MBD 30

53 2 0
                                    

Kinakabahan si Hazel. Sa lahat ng tao, bakit si Ria pa ang dapat makaalam? Alam na niya ang ugali nito. Alam niya kung kailan ilalaglag ang isang tao. Alam nito lahat ng mga pinakatatagong sikreto ng kanyang kaibigan, at hindi nila alam kung paano nito nakukuha ang mga impormasyon na ito. Isang salita lang ang maaaring maitapat sa isang taong kagaya ni Ria.

Evil.

Well, hindi sa sense na sinasapian or kung ano man, pero may tinatawag na kutob. Isang tingin pa lang kay Ria, sisiguraduhin mo nang hindi magkamali sa kanya.

Pero parang laging may dumudulas.

"Sorry. Tumakas pa ako." Umupo si Justine sa harap ni Hazel. Paubos na ang frappe na iniinom ng nasabing babae.

"Bibili ka pa?"

"Oo. Hindi ako nagbreakfast eh."

"Libre mo ko!" Natawa lamang si Justine sa kaibigan. Wala namang siyang choice eh. Depende na lang kung gusto niyang maaway ng isang nag-aalburoto at gutom na buntis.

Hindi iyon magandang makita.

Habang nakapila si Hazel, muli niyang pinag-isipan ang mga dapat na sabihin. Ayaw niya kasing sabihin sa iba na buntis siya. Kahit na pinagkakatiwalaan niya ang mga kaibigan niya, takot siya sa maaaring maging judgment ng mga 'to.

Maliban na lang kay Justine.

Si Justine na parang kapatid na niya. Sinubukan nitong laging maging present sa lahat ng oras. Hindi niya hininga ang presensya nito, pero lagi itong nandyan. Laging handang makinig. Laging handang mag-advise.

Parang noong unang naging close sa kanya si Chai. Noong unang nagloko si Chris.

Parang noong unang naglabas sa kanya ng hinanakit si Marielle. Hindi pa niya nakikita na si Dominic ang lalaki para sa kanya.

Parang noong unang naging close sila ni Yana. Marami silang nalaman sa isa't isa na hindi madaling paniwalaan.

Parang noong unang naging malapit sa kanya si Dominic. Iba pa rin noon ang babae sa buhay niya.

Justine. Ang parang tatay niyang si Justine. Na una niyang sinabihan ng nangyari sa kanila ni Louie. Mali man ito sa mata ng iba, nanatiling tikom ang bibig ni Justine tungkol doon.

"Hoy buntis." Nilapag ni Justine ang pinalibreng frappe ni Hazel. Dali-dali itong uminom na para bang hindi pa kumakain.

"Ang bait bait mo talaga." Lambing ni Hazel.

Habang kinakain ang cake na binili, inobserbahan ni Justine si Hazel. Mukhang problemado si Hazel. Hindi pa naman mabuting mastress ang mga buntis.

"Wala akong pera ngayon."

"Ungas talaga, wala raw pera." Binelatan siya ni Hazel.

"Doon na nga tayo sa labas. Magwala ka pa dito." Kinuha nila ang kanilang mga binili at lumabas ng coffee shop.

Maaga pa. Maraming tao ang nagjojogging sa may tabing dagat. Hinawakan ni Justine ang kamay ni Hazel para hindi ito mawala at naghanap sila ng mauupuan.

"Abot mo pa ba 'to?" Tinuro ni Justine ang concrete barrier na pwedeng maupuan.

"Anong akala mo sa akin?" Nakaupo agad si Hazel. Tinabihan siya ni Justine.

"Bakit mo ba ko biglang tinawagan?"

"Makikibalita lang." Typical na kay Hazel makibalita. Lahat namang sila maya't maya tumatawag o nagtetext sa isa't isa eh. Aakalain mo na isa silang pamilya, lahat sila puro anak.

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon