MBD 19

68 2 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Nagpapatayan na ba sila?" Tinanong ni Hazel kay Tricia. Sakto, nagsimula na ang awarding.

"Hindi pa naman. Nakinig naman siguro sila sa akin"

"You know how Yana is."

"Hindi yan. Pag nagkagulo, akong bahala."

Matapang niyang sinagot. Isa pang sakto, pumasok yung dalawa nilang pinag-uusapan. Nauna si Yana. Tinakbo ni Tricia sila Dominic at sinignalan sila. Napick-up naman nito agad yung gusto niyang iparating.

Time check - 11: 59 PM

"As the clock strikes midnight, may we ask some of the cotillion dancers to officially open the dance floor." Nagcheer ang lahat. Hinila ni Tricia si Louie.

"Next, your turn." Binulong niya kay Hazel.

"Hindi ka makakatakas." Pang-asar ni Dominic.

"Kahit si Yana hindi rin makakatakas." Nakita ng dalawa ang pagsama ng malumanay ni Yana kay Justine.

Wow. Civil. Such an understatement.

XXXXXXXXXXXXXXXXX

Yana's POV

"Sama kayo, dali!" Tinawag kami ni Tricia habang nakahawak siya kay Louie. Nakita ko mula sa malayo ang mapang-asar na tingin ni Dominic kay Hazel. May sira talaga ang aking mga kaibigan.

Nakaupo ako sa table namin. Wala na yung ibang pairs, manunuod kasi sila nung opening. Sa totoo lang, BV ako. Hindi lang 'to unfair. Hindi lang 'to nakakainis.

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Masaya ako. Kinakabahan ako. Natatakot ako. Himala na lang at hindi pa ako nagwawala.

"Do you want to.."

"Just give me a moment. Hindi pa kasi nagsesettle ang mga pangyayari sa utak ko." Hindi masakit ang ulo ko. Sasabog lang naman ito. Kasi naman eh. Ang sarap hambalusin ng mga kaibigan ko, the same time, gusto ko sila pasalamatan. Well, eto na yung opportunity. Hindi ko dapat 'to sayangin.

"So, let's join them?" Nakita ko yung kamay niya na inooffer niya, nasa harap ko pa rin. Ang sama ko, nagmukha siyang ewan. Tumayo ako at kinuha yung kamay niya. Pinadaan naman kami ng mga tao papunta sa dance floor.

Nakita ko ang abot tengang ngiti ni Dominic. Iba talaga pag maraming alam. Pero imbis na isipin ko yun, inuna ko kung paano kami sasayaw.

Paano kami sasayaw?

Buti na lang at naisipan agad ni Justine na hawakan yung waist ko. Yung kamay ko naman, sa may balikat. Medyo may distance, kasi nakakapanibago. Akalain mo nga naman.

"Seriously. I'm not going to bite you." Binulong ko. Nawala yung pagkakatense niya. Nakakatawa pala 'yon.

"Para kasing papatayin mo ako kanina."

"I just had a rough day." Enough said.

"And the reason includes me?"

"Partly." Kailangan ko maging honest, maging blunt. Anything for him to stay away and hate me. Kasi past na eh, bakit kailangan pa namin magkita?

Natahimik kami ulit. Hindi ko alam bakit. Tapos naisipan ko na sundan yung lyrics ng kanta. Pabulong, pakanta kanta ako.

"You're singing?"

"Alam ko panget boses ko. Sige na. Mayabang ka na"

"Hindi ah! Actually, maganda boses mo." Again, yung tactics niya. Geez, we're done with the teenage years. And besides, I'm already happy with who I am with today.

"Why the rough day?" Tinanong niya.

"Personal matters, then this. I came late. You know that." It just felt weird talking to him. Siguro kasi tapos na 'yon. We've matured. As adults, we know how to justify things.

"Maybe you need a break."

"Maybe." Hindi. Hindi ko kailangan ng break. Ilang taon na yung naging break ko. Dapat harapin ko na 'to. Nakakahiya yung ginawa ko. I ran away from my problem. Eto ngayon, kinarma ako.

Too soon, natapos yung kanta. Nagbow siya sa akin at kiniss yung likod ng kamay ko.

"Let the fun begin!" Sinigaw ng mga emcee. Ngayon pa lang ang simula ng totoong party.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

THIRD PERSON'S POV

Habang nagsasayawan yung mga tao sa loob, naiwan sa labas si Tricia at Jason. Since si Jason ay isa sa mga marshals, hindi siya pwede makigulo sa loob. Hindi naman pwede kay Tricia yun, kaya dinala niya ang kasiyahan ni Jason.

"Sasama ka ba?" Tinanong ni Tricia. Nakaupo sila sa isa sa mga couch na nakaharap sa pintuan.

"If you want me to come." Naglean si Tricia sa kanya. Walang dumadaan at tahimik ang paligid. Ang cozy ng dating.

"Why won't I want you to come?"

"For privacy?"

"You do know what I'm thinking about the privacy thing, eh?" Nagsmirk naman si Jason. Umiikot yung mga turnilyo sa utak niya. Lalo niyang nilapit si Tricia sa kanya.

Sa kanilang paglalambingan, may isang taong tumayo sa harapan nila. Hindi nila inaasahan ang kanyang pagdating. Hindi nagsalita ang dalawa. Yung taong dumating, sinilip muna yung mga nasa loob.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ni Jason. Napatingin sa kanya yung taong dumating at nagsmile ng parang anghel.

"I never said I'd fight fair." Nagsimula ang slow music sa loob at pumasok yung tao. Hindi nila ito pinigilan.

---

"Nakakatawa ka kanina. You should have seen your face!" Masyadong natutuwa si Dominic sa mga pangyayari. Hindi niya kasi iyon naimagine, dahilan kung bakit hindi niya tinitiilan si Yana sa pang-aasar. Si Yana naman, hindi alam kung masasapak o mayayakap ang kanyang kaibigan.

"Pag sinapak kaya kita, subukan natin idrawing yang mukha mo." Sinagot niya. Wala naman itong effect kay Dominic.

"Just thank us." Pilit ni Dominic.

"Fine. Thank you."

Hindi na sumagot si Yana. Masyado pa siyang naguguluhan sa mga pangyayari. Yes, naging success nga yug pagsayaw nila. Yes, wala pa namang disaster na nangyayari.

Everything was simply beyond words.

"May I dance with the lady?" Narinig niya ang isang magandang tinig mula sa likod niya. Yung pagka-BV niya, biglang nawala.

"She's all yours." Binigay ni Dominic ang kamay ni Yana kay Josh.

"What are you doing here?" Hindi makapaniwala si Yana. Nothing could be more perfect than tonight.

"Making up for what happened this morning. I'm sorry I didn't inform you ahead of time. You seemed to be carried away by stuff." Biglang nag-iba yung kanta. Abot tenga na ang ngiti ni Yana habang pinakikinggan ang theme song nila ni Josh.

"Pulling some strings?"

"Only for you." Habang sumasayaw, papalapit ang dalawa sa gitna ng dance floor. Sila ay mahigpit na nakayakap sa isa't isa. Medyo mas mahigpit ang yakap ni Josh.

"What's that for?" Humawak naman ng maigi si Yana.

"Just marking my territory."

"Why?"

"Kung alam mo lang kung paano ka nila tignan Yana. I'm the only one who has the right to look at you like that." At nagtama yung tingin nila. Kita sa kanilang mukha yung overflowing happiness. Kita sa kanilang mukha ang contentment sa isa't isa.

Everything just felt right.

Everything seemed to be right.

————————————

To be continued ..

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat