressure nito sa kuya niya.

"Gusto ko lang mapag-isa."

"Para namang papayagan ko yun." He smiled. Iba talaga 'tong kapatid niya, lagi siyang napapangiti. Nirest niya yung ulo niya sa balikat ni Jana.

"Tell me what happened." Napatingin sa malayo si Jana, nag-iisip ng maaaring sabihin sa kapatid niya.

"She loves me as a friend. Nothing more, nothing less." Nagnod lang si Jana.

"So?"

"Tinamaan lang ako." Nagnod ulit siya.

"You made your choice." Pinoint out ni Jana.

"I chose Trish."

"She made hers."

"She chose Josh."

"And she's happy with it." Lalong nadown si Justine. Para bang sinasampal lalo sa kanya ni Jana ang katotohanang hindi niya matanggap. Pero ganoon naman lagi si Jana eh.

"I'm happy for her."

"You're not." Binelatan siya ni Jana.

"I'm trying, okay? Wag mo kong pahirapan." Napangiti lang si Jana.

"At least you're trying."

"Baka mapagod ako kakatry." Bigla siyang tinulak ni Jana.

"What the--"

"Kuya. Wag mo nang subukang sirain yung naabot ni Ate Yana. You made your choice, and your choice is not her. Learn to live with the consequences." Galit na iniwan ni Jana si Justine. Just when he thought someone will empathize, he got that treatment.

So much for being the older brother.

---

Hindi naman talaga galit si Jana. In fact, naaawa siya sa kuya niya. Gusto lang niya na solusyunan ni Justine ang problema niya mag-isa. For once, she wants him to take the first step all by himself.

Nagpunta siya sa may library part ng resthouse. Kinuha niya yung librong binabasa niya sa reading table at umupo sa sahig. Hindi niya agad napansin ang isa pang taong nagbabasa sa may bintana.

Dalang dala ng librong binabasa niya si Yana. Para siyang bola. Tumayo si Jana at nilapitan ang nasabing babae.

"Hi Ate. Nakakagulo ba ko?" Tinanong ni Yana si Jana. Umusog si Yana at pinaupo si Jana sa harap niya.

"Hindi naman. Ang galing mo naman." Tinaas ni Yana ang isang libro. Naalala ni Jana ang gawa niya na 'yon. Collection siya ng short stories.

"Thank you po." Naflatter si Jana.

"I want you to narrate one for me." Nagbaby face si Yana kay Jana. Hindi alam ni Jana ang gagawin. Okay lang naman yung pinapagawa sa kanya eh, pero anong story ang ikukwento niya?

Meron doon na modern day story. Merong mala-panahon nila Crisostomo Ibarra. May parang-Sisa. May ala-Romeo and Juliet. Merong..

AHA!

"Nabasa niyo na po ba ito?" Tinuro ni Jana ang storyang may title na 'The Hero and His Muse.'

"Hindi pa. Pero yan na yung next story na babasahin ko. Sinunod sunod ko kasi eh." Nahihiyang natawa si Yana. Hindi niya kasi pinapaalam ang pagmamahal niya sa pagbabasa.

"Oh. Ganito kasi yun. Yung Muse, it pertains to the hero's wife. Hindi naman talaga siya hero, doctor siya. Isang beses, nagkaroon ng note mula sa governing body ng kanilang bayan na kailangan may representative ang bawat family sa ipapadalang army. Since bata pa yung anak nila lalaki, yung doctor yung nagpalista. At kahit naman malaki na yung bata, hindi naman yun papayagan eh."

"Parang 'Just A Dream' yung inspiration ah."

"Yes!" Nag-apir ang dalawang babae.

"Tuloy mo lang."

"So, habang nasa war, laging hinahawakan ng doctor yung family picture nila. Lalo na pag pagod siya sa paggamot. Then, isang bombing yung nagbago ng lahat. Gabi nun. Christmas Eve. May salu-salo. Everyone was expecting a silent Christmas, kaso biglang nagbombahan. They were caught off guard. Ang daming namatay, including the doctor. The family never knew what happened. Yung asawa ng doctor, naghintay lang siya. She just waited 'til her last breath. The worst part is, never pinadala sa kanya yung letters ng asawa niya na nasave." Yana and Jana were in the verge of tears after the narration. Parehong sucker for drama eh.

"That's.. Pwede akong humingi ng copy?." Pinunasan ni Yana ang luha niya.

"The copy's yours." Inabot ni Jana yung collection.

"But.."

"I insist." Ngumiti si Yana despite the weight of the story sa puso niya.

"Thank you, Ja." Niyakap niya ito bago umalis.

Ngumiti lang si Jana. Dahil nakita niya na nagustuhan ang kanyang komposisyon. Dahil hindi niya sinabi ang sikreto ng storya -- na true story ito, na ang bahay ng mga karakter ay nirestore sa kasalukuyan, ito ang resthouse nila.

At muli, nagpakita sa kanya ang shadow ng Muse ng storyang iyon.

—————-—————--—

To be continued ..

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now