PROLOGUE

1.1K 11 2
                                    

Love no matter how long, waits ..

Each and everyone of us is meant for someone .. One of the hardest challenge in life is finding that someone ..

Some found theirs already, some are still searching and some doesn't know or does not care that they're meant for another person ..

Love is indeed a very complicated word.

Wala talagang perpektong buhay, hindi palaging masaya, hindi pwedeng palaging kung ano ang gusto mo yun na ang mangyayari ..

Lagi daw kasunod ni happiness si sadness, pero after the rain naman lalabas si rainbow right? How ironic

Yeah, I've experienced such thing ..

I thought perfect na ang lahat ng nangyayari sakin, a good mom, comfortable life, supportive best friend, fun friends ..

Masaya na ako .. Wala na akong mahihiling pa !

And yet ..

Happiness palang ang nararanasan ko ..

And sadness is yet to come ..

But naniniwala ako na kapag nakayanan ko ang storm lagi namang may magwewelcome sakin na rainbow diba?

Happiness is being with someone who'll stick up with you no matter what, being with friends na makakaintindi at dadamay sayo kahit ano pang situation ang harapin mo ..

Happiness ..

Hindi yan hinihiling, hindi yan iniintay ..

Tayo, tayo ang may kakayahang gumawa ng sarili nating kaligayahan. Desisyon natin kung gusto nating maging masaya o hindi. Right?

Who'll give me happiness then ? Love has something to do with happiness right ?

Sabi nga nila .. Love has its ups and downs, its twists and turns .. Love leaves us pain, teaches us until we learn something and even if it takes us so long, it will always take us to where we belong ..

Pero, how would you know where you belong if you have two choices ..

Two choices na mahirap piliin cause there are positive and negative reasons sa both side.

Relationships are like traffic signs. 1-way, 2-way, do not enter, no U turn, no left turn, but the best so far is give way and keep right. Ikaw naman ang magpapatakbo sa buhay mo diba? Susunod ka ba sa traffic signs, or papaandarin mo lang ang buhay mo roughly? Will you turn to the left or will you turn to the right?

Sino ang pipiliin mo, yung mahal mo o yung nagmamahal sayo?

Kapag ba iniwan ka magpapakatanga ka pang hintayin siya na balikan ka niya? O .. Let go of him and start over again?

Eh kung ako ang gumawa nun, will he forgive me? Kung nagmahal ako ng iba hihintayin ba niya ako?

Love ? Or be loved ?

~~

Maraming nagsabi na hell year ang third year. Dagsa daw kasi yung mga project, assignment, exam. Dagdagan mo pa ng mga sadistang teacher. Ano pang hanap mo, diba? Tapos yung second year, parang nagdaang hangin lang. Yung klase ng hangin na nagtatanggal lang ng init. Pag dating sa third year, hindi lang bagyo, bonggang bonggang dilubyo. Sabihin mo nang unfair, pero ganoon talaga ang buhay. Hindi madali maging third year.

Sabi pa nila, sa second year, doon mo nararanasan yung mga firsts. First na panliligaw, first na break-up, first na highest sa Math sa card, first na pagpasa sa Biology kahit hindi ka nag-aral sa periodic. Ang daming first, at makakalimutan mo na ang iba. Sa third year naman daw, doon nadedevelop. Nandyan na yung conflict sa pera kasi ang dami mo nang barkada at pag lalakwatsa, hati ka kung saan ka sasama. Tapos yung mga trip pa nila, kala mo kung sinong mayaman. Tapos sa family, hindi mo na sila napagtutuunan ng pansin kasi masyado ka nang focused sa eskwelahan. Then sa lovelife.

Lovelife. Lovelife. Lovelife. Hanep na lovelife yan. Simula first year, hindi na namatay yung mga crush sa higher year. Yung ilan pa dyan sinasabi naiinlove sila. Then sa second year, napapansin mo yung mga kabatch mo. Paano pa sa third year? Ano nangyayari? Doon ba nagsisimula yung kalimutan?

Hindi ko alam kung anong ginawa kong mali. Siguro masyado lang ako nagtiwala. Sobrang tiwala, kahit hindi naman dapat nagtitiwala. Iba talaga. Pero lahat may purpose. Malalaman ko rin ang purpose nito.

"Yana, oi. Tahimik ka yata dyan?" Napansin ni Dominic na hindi ako nagsasalita simula nang hinila niya ako sa classroom. Lintik yan Dominic, masyado mo akong kilala.

Ipapakilala ko siya sa inyo. Si Dominic lang naman ang aking best friend. Naging close kami noong magtatapos na ang first year [Oo. First year.] namin. Nagtanungan ng section eh. Swerte ko at nakilala ko siya.

"Ay wala, nag-iisip lang." Tumingin ako sa may bintana. Ang ganda pa ng upo ko sa may hagdan. Ang ganda ng view, umuulan. Kahit medyo gloomy, basta maganda siya. Hindi man ganoon kalmado, yung feeling kasi na dinadala ng ulan. Nostalgic. Namiss ko tuloy agad yung kwarto ko.

"Ano iniisip mo? Sino? Sila na naman?" Naramdaman ko na naman yung feeling na parang lalamunin ka ng puso mo. Hindi ko sinagot ang magaling ko na best friend. Alam naman niya eh. Bigla na lang siya humarap sa akin at tinignan ako ng malalim.

"Wag mo sila isipin. You deserve to be happy." Tinignan ko lang siya at hindi nagbago yung expression ko. Alam mo yung mukhang bored. Hindi ko na halos magawang ngumiti nun. Parang may mali kasi pag tumatawa ako. Fake na fake ang dating. Nilayo ko ang tingin ko. Hindi ko magawang tignan si Dominic, kasi parang lahat na lang ng problema ko tungkol sa kanila pinapasa ko sa kanya. Alam niya halos lahat, at alam kong nahihirapan siya. Masyado ko siyang iniistress.

Pero di ka naman magiging masaya ng wala siya. Bumanat pa o. Whattheeff. Napasagot tuloy ako.

Hindi ko siya kailangan para maging masaya ako.

And this is where my story began...

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now