MBD 6

136 2 0
                                    

Natapos ako kumain. Naghugas ako. Pagkatapos, bumalik ako sa kwarto. Tahimik lang, kasi gugulatin ko sana si Kuya Jason. Nakita ko siyang nakatitig ng maigi sa laptop.

'And just when we thought things are going to get better for the blossoming tandem, everyone has been told about the worst news on our girl's side. How would you feel if your bestfriend turns out to be a backfighter? How would you feel if the one you love falls for the one you trust the most? Will you run? Will you hide? Will you return the favor? If you are Alyanna Martinez, what's your next stop?' Yun yung excerpt sa isang blog ng news collector ng batch namin. Ang sarap ihampas sa mukha nun yung nagsulat nun. Alam ba niya yung feeling kasi? Hindi naman eh. Puro daldal lang sila.

"Ano 'to?" Halata ang pagpigil ng galit ni Kuya Jason pagkatapos niya basahin ang article. Hindi ako sumagot. Hindo ko alam ang isasagot. Ano sasabihin ko, na kaya ako nandito ay dahil dyan? Ang babaw ko naman.

"Wala yan. Sara mo na yan." Sinabi ko. Kala ko susunod siya, pero tumayo lang siya at hinarap ako.

"Ano 'yon? Bakit nandun pangalan mo?" Pinilit niya. Hindi ako sumagot. Tapos na yun. Tatlong taon na ang nakalipas. For sure, I have gotten over it.

"Kahit saan naman pwede lumabas pangalan ko ah? The name's common." Nagreason out pa ako. Humiga ako sa kama at sinubukang matulog.

" 'Last day of classes, last day of goodbyes. As everyone prepare for the summer heat, somebody from the batch informed us about the departure of Alyanna Martinez. The said girl has been involved with our Tricia's darling, Justine Abalos. The girls are good friends, or they used to be? What will happen now? Is leaving the best choice? Stay tuned, 'cause nothing's gonna stop us. Not even summer.' " Binasa ni Kuya Jason yung isa pang highlighted article. Lalong tumindi yung galit sa boses niya. Hindi ko na sana papansinin eh, kaso bigla siyang nagsalita.

"Nasaan pa yung iba? May pinrint ka ba na mga kopya nito? May files ka ba nito dito? Alyanna, magsalita ka kung hindi buburahin ko lahat ng file mo dito." Napatayo ako nun. Ang dami kong importanteng file sa laptop na hindi pwedeng mawala. Tinignan ko ng masama si Kuya Jason bago lumapit.

"Anong gusto mo makita?"

"Gusto ko buksan mo lahat ng folder na may laman ng kahit anong may koneksyon sa bagay na 'to. Lahat, as in lahat. Wala kang itatago sa akin." Natakot ako sa sinabi niya.

"That sh't is none of your business." Sinagot ko habang hinahanap yung USB na may laman ng files.

"Well, that sh't has been hurting you for years now. Do you think I would let this ruin you and my brother?" Napagulp ako nun. Alam ko kasing mali ang makipaghalikan sa kapatid niya sa public, pero ginawa ko pa rin. Oo, kaya nasa recording si Josh ngayon. Typical problem, nag-iiwasan kami para mawala ang awkwardness. Ta's dagdag mo pa 'to. Yun din ang reason bakit nandito 'to. Hindi ko naisip na gagalawin ni Kuya Jason 'to.

"It's nothing."

"It's nothing? Just so you know, I have been watching the two of you since I came here. May mata ako Yana. Hindi ako bulag." Lumabas ang files. Ilang folder yun puno ng pictures namin nila Tricia at iba pa naming kaibigan. May pictures din si Justine dun, pero onti lang.

"Ano 'to? Basura? Kailangan ko yung articles. Yung blog mo, nahack ko na. Wala ka nang takas." Si Kuya Jason din pala ay marunong mang-hack. Owner sila ng computer shop dati, so alam niya na yung mga ganyan. Ilang clearbook ang nilabas ko, bawat isa may date sa labas. Kung anong buwan nandun, ganun ang nasa article.

"You kept them under your watch."

"Of course."

"Why?"

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt