MBD 11

96 3 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Dali-daling hinila ni Hazel si Justine sa kanyang sasakyan. Pagkadating sa pinagparkingan niya, hinablot niya ang susi mula sa nakakatanda at binuksan ang pinto. Sa mga ganitong panahon, alam na ni Justine ang dapat niyang gawin. Umupo siya sa passenger's seat. Kailangan ng kanyang kaibigan ng payapa.

Mabilis na pinatakbo ni Hazel ang sasakyan. Hindi nagtangka si Justine na buksan ang CD player sa takot na masira iyon ng wala sa oras. Tumigil si Hazel sa tapat ng isang restaurant. Lumabas siya ng sasakyan.

"Hoy bata, hintayin mo nga ako." Sita ni Justine. Hindi siya pinansin ni Hazel. Pagkapasok niya sa loob, sinalubong siya ng waiter.

"Good afternoon Ma'am, welcome to.." Binati siya nung waiter.

"Table for two, please."

"This way na lang po." Ginuide sila ng waiter papunta sa table na malapit sa window. Umupo silang dalawa.

"Ano pong order nila?"

"Isang milky carbonara. Yung drinks, iced tea." Sagot na patapos ni Hazel. Medyo kinabahan yung waiter.

"Sa inyo po sir?"

"Same order na lang rin." Agad umalis ang waiter.

"What is wrong with you?" Napa-huff si Justine. Ayaw niya sa lahat yung hindi niya naiintindihan yung mga pangyayari. Una, ayaw siya agad papasukin sa headquarters. Pangalawa, ayaw niya ng hinihila siya. Panghuli, ayaw niya ng hindi siya iniimik. Kulang siya sa tulog dahil sa duty. Hindi nakakatulong ang pagiging silent ni Hazel.

"Wala."

"Anong wala? Sus." Tinry niyang ipoke si Hazel, pero pinalo siya nito sa kamay.

"Leech."

"Ako pa yung naleech! Ako na nga etong hinila mo. Nagmukha na kong basahan." Nilapag ng waiter ang pagkain nila.

"Wala naman. Hayaan mo lang na mawala yung init ng ulo ko, okay?" Tinira ni Hazel yung pagkaen. Sabi nga, nakakatulong ang pagkain sa pagbawas ng sama ng loob. After ilang minutes, malinis na ang plato ng carbonara.

"Ayaw mo kumain niyan?"

"Hayaan mo nga ko maging patay gutom saglit." Binatukan ni Hazel si Justine. Hindi umimik ang nasabing lalaki. Nag-order si Hazel ng dalawang mini-banana split. Nagulat si Justine doon. Hindi kasi nagttreat si Hazel ng favorite dessert niya, unless may importanteng bagay.

Tahimik na kumain ang dalawa. Si Hazel, iniisip kung paano niya patatagalin yung moment ng katahimikan. As much as possible, kung wala pang ideya si Justine, ayaw niya sabihin dito na may importanteng tao na nagbalik. Si Justine naman, nag-iisip ng maaaring dahilan ng pagiging weird niya. Maaaring bagong boylet, o bagong problema sa trabaho.

"Ano ba kasi. Magsalita ka na nga." Kinulit ni Justine. No reaction si Hazel.

"Hoy. Sige na. Please? Hindi naman ako magagalit o kung ano man sa sasabihin mo." Still, walang reaction.

"Sige ka. Pag hindi ka nagsalita, magwawala ako--"

"Yana is back." Nawala yung sigla ni Justine. Feel niya bumigat yung pakiramdam niya. Bigla siyang kinabahan na nadown. Ganito ba ang feeling ng taong naeexcite? O ganito ang feeling ng taong binalikan ng mga nightmare niya?

"I told you so." Parang bata na binelatan ni Hazel si Justine. Alam kasi niya yung feeling ng ganun eh -- yung babalik yung isang tao na namimiss mo na pero ayaw mo nang makita pa ulit.

"Well. That's good for her." Medyo matagal bago naging composed si Justine. Hindi niya kasi alam kung ano sasabihin. This is Yana they are talking about -- the same Yana whose heart he broke years ago. Siguro naman nakalimutan na niya yung pagiging unjust ni Justine. After all, they are older and wiser.

"Did you miss her?" Isa pang mabigat na tanong. Natameme si Justine. Hindi niya alam ang sagot. Syempre, kaibigan niya yung tao. Kung ganoon man ang turing sa kanya.

"I miss her, ever since naging rocky ang friendship namin." Inamin niya. Kailan ba niya unang sinabi yun? Hindi niya na maalala. Ganoon pala pag matagal mong hindi iniisip ang tao, unti unti mo siyang nakakalimutan hanggang sa maisip mo na hindi talaga sila naglaro ng malaking parte sa buhay mo. Sa kanilang pagbalik, hindi mo naman alam na sobra ka palang maaapektuhan.

"Ayun pala e." Gatong ni Hazel. Alam ni Hazel ang hindi maintindihan na damdamin ni Justine. Naiipit siya doon ngayon.

"Ano plano mo ngayon? She's back for good." Dinagdag ni Justine.

"Then I'd stay away. Ayaw kong pumasok sa buhay niya ulit."

"Seriously? You're former friends, try to gain the friendship." Sinuggest ni Hazel. Nagulat siya ng biglang nagrattle yung mga plato sa lamesa.

"Para namang hindi mo alam yung nangyari sa amin. Sa tingin mo, pag bumalik ako sa buhay niya, for good yun? Hell, wala na akong nagawang tama para sa kanya." Nagslump si Justine sa table. Naawa si Hazel kay Justine. Alam niya yung struggle nung tao nang maging magkakaklase sila. Naipit siya, pumili siya, nawala yung pagkabulag niya sa mga bagay na matagal na niya dapat pinansin.

At lahat ng iyon ay dahil kay Yana.

"You should have cleaned this mess before." Ayaw ni Hazel na kampihan na lang bigla si Justine. Ika nga ni Justine, ayaw niya sa lahat yung kinakaawaan siya.

"If I've done that, matagal na sigurong nawala si Tricia sa buhay natin." Umoo na lang si Hazel. Alam ni Hazel yung naging away ng dalawa nung senior year nila dahil sa isang malaking bagay. Oo, natigil na 'yon, pero hindi na naging okay ang lahat. Masyado nang nawasak yung relasyon nila ng mga salita, kasinungalingan, katotohanan, at nararamdaman.

"Okay. Tama na ang interrogation sa akin. Ikaw naman. Tama na sa akin. Abusado ka ah!" Iniba bigla ni Justine ang topic. May pagka-bipolar talaga si Justine.

"Wala kang makakalkal."

"Eh ano 'to?" Mula sa bulsa ng jacket niya, nilabas ni Justine ang isang plastic bag. Mula sa loob, kitang kita ang isang bagay na akala ni Hazel ay matagal na niyang naitago.

"Ano yan?"

"Ano sa tingin mo?" Pa-dare na tinanong ni Justine. Nanlamig bigla yung kamay ni Hazel.

"Ang tawag dito ay pregnancy test." Tinuro niya yung laman nung plastic.

"At ang dalawang red lines doon ang nagsasabi kung buntis ba o hindi ang isang babae."

"I'm not dumb." Tinry ni Hazel na itago yung kaba niya.

"If you're not dumb, then answer me. Bakit nakita ko 'to sa bulsa ng jacket mo?" Pahamon na tanong ni Justine. Ngayon lang napansin ni Hazel na hindi niya suot yung jacket niya.

"Oh my gosh." Naluluha si Hazel. It was meant to be a secret.

"Pwede mo naman sabihin 'to sa akin. Para na kitang kapatid." Inabot ni Justine yung kamay niya sa pisngi ni Hazel.

"Sorry. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin." Pinunasan ni Hazel yung luha niya. Alam ni Justine na hindi panatag si Hazel, pero alam niya na kailangan din nung tao ng space. Magsasabi naman si Hazel eh.

"It's fine."

"Pwede mo ba kong tulungan?"

"Paano?"

"Pwede mo ba ko tulungan na itago 'to sa kanila, especially sa kanya?"

————————————

To be continued ..

My Beautiful Disaster (COMPLETED)Where stories live. Discover now