MBD 14

91 2 0
                                    

"You're finally here! Dali! Yana, pinakalate sa girls. Where have you been? Louie, naman. Saan ba kayo nagsususuot? At paano kayo nagkita?" Biglang sermon ni Tricia pagpasok namin ng headquarters. Hinila niya kami papunta sa mga changing rooms. Una akong hinatid nung dalawa sa last changing room para sa girls.

Pag pasok ko, tinignan ko muna ng maigi yung nasa loob. May isang receiving couch, isang malaking mirror, isang rectangular table, isang open cabinet, at isang refrigerator. Nilapag ko yung paper bag sa couch at umupo. Tinamad ako bigla. Bakit ba kasi isa ako sa mga magcocotillion eh madami naman dyan na iba? Binuksan ko na lang yung paper bag.

May isang white dress, isang stiletto, isang maskara, at isang letter. Parang nanay talaga si Hazel, walang kinakalimutan. Una kong tinignan yung dress. Mukhang galing siya sa closet ko. Ibang klase talaga mga kaibigan ko 'no? Alagang alaga ako. So, nagbihis na ko. Sakto pagkabihis ko, may kumatok.

"Open 'yan." Tinitignan ko sarili ko sa salamin. Maganda na sana yung dress eh. Yun nga lang, I feel fat. Damn.

"Pare bagay! Sexy mo naman!" Banat ni Tricia bago pumasok. Nakadress din siya na may design na halos kapareho ng sa akin.

"Wala akong pera ngayon."

"Sus. Ayaw mo maniwala?"

"Whatever." Tumayo siya at binatukan ako. We're still childish.

"Makabatok naman."

"Dalian mo kasi. Magmaskara ka na." Kinuha ko naman yung maskara. Ano bang klaseng pakulo 'to? Joketime.

"Bakit ba kailangan nito?"

"Kasi masquerade ang theme ng reunion! Lahat naman nakamask eh." She reasoned out.

"I don't see the need to wear masks during rehearsals."

"Well. For surprise! It will be unfair to the others if you know who your partner is, right? Now, let's go. We have some dancing to do!" Ang hyper na babae ay nanghila papalabas ng kwarto ko pagkatapos niya magmaskara. Feel ko hihiwalay na yung arms ko sa katawan ko. Dahil magaling kami, tinakbo namin papunta sa function room. Lahat pala nandoon na. Tahimik kaming nagsneak sa likod na pila ng mga babae.

"Okay. Lahat naman ng maskara ay may kapair. Boys, kayo maghanap ng partners niyo. Go!" Sabi nung instructor. So, may twelve boys, meaning twelve dancing pairs. Nakita ko si Tricia na nahanap na ang partner niya. Si Louie rin pala madaling mahanap kasi hindi naman nagpalit. Nasa may corner lang ako. Mukha kasing lahat sila narerecognize yung mga kapartner nila, ta's ako OP. I feel stupid.

"Bakit ka nakatingin sa ceiling?" May nagtanong. The voice sounds familiar, but I cannot think of the one owning it. Tinignan ko yung taong nagsalita. Dark yung color ng maskara niya, actually kapareho ng kulay nung sa akin. Pang-male na version nung akin yung maskara.

"I thought I'll stand here until my neck stiffens." I said sarcastically. Napatawa lang siya sa rude comment ko. Pati ngiti niya, nakakadala. Goodness, may boyfriend na ako! Pero hindi naman siguro masamang magkaroon ng crush, 'di ba? Landi much? *smirks*

"No. It will make a bad impression on my side. Shall we?" With grace, he offered his hand. Ako naman si Ms. Confident, binigay ko yung kamay ko. Feel ko nanlamig yung kamay ko for no apparent reason. Alam mo yung nagrereact yung physical body mo na parang ewan? Hindi ko maexplain. Basta, iba yung feeling. As if binuhay niya yung mga matagal nang tulog na feelings?

"Ganito ang magiging pattern at rhythm. Tenenen-tenten. Tenten. Tenten." Yung lalaki at babaeng instructor ay nagmula sa opposite sides, tapos nagmeet sa gitna. Tinaas nila yung right hand nila, ta's umikot ng clockwise at counter-clockwise with counting ng steps. Ginaya naman namin 'yon.

"This is funny." Napangiti ako.

"Why funny?" Tinanong ng kapartner ko.

"De ja vu, or hindi na talaga ako sanay sumayaw." Napa-killer smile naman siya. Ang gwapo niya. Para akong fan, sheesh. Get a grip, Yana. Act like a lady.

Sunod sunod lang yung steps. Nakakapagod siya, lalo na't nakaheels ka. Akala ko naman kasi may breaks. At one point, naging numb yung paa ko. Eh iikot nun. Sakto, pagkaikot ko papalapit sa kanya, nahawakan niya ako ng maigi. I tried to act as if nothing hurts, but he knows better.

"Let's sit for a while. Hindi naman mapapansin kung makakamiss tayo ng isang round." Hinayaan ko siya na ilead ako sa mga chairs. I missed sitting. Tinanggal ko yung sapatos ko. Medyo namumula na yung talampakan. Onting massage lang 'to. Nung tapos na ako sa left, tataas ko na sana yung right foot ko ng biglang tumayo yung kapartner ko. Nag-Indian seat siya sa harap ko at kinuha yung paa ko. Muntik na ako magflinch sa malamig niyang kamay.

"Ako na magmamassage. Ako naman nagpagod sayo." So ginawa nga niya. Feel ko nagbublush ako kasi hindi ako sanay na may ibang lalaking nagiging sweet sa akin. First time in years ko lang siguro nakita ang lalaking 'to, at parang iba na yung dating niya sa akin. Komportable ako. Maybe too comfortable for my own good.

"Thanks. Bihira lang ang mang-gaganyan ngayon. I really appreciate your attempt to relieve it's soreness." Napangiti na naman siya. Kailan ba matitigil 'tong lalaki na 'to sa kakangiti? I never needed Josh's protection from any worldly harm, until now. This guy is playing tricks on me!

"It's nothing. I am the one who must thank you. Nakasurvive ka sa akin, eh wala naman akong experience sa mga ganyan." Tinuro niya yung mga nagsasayawan pa rin na mga kasama namin.

"Hahaha. Ano pala pangalan mo?"

"Hindi pwede sabihin. Part of the masquerade rules" Niroll ko yung mata ko. This thing is getting more ridiculous on my perspective.

"Ano na lang itatawag ko sayo?"

"Stranger?" Medyo natawa ako dun.

"Alright, stranger." Hanggang kailan kami magiging stranger ng new found friend ko?

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

THIRD PERSON'S POV

Mga ilang oras pa ang nakalipas bago matapos ang practice proper. Ang lahat ay pagod na, pero nag-enjoy naman sila. Hindi naging hadlang ang maskara para maging maluwag ang mga usapan. Ang dami nilang nagiging nostalgic.

"Ganito ang magiging ender natin para sa bawat practice, okay? After ng isang kanta, tapos na. Same time and attire tomorrow." Isang kantang pang-slow dance ang tumugtog mula sa CD player. Ang dami talagang pakulo ng committee. Nung narecognize ni Yana ang kanta, natawa siya. Coincidence ba na ang title ng kanta at ang tawagan nila ay Stranger? At coincidence ba na si Stranger at ang lalaking minsang minahal ni Yana ay iisa?

"May nakakatawa?" Napangiti si Justine. Inayos ni Yana ang hawak niya sa kanya. Kung kilala mo ang magkasayaw, panigurado ikaw ay magugulat. After ng masaklap na ending ng dalawa at biglaang pagkawala ni Yana, hindi mo maiisip na darating ang araw na sila ay magkakalapit ng ganito.

"See that couple?" Tinuro ni Tricia ang dalawa kay Louie. Hindi naman niya makilala yung dalawa.

"So?"

"That's them!" Napa-huh face si Louie kay Tricia. Inisnap ni Tricia yung kamay niya dahil sa frustration. Biglang nagclick kay Louie ang lahat.

"Oh."

"Ang slow."

"Sorry. Kasi parang.. imposible." Umagree si Tricia. Mula sa malayo, nakita niya ang isang taong tahimik na nanunuod sa strangers na sila Justine at Yana. Nakita ng taong yun na napansin siya ni Tricia. Sumignal siya ng quiet at nanatiling nakatayo dun. Bakas sa mukha ng tao na iyon ang saya pati ang lungkot. Alam kasi niya na ito ang kailangan ng taong mahal niya.

"Alam ba ni Josh 'to?" Nakilala na ni Louie si Josh sa mga pictures, saka pinakilala na siya ni Hazel dito sa mukha.

"He's the mastermind, actually."

—————————————

To be continued ..

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now